Friday , December 6 2024

Low Profile, Hagdang Bato magtatagpo sa takdang panahon

00 dead heatNAGING  matagumpay ang nakaraang pakarera ng MARHO Platinum Championship Racing Festival sa karerahan ng Santa Ana Park, Naic, Cavite noong araw ng linggo, Nobyembre 8, 2015.

Dito nagpakita ng gilas ang dalawang mapublikong kabayo n sina Low Profile na pag-aari ni R.B. Dimacuha at ang Hagdang Bato na pag-aari naman ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos.

Si Low Profile ay nanalo sa 2015 Philracom Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup na para lang nagtranko at si Hagdang Bato ay nanalo sa mga kalaban niya na walang kahirap-hirap.

Inaasahan ng Bayang Karersita na maglalaban ang dalawang ito sa TAKDANG PANAHON.

oOo

Sa araw din iyon  ay humataw ang 3rd “MPDPC Horseracing Cup na isponsor ng Philracom. Ang proceeds o kikitahin ng pakarera ay ilalaan at itutulong sa mga miyembro at opisyal.

Sa mga darating na proyekto ng MPDPC ay magagamit ang kinita ng pakarera.

Lubos na nagpapasalamat ang  pangulo ng MPDPC na si Ginoong Francisco “Kiko” Nuguid sa walang sawang suporta na binibigay ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa Club.

MARAMING SALAMAT PO PHILRACOM!

oOo

ABANGAN PO natin Bayang Karerista ang mga malalaking pakarera ng Philracom sa buwang ito ng Nobyembre.

Hahataw sa buwan ito ang Grand Sprint Championship, 4th Leg “Juvenile Colts Stakes” at 4th Leg “Juvenile Fillies Stakes.”

oOo

Nakikiramay po tayo sa naiwang pamilya ni Ginoong Vicente B. Alvela na pumanaw sa maselang sakit sa San Diego California, USA .

Ang mga naulila ni Ginoong Alvela ay ang kanyang asawa na si Ginang Angelina S. Alvela at mga anak na sina Alfredo S. Alvela, Celina S. Alvela , Josephus S. Alvela at Ma. Teresa A. Santos.

oOo

Binabati ng DEADHEAT ng “Happy Racing” ang ating mga kaibigan natin na sina Engineer Florante Aguilan ng DOLE, Engineer Emerito Roberto at si Boss Arch Martin Matocinos.

MABUHAY PO KAYO!

DEAD HEAT – Freddie M. Mañalac

About Freddie Mañalac

Check Also

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Batang Pinoy

Sa overall lead
Pasig City nanguna sa Batang Pinoy National Championships

CITY OF PUERTO PRINCESA – Humakot ng 35 gintong medalya ang Pasig City at naguna …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *