Tuesday , December 10 2024

Magat, Racal di nagamit ng Aces

020316 Alaska aces magat racal
KUNG sakaling maipapagpag ng Aces ang kanilang frustrations at magtagumpay sila sa Game Seven ng Philippine Cup Finals kontra San Miguel Beer mamayang gabi, magiging bahagi ng championship team ang dalawang rookies na pinapirma ni coach Alex Compton sa simula ng season.

Ito ay sina Marion Magat at Kevin Racal.

Si Magat, isang sentro, ay produkto ng National University pero hindi nakabilang ng Bulldogs sa nagkampeong koponan sa University Athletic Association of the Philippines noong 2014. Si Racal ay miyembro ng Letran Knights na nagkampeon sa 2015 season ng National Collegiate Athletic Association. Katunayan ay pinili siya ng Aces sa first round at hindi nakapaglaro sa simula ng season dahil sa ongoing pa ang NCAA. Huli na siyang naging bahagi ng Aces kung kaya’t hindi na siya nabigyan ng pagkakataong makapagpakitang-gilas.

Sa  totoo lang, miyembro nga ng Alaska Milk sina Magat at Racal pero halos hindi naman sila nagamit. Hindi nga sila naipasok ni minsan sa Finals, e. Kasi ngaý hindi naman talaga sila na-break in.

Kung nagamit sana sila sa elimination round, ouwede na silang isugal ni Comptn sa Finals.

O kaya ay nagamit man lang sa Game One o Game Two.

Pero hindi nga sila nagamit hanggang Game Six so paano pa sila magagamit sa winner-take-all Game Seven?

Sayang. Kung magkakampeon ang Alaska Milk ay magiging bahagi sila ng titulo. Pero wala silang championship experience dahil sa nabangko lang sila at nagmistulang cheerleaders sa bench.

Tuloy, marami ang nagtatanong kung bakit pa kumuha ng rookies ang Alaska Milk gayong hindi naman hahasain ang mga ito?   Kasi nga, dapat ay bahagi ng paghahanda para sa kinabukasan ang mga rookies. Hindi lang sila pampuno ng line-up

Kung mababangko sila sa unang taon nila, baka mawalan sila ng kompiyansa sa kaniang sarili at tuluyang hindi na mapakinabangan kapag ginusto na silang gamitin ng kanilang coach!

Tignan natin kung magagamit pa sina Racal at Magat sa second at third conferences kung saan may isang import na makakatulong ang bawat koponan. Malamang  na mas malabong magamit sila, hindi ba?

SABRINA PASCUA

About Sabrina Pascua

Check Also

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *