Sunday , December 22 2024

Sports

2022 FIBA Asia U16
GILAS PILIPINAS YOUTH TALO SA JAPAN

Gilas Pilipinas Youth U16 vs Japan

TINIBAG ng Japan U16 national team (2-0) ang Gilas Pilipinas Youth U16, 73-67 sa preliminary round para manguna sa Group C sa pagpapatuloy ng 2022 FIBA U16 Asian Championship nung Martes sa Al Gharafa Sports Club Multi-Purpose Hall sa  Doha, Qatar. Pinangunahan ni Yuto Kawashima ang Japan nag maglista ito ng double-double performance na may 26 puntos (10/21 fg. 3/7 …

Read More »

Van Maxilom nakapag-uwi ng medalya sa 34th Southeast Asian Games

Van Maxilom

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang model/actor na si Van Maxilom sa pagwawagi ng kanyang team, ang rowing team ng Pilipinas sa katatapos na 34th Southeast Asian Games na ginanap sa Vietnam. Kuwento ni Van na ilang buwan din silang nag/training bilang paghahanda sa 34th Southeast Asian Games at kasagsagan iyon ng pandemic kaya naman medyo mahirap pero naka-focus silang lahat para makapag-uwi medalya at …

Read More »

Manila, Isabela tinalo ng Laguna sa PCAP online tournament

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

NAGPAKITA ng tikas   ang Laguna Heroes sa 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online tournament pagkaraang magrehistro ng dalawang sunod na  panalo sa  Northern division na virtually na ginanap sa Chess.com Platform nung Sabado. Galing  sa impresibong panalo sa San Juan Predators at sa Olongapo Rainbow Team 7 ay naidiretso  ng Heroes ang kanilang ‘winning moves’ nang gibain …

Read More »

SEAG Dancesport Champions panauhin sa PSC Rise Up Shape Up

Stephanie Sabalo Michael Angelo Marquez

PATULOY na ipinadiriwang ng Philippine Sports Commission (PSC) ang tagumpay ng national team sa katatapos na 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam. Ang espesyal na episode ng PSC’s ‘Rise UP! Shape Up! nung sabado na may titulong Step Forward with Steph” ay tampok ang SEA Games award-winning dancesport duo nina Stephanie Sabalo at Michael Angelo Marquez. Sa  webisode …

Read More »

500 kalahok tumanggap ng PSC Para Sports coaching

PSC PPG PhilSpADA PPC NCDA IPAO

LIMANG-DAAN na kalahok ang tumanggap ng ‘coaching lectures’ sa para-powerlifting, para-badminton, para-cycling, football 5-a-side at sitting volleyball sa ikalawang edisyon ng Philippine Sports Commission Para Sports Coaching Webinar Series. Ang limang araw ng coaching program na nagsimula noong Lunes ay nakasentro sa coaches at expert practitioners na nagbahagi ng fundamental coaching at ekperyensa sa limang para sport disciplines, sa pakikipagtulungan …

Read More »

P20-M nakataya sa Asian Poker Championship

Asian Poker Championship 2022

NAKATAYA ang garantisadong P20 milyon premyo sa local poker enthusiasts  at ang pagkakataon na makaharap ang ilan sa pinakamahuhusay na poker professional players sa bansa sa gaganaping Asian Poker Championship main draw sa Hunyo 6-12 sa Metro Card Club sa Metrowalk, Pasig City. Ipinahayag ni Marc Rivera, miyembro ng organizing MCC at maituturing na  isa sa pinakamatagumpay na Pinoy poker …

Read More »

Haney tinanggalan ng korona si Kambosos

Devin Haney undisputed champion

TINANGHAL na ‘undisputed lightweight champion’ si Devin Haney   kahapon sa Marvel Stadium sa  Melbourne, Australia nang talunin niya via unanimous decision  si George Kambosos. Ginamit ni Haney (28-0, 15 KOs) ang kanyang ekselenteng jab para idikta ang takbo ng laban para mapabilib ang tatlong hurado sa iskor na 116-112, 118-110 at 116-112.  Ngayon, ang 23-year-old mula Las Vegas ay kinabig …

Read More »

Golfer na anak ni Chad hinangaan ni PRRD

Mafy Singson Chad Borja Rodrigo Duterte

HARD TALKni Pilar Mateo NAPAATRAS si Presidente Rodrigo Roa Duterte, nang saglit niyang kausapin ang nagkamit ng medalya sa katatapos na South East Asian Games na ginanap sa Vietnam kamakailan. Si Mafy Singson. Na tinanong ni PRRD kung ano ang handicap sa sports niya na golf. “Zero po! “Ang lahat na golfers na amateur mayroon tinatawag na handicap. Ibig sabihin kung ano ang scores …

Read More »

Rolly Romero humihirit ng rematch kay Tank Davis

Rolly Romero Tank Davis

SINABI ni Rolando ‘Rolly’ Romero (14-1, 12 KOs) na hihirit siya ng rematch kay WBA lightweight champion Gervonta ‘Tank’ Davis pagkaraang matalo siya via sixth-round knockout nung nakaraang linggo ng gabi sa Barclays Center sa Brooklyn, New York. Humihingi ng part 2 ng laban si Romero dahil lamang na lamang siya sa bakbakan  sa naunang five rounds bago dumating ang …

Read More »

Ryan Garcia vs Javier Fortuna sa July 16

Ryan Garcia Javier Fortuna

NAGKASUNDO  sina Ryan Garcia at Javier Fortuna na maghaharap sa ring sa July 16 fight sa  Crypto.com Arena sa Los Angeles. Ang nasabing balita ay ipinahatid ng DAZN sa ESPN. Sina Garcia at Fortuna ay una sanang maghaharap nung July nang nakaraaang taon, pero umatras si Garcia dahil sa problema sa mental health.   Inilinya rin ang star boxer para labanan …

Read More »

Super Girl Khieszia Gold Medalist, Best Lifter Awardee  sa Powerlifting event

Khieszia Danielle Narral

NAKAMIT ng 12-years-old at tinaguriang Super Girl  ng powerlifting na si Khieszia Danielle Narral, 36kgs bodyweight ng Cyber Muscle Gym Team,  ang gold medal at Best Lifter Award sa ikalimang pagkakataon  sa katatapos na 2022 PH National Interschool, Novice & Special Athletes Equipment Powerlifting Championships na ginanap sa Decathlon sports Marikina nung Sabado, Mayo 28-29. Binuhat ni Narral sa Squat …

Read More »

Chess prodigy Arca naghari sa Kiddies 14 under tournament

Mayor APSU Cup Chess

MANILA—Tinanghal na kampeon si Christian Gian Karlo Arca, ang pinakabatang  Arena Grandmaster (AGM) sa edad na 11 matapos dominahin ang Mayor APSU Cup kiddies 14 under chess tournament na ginanap sa Mantangale Alibuag Dive Resort, Balingoan, Misamis, Oriental nung Huwebes, Mayo 26, 2022. Ang ipinagmamalaki ng Panabo City, Davao Del Norte ay nakalikom ng 5.5 points na may 5 wins …

Read More »

Inoue kompiyansang mananalo laban kay Donaire sa kanilang rematch

Naoya Inoue Nonito Donaire

TIWALA  si WBA at IBF bantamweight champion Naoya ‘Monster’ Inoue (22-0, 19 KOs) na ang kanyang lakas ay mararamdaman ni WBC 118-pound champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire (42-6, 28 KOs)  sa kanilang rematch sa Super Arena sa Saitama, Japan sa June 7. Matatandaan na ang kanilang unang sagupaan noong Nobyembre 2019 ay dineklarang Fight of the Year ng Ring …

Read More »

IM Concio naghari sa Hanoi IM chess tournament 2022

Michael Jako Oboza Concio Jr Chess

Pinagharian ni Filipino International Master (IM) Michael “Jako” Oboza Concio Jr. ang katatapos na Hanoi IM chess tournament 2022  na ginanap sa Hanoi Old Quarter Cultural Exchange Center sa Hanoi, Vietnam nung Linggo. Si Concio na tubong Dasmarinas City ay  nasa ilalim ng kandili ni Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. ay nakalikom ng seven points mula sa limang panalo  at …

Read More »

Conor McGregor babalik sa Octagon

Conor McGregor

SINABI ni Conor McGregor na nakahanda siyang lumaban muli, na ang kasaysayan niya sa UFC ay hindi pa natatapos. Isa rin sa plano niya ang bumalik  sa boxing ring.  Matatandaan na natalo siya kay Floyd Mayweather nung 2017 via  technical knockout sa 10th round.    Ayon sa kanya, ang kanyang pangangatawan ay nasa hustong kondisyon habang nagpeprepara siya sa kanyang pagbabalik sa …

Read More »

 ‘Tank’ Davis huling laban na si Romero sa ilalim ng Mayweather Promotions

Tank Davis Mayweather Rolando  Romero

DESIDIDO si Gervonta ‘Tank’ Davis na kumalas na sa Mayweather Promotions pagkatapos ng laban niya kay Rolando  Romero.   “I neet to control my own career,”  pahayag niya. Idinaan ni Davis sa Twitter ang kanyang pagkadismaya kung paano patakbuhin ng Mayweather Promotions ang kanyang career. Sa panayam kay Davis  ng “Last Stand Podcast with Brian Custer,” na kinunan noong Abril 7 …

Read More »

Cavite, Caloocan chessers humataw agad sa panimula ng  PCAP online chess tourney

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

MANILA—Malakas na sinimulan ng Cavite Spartans at Caloocan Loadmanna Knights ang kanilang kampanya matapos magtala magkahiwalay na panalo sa opening round ng 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) nung Sabado virtually na ginanap sa chess.com platform. Ang Cavite Spartans na iniangat  nina NM Darian Nguyen at CM Jayson San Jose Visca ay nakaungos sa Laguna Heroes, 13-8, habang ang Caloocan …

Read More »

Jayag, Molinyawe kampeon sa Marinduque Rapid Chess tourney

Chess

PINAGHARIAN nina John Meneses Jayag at Cleiford Kortchnoi Molinyawe ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na Boac Knight Club Rapid Chess Tournament nung Sabado  na ginanap sa Boac, Marinduque. Si Jayag, 12,  na Grade 6 student sa lupac Elementary School ang  nagkampeon sa Kiddies event habang ang 12-year old Molinyawe na 1st year high school student sa Colegio de San Juan …

Read More »

PH squad nirepresenta ni Mon Fernandez  sa Viet SEA Games closing rites

Ramon Fernandez SEA games

HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’,  nagpaiwan si national team chef de mission Ramon Fernandez para irepresenta ang Philippine delegation nung Lunes para sa ‘closing rites’ ng 31st Vietnam Southeast Asian Games sa My Dinh National Stadium.   Halos lahat ng PH team members ay nakauwi  na sa bansa.    Sinamahan si Fernandez ng kanyang deputies na sina …

Read More »

Exhibition match ni Mayweather sa Dubai kanselado

Floyd Mayweather Jr Don Moore Anderson Silva Bruno Machado

KINANSELA ang exhibition fight ni  Floyd Mayweather Jr. kay Don Moore  na mangyayari sana kahapon sa Burj Al Arab hotel helipad sa  Dubai. Hindi natuloy ang nasabing laban dahil sa pagkamatay  ni United Arab Emirates  president Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan.   Maraming sikat na personalidad ang nagbigay ng respeto sa pagkamatay ng hari isa na roon si Mayweather at …

Read More »