Wednesday , September 27 2023

Milo Little Olympics simula ngayon sa Laguna

THUMBS UP ang mga opisyales at organizers sa inilunsad na 2015 MILO Little Olympics National Finals sa Shakey’s Malate, na gaganapin sa Oct. 23-25 sa Sta. Cruz, Laguna. Mula sa kaliwa Milo Regional Organizer for Visayas Ricky Ballesteros, Regional Organizer for South Luzon and National Finals Dr. Robert Calo, Laguna Governor Ramil Hernandez, Milo Sports Executive Robbie De Vera, Regional Organizer for North and Central Luzon Tess Bernardino, Milo Regional Organizer for Mindanao Megdonio Llamera at Laguna Governor Office Executive Assistant Von Cruz. (HENRY T. VARGAS)

SISIMULAN ngayong Biyernes, Oktubre 23, sa Laguna Sports Complex ang 2015 Milo Little Olympics sa pangangasiwa ng pamunuan ng Milo organizinng committee at lokal na pamahalaan ng Laguna sa pangunguna ni Gov. Ramil Hernandez.

Ayon sa gobernador, pinaghandaan nilang mabuti ang 3-day event na lalahukan ng hindi kukulangin sa 1,400 atleta mula sa 800 eskuwela-han sa buong kapuluan.

Matapos magkuwalipika sa regional finals sa Baguio para sa North/Central Luzon, Laguna para sa NCR/South Luzon, Iloilo para sa Visayas at Caga-yan de Oro para sa Mindanao, ang mga atleta ay lalahok sa 13 event.

“Karangalan naming maging host ng Milo Little Olympics dahil bukod sa makatutulong kaming palawigin ang sports sa bansa sa grassroots le-vel, matutulungan din ang aming lalawigan para ma-promote ang aming tu-rismo at mapaganda ang aming ekonomiya,” ani Hernandez.

Defending champion ang NCR South Luzon ngunit inaasahang mahaharap sa mabigat na paghamon mula sa North/Central Luzon dahil sa malalakas na atleta mula sa Cordillera, Ilocos at Pa-ngasinan na lalahok sa taekwando at swimming.

Gayon din ang ipamamalas na oposisyon umano ng mga taga-Visayas at Mindanao na parehong nagpamalas na magagaling na atleta sa larangan ng athletics.

Isasagawa ang karamihan ng sports event sa Laguna Sports Complex sa Barangay Bubukal sa bayan ng Sta. Cruz habang ang mga indoor sports naman tulad ng table tennis, scrabble at chess ay gagawin sa ClA Town Center Mall sa Pagsanjan.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Philippine ROTC Games Luzon Leg

Philippine ROTC Games Luzon Leg simula na

TAGAYTAY CITY— Pinangunahan ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang matagumpay na pagbubukas ng Philippine ROTC …

Emi Cup Pro-Am golf

Emi Cup Pro-Am golf papalo sa Sept. 21-22

KABUUANG 285 golfers, kabilang ang mahigit 100 professional golfers mula sa Professional Golfers Association of …

Daniel Fernando Singkaban Football Festival Bulacan

Ika-2 Singkaban Football Festival humataw sa Bulacan

SA ikalawang pagkakataon, muling nagsaya sa paglalaro ang mga Bulakenyong manlalaro ng football na may edad na …

Jose Efren Bagamasbad Martin Binky Gaticales Angelo Abundo Young Henry Roger Lopez

Int’l Master Angelo Abundo Young naghari sa Grandparents Day Celebration Open Rapid Chess Tournament

Final Standings and tournament payouts: (7 Round Swiss System, 15 minutes plus 5 seconds increment …

FEU chess team

Tamaraw woodpushers nagningning sa 16th Mid Valley City Malaysia Chess Challenge 2023

MAYNILA — Pinatunayan ng mga mag-aaral ng Far Eastern University (FEU) Chess Team ang kanilang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *