MAAARING maharap sa disciplinary action ang Pambansang kamao dahil sa pagkabigong ipaalam ang kanyang shoulder injury bago lumaban kay udisputed pound-for-pound welterweight king Floyd Mayweather Jr. Ito ang nabatid mula sa mga opisyal ng Nevada Athletic Commission, na nagsabing dapat ay ipinagbigay-alam agad ni Pacquiao upang nagawan ng nararapat na aksyon. Ayon sa chairman ng nasabing komisyon na si Francisco …
Read More »Mayweather payag sa rematch
SA kabila ng paninigurong hindi magkakaroon ng rematch at pagdedeklarang magreretiro matapos ang laban niya sa Setyembre, nagpahayag na si unified WBO, WBA at WBC welterweight champion Floyd Mayweather Jr., na handa si-yang makaharap muli ang Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa sandaling malunasan na ang shoulder injury ng Pinoy boxing icon. Ito ang pahayag ni Mayweather sa isang text sa …
Read More »Mayweather, Pacquiao demandado!
PAGKATAPOS ng laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather noong May 3 na napanalunan ng huli via unanimous decision, nagkakaisa ang boxing fans na nakasaksi sa laban na harang ang nasabing bakbakan. Pagkaraan ng tatlong araw ay waring may buwelta sa dalawa ang walang kuwentang laban at nahaharap sila ngayon sa demanda. Lumabas sa kolum ni David Mayo ng [email protected] …
Read More »Jumbo Plastic vs Ama Titans
SISIKAPIN ng Jumbo Plastic Linoleum na makabawi sa magkasunod na kabiguan sa sagupaan nila ng delikadong AMA University sa 2015 PBA D-League Foundation Cup mamayang 3 pm sa Ynares Arena sa Pasig City. Sa unang laro sa ganap na 1 pm ay puntirya ng Tanduay Light ang ikalawang sunod na panalo kontra MP Hotel Warriors. Ang Jumbo Plastic ni coach …
Read More »Square deal naghahanap pa ng kalaban
Sa pagbabalik ng pakarera sa pista ng Sta. Ana Park (SAP) ay mainam na abangan ang aming mga nasilip gaya ng mga kabayong sina King’s Reward, Square Deal, Limit Less at Windy Hour. Si King’s Reward ay mainam sa kamay ni Miles Vacal Pilapil na tumapos ng marami pang ibubuga. Si Square Deal ay halos tangayin at hilahin ang sakay …
Read More »Stephen Curry: Best Shooter sa NBA (Nagtala ng 77 magkakasunod na three-points)
KUNG minsan, matapos panoorin silang maglaro sa napakatagal na panahon, nakalilimot tayong isipin na mahirap din ibuslo ang bilog na bola sa flat goal na 10 talampakan ang taas mula sa lupa—at lalo na kung ang layo nito ay 24 talampakan, ilang pulgada lang makalampas ng three-point line sa NBA. Pero para kay Golden State Warrior guard at MVP candidate …
Read More »SMB vs Kia
PAGHIHIGANTI at pagbangon buhat sa pagkakadapa ang pakay ng San Miguel Beer sa duwelo nila ng KIA Carnival sa PBA Governors Cup mamayang 7 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Magtatagpo naman ang NLEX at lumakas na Barako Bull sa unang laro sa ganap na 4:15 pm. Matatandaang hiniya ng KIA ang San Miguel, 88-78 sa nakaraang …
Read More »Baracael itatapon ng Ginebra?
PAGKATAPOS na i-trade si Joseph Yeo sa Barako Bull kapalit ni Sol Mercado, inaasahang magpapatuloy ang Barangay Ginebra San Miguel sa pag-trade ng mga manlalaro sa ilalim ng bagong head coach na si Frankie Lim. Ayon sa source, susunod na itatapon ng Gin Kings ang forward na si Mac Baracael na tulad ni Yeo ay hindi kursunada ni Lim sa …
Read More »Sasabak agad sa laro ang TnT
KADALASAN, pagkatapos na magkampeon ang isang koponan sa isang torneo ay huli itong nagpupugay sa susunod na conference. Binibigyan ito ng sapat na panahon upang makapaghanda lalo’t may import. Pero teka, bakit dito sa kasisimulang PBA Governors Cup ay mas mauunang maglaro ang Talk N Text kaysa sa Rain Or Shine? Kung magugunita, ang Tropang Texters ang siyang nagkampeon sa …
Read More »Pacquiao-Mayweather bout: Hindi epikong laban, isang scam!
BINANSAGAN ito bilang ‘fight of the century’ at isa sa greatest sporting event of all time. Kung nangyari si-guro ito lima o sampung taon nakalipas, pero hindi ngayon. Ayon sa kolumnistang si Paul Newberry, ang Floyd Mayweather vs. Manny Pacquiao title bout ay isang matchup ng dalawang mandirigmang lipas na sa kanilang dating galing para makagawa ng sagupaang ina-asahang magpapa-excite …
Read More »Meralco kontra Globalport
TARGET ng Meralco ang ikalawang sunod na semifinals appearance o mas higit pa roon sa kampanya nito sa season-ending PBA Governors Cup. Makikita kung kaya ng Bolts na maabot ang pangarap na ito sa salpukan nila ng Globalport mamayang 7 Pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Sa unang laro sa ganap na 4:15 pm ay bahagyang pinapaboran ang …
Read More »Laban ni Pacquiao, lutong makaw
“HINDI siya (Manny Pacquiao) natalo kay Mayweather… natalo siya sa mga judge.” Iyan ang deklarasyon ng mga nagsipanood ng laban ng Pambansang Kamao kontra kay Floyd “Money” Mayweather Jr., sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Nagkatotoo ang prediksyon ng ilan na kakailanganing patulugin o pabagsakin ni Pacquiao ang ngayo’y napatunayang pound-for-pound king ng mundo kung nais niyang manaig …
Read More »Hizon ayaw munang pag-usapan ang pagiging bagong PBA commissioner
TIKOM muna ang bibig ng dating PBA player na si Vince Hizon tungkol sa tsansa niyang maging bagong komisyuner ng Philippine Basketball Association. Isa si Hizon sa apat na kontender na natitira para sa puwestong iiwanan ni Chito Salud sa pagtatapos ng PBA Season 40 sa Agosto, kasama na rito sina Chito Narvasa, Rickie Santos at Jay Adalem. “All of …
Read More »Apat na rookies nakasungkit na ng kampeonato
APAT na rookies na ang nakatikim ng kampeonato sa kanilang kauna-unahang season sa Philippine Basketball Association. Noong nakaraang Philippine Cup ay naging bahagi ng tagumpay ng San Miguel Beer ang mga baguhang sina Ronald Pascual at David Semerad. At sa katatapos na Commissioner’s Cup, sina Matthew Ganuelas Rosser at Kevin Louie Alas naman ang mga baguhang nakatulong sa tagumpay …
Read More »Hataw Pacquiao!
MALAYA ang bawat isa para magpahayag ng opinyon sa laban ngayon, lalo na kung patungkol sa unbeaten American champion Floyd Mayweather Jr. ngunit malaking kasalanan para sa mga Pinoy, lalo na rito sa Kamaynilaan, na magsabi o magparamdam na maaaring matalo ang Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa pagharap niya kay Mayweather ngayong umaga. Sa Malate, nakita kung paano nawalan ng …
Read More »Sino, Pacquiao o Mayweather?
WALA nang mas may alam pa sa modern boxing kay Teddy Atlas. Nagawa nang umupo sa corner ng sikat na trainer at commentator para sa hindi mabiliang na mga laban sa kampeonato kung kaya ang kanyang mababangis na pag-aaral sa bawat malaking sagupaan ay talagang kina-bibiliban sa nakalipas na 20 taon. Kamakailan, hinimay ni Ginoong Atlas ang tinaguriang ‘mega-fight of …
Read More »Official weigh-in: Floyd 146, Pacman 145
ITINAAS ni Manny Pacquiao ang da-lawang kamay sa harap ng nagbubunying fans na dumagsa sa official weigh-in sa MGM Grand kahapon. Waring nayanig naman si Floyd Mayweather sa lakas ng sigawan ng fans. WALANG naging problema sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. nang sumalang sa official weigh-in sa harap ng 16,000 fans na dumagsa sa MGM Grand. Tumimbang …
Read More »Giba ang mental toughness ni Floyd
GULPEHAN na! Malalaman natin kung sino nga ba ang magaling kina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa paghaharap nila ngayon sa MGM Grand sa tinaguriang FIGHT OF THE CENTURY. Sino nga ba ang mananalo? Kung ang inyong lingkod ang tatanungin, isang bagay lang ang nakikita nating magiging susi ng magwawagi, kung sino ang may matinding mental toughness…mananalo At tingin natin—si …
Read More »Dating fan ni Pacman si Mayweather
NGAYON mainit mang magkaribal para sa korona ng pound-for-pound king sa mundo, dating sumuporta kay Manny Pacquiao ang kanyang katunggali sa Mayo 2 (Mayo 3 PH time) na si Floyd Mayweather Jr. Nakuha ang atensyon ng halos buong daigdig para sa ‘Battle for Greatness’ ng da-lawang kampeon sa MGM Grand Garden Arena sa Laas Vegas, ngunit noong Enero 21, 2006, …
Read More »Maagang KO inaasahan ni Sugar Ray
UMAASA si boxing le-gend Sugar Ray Leonard na maaksyon ang laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa darating na Mayo 2 (Mayo 3 sa PH time), at hindi pa umano magtataka kung magkaroon ng maagang knockout sa binansagang ‘mega-fight of the century.’ “Nakikita ko ang maagang knockdown,” ani Leonard sa panayam ng ESPN.com. “Pareho silang tight …
Read More »Manny Pacquiao: Simbolo ng Pag-asa
INIIDOLO si Manny Pacquiao ng milyon-milyong Pinoy dahil sa kanyang husay sa boxing at bilang simbolo ng pag-asa. Kilala siya bilang Pambansang Kamao ng kanyang mga kababayan at haharap siya sa undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr., sa Mayo 2 (Mayo 3 PH time) para wakasan ang katanu-ngan kung sino sa kanilang dalawa ang tunay na ‘pound-for-pound’ king ng mundo. …
Read More »Patay na nga ba ang boxing?
NAKAABANG si Kamatayan sa pagpanaw ng boxing. Maraming boksingero ang namatay sa ring… at ang mga sumusubaybay nito’y hinihintay ang paglilibing nito. Pero labis ang patutsada ng mga kritiko ukol sa pagpanaw ng sport. Maaari nga bang patay na ang boxing samantala bukas lang ay maghaharap ang dalawang boxing icon na sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., para sa …
Read More »Floyd mahihirapan kay Pacman – Clottey
NANINIWALA si dating International Boxing Federation (IBF) champion Joshua Clottey na magiging matinding kabangasan ng mukha si Manny Pacquiao para sa undefeated WBA champion Floyd Mayweather sa paghaharap nila sa Linggo sa MGM Grand. Matatandaan na minsang nakaharap ni Clottey noong 2010 si Pacquiao na kung saan ay walang nagawa ang una kungdi ang dumepensa dahil sa pag-ulan ng suntok …
Read More »Pacquiao-Mayweather ipapalabas sa tatlong higanteng network
MAGIGING makasaysayan ang pinakahihintay na laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. bukas sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas dahil magsasanib-puwersa ang tatlong higanteng istasyong ABS-CBN, GMA Network at TV5 sa pagsasahimpapawid ng buong fight card na via satellite. Magsisimula ang sabay na pagsasahimpapawid ng “ Battle for Greatness” sa alas-diyes ng umaga hanggang alas-tres ng hapon. …
Read More »Pacquiao-Mayweather ipalalabas sa ABS-CBN
Ipapalabas ng ABS-CBN and “ Battle For Greatness: Pacquiao vs Mayweather” sa Channel 2 sa Linggo, Mayo 3, mula ika-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon upang bigyan ng pagkakataon ang mga Kapamilyang mapanood ang sagupaan ng magkaribal na boksingero. Ang pag-ere ay sasamahan ng isang pre-fight show na pinamagatang “Isang Bayan Para Kay Pacman,” simula 9 ng umaga. Ang …
Read More »