ni Tracy Cabrera NAHAHARAP ang De La Salle University sa mahigpit na laban sa UAAP Season 77 women’s volleyball finals dahil makahaharap nila ang defending champions Ateneo Lady Eagles nang wala ang kanilang team captain at leading scorer na si Ara Galang. Nadale si Galang ng season-ending knee injury sa ika-apat na set ng kanilang do-or-die game kontra National University …
Read More »PBA ALL-Star game babaguhin ang format
ni James Ty III PLANO ng Philippine Basketball Association (PBA) na baguhin ang format ng All-Star Game sa susunod na taon. Sinabi ng tserman ng PBA board of governors na si Patrick “Pato” Gregorio ng Talk n Text na mula sa North vs South na format ng laro sa mga nakalipas na taon ay gagawing mga Fil-foreigners kontra mga Pinoy …
Read More »2015 NBTC tagumpay — Altamirano
ni James Ty III NATUWA ang program founder ng National Basketball Training Center (NBTC) na si Eric Altamirano sa matagumpay na pagtatapos ng national finals nito noong Linggo ng hapon sa Meralco Gym sa Pasig. Nagkampeon sa torneo ang Ateneo de Cebu pagkatapos na pataubin nito ang NCAA champion San Beda Red Cubs, 82-78. Ito ang unang beses na nagkampeon …
Read More »NCAA cheerleading competition ngayon
ni James Ty III NAKATAKDANG gawin ngayong hapon ang Cheerleading Competition ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Magsisimula ang kompetisyon sa ala-una ng hapon kung saan magpapakitang-gilas ang sampung mga kolehiyo sa cheerleading sa pangunguna ng defending champion na University of Perpetual Help System Dalta. Llamado ang Perpetual dahil kagagaling lang ito …
Read More »Torre sumisipa sa Zone 3.3
ni ARABELA PRINCESS DAWA NAKALUSOT si Asia’s first grandmaster Eugene Torre sa round two upang itarak ang panglawang sunod na panalo sa Zone 3.3 Zonal Championships 2015 Open sa Ho Chi Minh City, Vietnam kahapon. Kinaldag ni 63-year old Torre si Ninh Thanh Vo (elo 231) ng Vietnam para makisalo sa five-way tie sa top spot. May dalawang puntos din …
Read More »Jerelyn Notario: Girl in a Guys’ World
ni Tracy Cabrera MASASABING sa larangan ng mga kotse, tanging kala-lakihan ang namamayani—pero hindi ito naging dahilan kay Jerelyn Notario para mawalan ng interes sa unang nagbigay kulay sa kanyang musmos na kaisipan. Nagpakita si Jerelyn ng interes sa mga kotse at iba’t ibang mga sasakyan noong bata pa siya. “Naging mahilig po ako sa mga kotse dahil ang …
Read More »Pananaw ng mundo ng boksing sa labang Floyd-Manny
MAINIT na pinag-uusapan sa mundo ng boksing ang tinaguriang Fight of the Century sa pagitan nina Floyd Mayweather Jr at Manny Pacquiao sa May 2 sa MGM Grand. Llamado sa unang sigwada sa mga oddsmakers si Mayweather. Pero sa huling balita ay unti-unting lumalapit ang odds ng dalawa. Kinalap natin ang pananaw ng ilang personalidad na kilala sa boksing tungkol …
Read More »Mga illegal na pasugalan at ang tupadahan sa Tondo Maynila
ANG MGA ILLEGAL na bookies ng karera ng kabayo ay naglipanan pa rin sa loob ng Maynila. Kahit saan lugar ng Maynila mababalitaan may mga nag-ooperate ng mga illegal na pasugalan. Ang mga lugar tulad ng Sampaloc,Tondo, Pandacan, Sta. Cruz, Malate, Ermita at Sta. Mesa ay lantarang makikita ang mga illegal na bookies ng mga kilalang gambling lord. Balita pa …
Read More »Mayweather walang respeto —Roach
ni Tracy Cabrera NAGPAPATROLYA ang mga armadong guwardiya sa gym kung saan nagsasanay si Manny Pacquiao. Ngunit may mga tangkang sirain ang training ng Pambansang Kamao. Patuloy ang ‘trash talking’ para lang mapainit ang situwasyon dalawang buwan bago maganap ang binansagang ‘mega-fight of the century.’ Maaaring nasa Macau si Freddie Roach para sa title fight ni Zou Shiming ng China, …
Read More »Hatton: Pahihirapan ni Pacman si Mayweather
Kinalap ni Tracy Cabrera AYON kay Ricky Hatton, isa sa limang boksingerong parehong nakalaban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., may maliit na kalamangan ang Amerikanong kampeon ngunit maaari rin siyang mahirapan sa Pambansang Kamao. “Mahusay na boksingero si Manny pero kapag naalala kung paano siya nahirapan sa counter-punching style ni Dinamita (Juan Manuel Marquez), maaa-ring magkaproblema siya kay …
Read More »Sino’ng magiging tagapagmana nina Pacquiao at Mayweather?
ni Tracy Cabrera KAKAIBA ang kinalalagyan ngayon ni Adrien Broner sa kasaysayan ng boxing. Hindi pa malinaw kung sino ang hahalili kay Floyd Mayweather Jr., o Manny Pacquiao bilang biggest star ng sport. Ngunit nakatitiyak din naman na may papalit sa dalawa bilang hari ng ring sa pagbaba sa trono ng dalawa. Na kay Broner—ang self-annointed superstar ng boxing—naman ang …
Read More »Nietes muling manunuklaw (Pinoy Pride 30: D-Day)
Minsan naging simpleng utusan si Donnie Nietes ng ALA boxing gym at ni-hindi sumagi sa isip niya ang pagboboksing bago pa man siya hikayatin ng mga nakakahalubilo na mga boksingero. Bago pa man mapalawig ang kanyang pagka-kampeon ng walong sunud-sunod na taon, mas sikat pa rin umano ang mga kapwa niya boksingero na nasa ilalim ng ALA Promotions pati …
Read More »Kampeon lang ang tinitibag ng Kia
NAMIMILI yata ng tatalunin itong KIA Carnival, e. Kailangang champion team ka para ka talunin ng KIA Carnival. Kapag hindi ka champion, may pag-asa ka! Hehehe! Parang ganyan kasi ang nangyayari. Biruin mong ang apat na teams na tinalo ng KIA Carnival ay pawang mga kampeon. At hindi basta-basta kampeon ha! Tinalo nila ang San Miguel Beer, Purefoods Star at …
Read More »Biyahe o perder ang isang kabayo
MARAMING karerista ang nagtatanong kung sino raw ang nasusunod kapag BIYAHE o PERDER ang isang kabayo? Ang HORSE OWNER ba, ang HORSE TRAINER ba o ang HINETE nito? Ano ang palagay ninyo mga Chokaron? Hindi ba ang hinete na may sakay o nagrerenda sa kabayo sa mga aktuwal na karera dahil nasa kamay niya ang ikatatalo o ikapapanalo ng kabayo …
Read More »May tulog si Mayweather kay Pacquiao—Tyson
ni Tracy Cabrera NAGBIGAY ng sariling prediksyon ang tinaguriang ‘Baddest Man in the Planet’ kung paano magwawakas ang nakatakdang welterweight bout sa pagitan ng People’s Champ Manny Pacquiao at undefeated Floyd Mayweather Jr., sa Las Vegas sa Mayo 2 ngayong taon. Ayon kay Mike Tyson, dating world heavyweight champion, ang tanging paraan para talunin ni Mayweather si Pacquiao ay …
Read More »Rapper pupusta ng US$1.6-M para kay Mayweather
Kinalap ni Tracy Cabrera MASALIMUOT man—kung paminsan-minsan—ang kanyang pakikipagkaibigan kay Floyd Mayweather Jr., inihayag ng sikat na rapper na si 50 Cent sa isang radio interview na kung ano mang hindi pagkakaunawaan mayroon sila, ito’y “water under the bridge.” Sa katunayan, tunay ang pagmamahal ng rapper sa kanyang kaibigan kaya plano niyang pumusta para kay Maywea-ther ng US$1.6 mil-yon sa …
Read More »RP team pinoporma na (Lalaro sa SEABA, SEA Games)
ni James Ty III NAGSIMULA na si Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin ng pagsasaayos ng pambansang koponan na nakatakdang sumali sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) sa Abril at ang Southeast Asian Games sa Hunyo na parehong gagawin sa Singapore. Sa lingguhang forum ng Philippine Sportswriters Association kahapon sa Shakey’s Malate, sinabi ni Baldwin na nagsisimula lang siya sa …
Read More »Gorayeb: Nasa amin ang momentum
ni James Ty III NANINIWALA ang head coach ng National University women’s volleyball team na si Roger Gorayeb na kaya ng kanyang mga bata na muling talunin ang De La Salle University sa do-or-die na laro nila para sa huling silya sa finals ng UAAP Season 77 sa Mall of Asia Arena sa Pasay. Noong Miyerkoles ay ginulat ng Lady …
Read More »Never Cease simpleng ehersisyo lang
Simpleng ehersisyo lang ang ginawang pagdadala ni jockey Unoh Hernandez sa kabayo ni butihing Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos Jr. na si Never Cease nitong nagdaang Martes sa pista ng SLLP. Sa alisan pa lang ay hindi na pinaporma pa ni Unoh na mauna ang ilang kalaban niya na may angking tulin sa lundagan, kaya naman naging hirap sila kahit …
Read More »MIR pinabagsak si “Bigfoot” Silva
ni ARABELA PRINCESS DAWA NAPATAWAN ng 60-day medical suspension si Brazilian heavyweight Antonio “Bigfoot” Silva ito’y matapos siyang pabagsakin ni Frank Mir sa UFC Fight Night kamakalawa. Matapos ang post fight examinations na ginanap sa Gigantinho Gymnasium sa Porto Alegre, Brazil ay naglabas ng medical suspension ang Brazilian MMA Athletic Commission sa Sherdog.com. Binanatan ng short left hook ni Mir …
Read More »Natalo ang Meralco dahil wala si Davis
MABUTI na lamang at halos isang linggo ang naging pahinga ng Meralco Bolt bago nasundan ang kanilang laro kontra San Miguel Beer. Napatid ang five-game winning streak ng Bolt noong Sabado nang sila ay tambakan ng Beermen, 102-86 sa kanilang out-of-town game na ginanap sa Xavier University Gym sa Cagayan de Oro City. Hindi naman ikinukuwento ng Final Score ang …
Read More »Dalawang hinete dapat tutukan
Puring-puri ang mga BKs sa kabayong Fine Bluff, Extra Ordinary at Matang Tubig matapos makapagtala muli ng tig-isang panalo nitong nagdaang Martes sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Batangas. Ang panalo ni Fine Bluff ay isang bigayan lang ang ginawa sa kanya ni Pati Dilema at agaran namang naipakita ni kabayo ang kanyang tulis sa pagremate. Sa panalo ni …
Read More »Para manalo kay Mayweather: Ano ang dapat gawin ni Pacman?
ni Tracy Cabrera MAAARING isang bayani si Manny Pacquiao rito sa ating bansa, ngunit kahit ang mismong mga fans niya at kasama ay nagsasabing siya ang ‘underdog’ sa pagsagupa kay Floyd Mayweather Jr., sa binansagang megafight ng dalawa sa Las Vegas sa Mayo. Pabor ang betting odds sa wala pang talong si Mayweather, 38, sa 47 laban. Sa kabilang dako, …
Read More »Pacquiao aatras sa PBA All-Star Weekend
ni James Ty III HINDI na sasabak si Manny Pacquiao sa All-Star Weekend ng PBA na gagawin sa Puerto Princesa, Palawan, mula Marso 5 hanggang 8. Dapat ay kasama si Pacquiao sa Rookies-Sophomores Game ngunit dahil sa kanyang ensayo para sa kanyang pinakahihintay na laban kontra kay Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo ay liliban muna siya sa laro. Bukod pa rito …
Read More »Xian Lim lalaro sa PBA D League
ni James Ty III ISA pang koponan ang nagpahayag ng pagnanais na maglaro sa PBA D League. Kinumpirma ng bagong cellphone company na Cloudfone na balak itong sumali sa D League at katunayan, balak nitong kunin ang aktor na si Xian Lim bilang manlalaro. Si Lim ay dating manlalaro ng UE Warriors sa UAAP bago siya pumasok sa pagiging artista …
Read More »