KAMAKAILAN ay isinagawa ang ground breaking ceremony para sa pagtatayo ng bagong 24-classroom, four-storey building sa Pasay City East High School. Ang nasabing proyekto – na nagkakahalaga ng 50 milyong piso – ay magkatuwang na ipinapagawa ng PAGCOR at Travellers International. Higit sa isang libong mag-aaral ng Pasay City East High School ang direktang makikinabang sa bagong school building.
Ang Travellers International ay licensee ng PAGCOR sa Entertainment City at operator ng Resorts World Manila. Ayon kay Resorts World president Kingson Sian, ang kanilang tulong sa school building project ng PAGCOR ay bahagi ng kanilang layunin na makatulong sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa bansa na pangunahing adhikain ng PAGCOR.
Samantala, nitong Agosto 13 ay umabot na sa 455 na bagong classrooms sa 125 sites ang naipatayo ng PAGCOR sa ilalim ng “Matuwid na Daan sa Silid-Aralan” project. Patuloy pa rin ang konstruksyon ng may 471 classrooms sa 112 public schools at Gawad Kalinga centers. Sumatotal, tatlong bilyong piso ang inilaan ng PAGCOR sa kanilang proyektong pampaaralan.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com