Wednesday , June 19 2024
Frank Berin Mike Romulo Anna Lakrini Atasha Reign Parani
TANGAN ang eleganetng tropeo nina (L-R) Frank Berin ng Mulawin entry at Mike Romulo (GITT Tonio), dalawang entries na itinanghal na kampeon sa ikalawang edisyon ng 2024 World Slasher Cup 9-Cock Derby sa awarding ceremony na ginanap sa Novotel Manila, Araneta City. Kasama ang dalawang beauty queens na sina Anna Lakrini, Miss Globe 2023 2nd runner-up at Atasha Reign Parani, Bb. Pilipinas 2023 2nd runner-up. (HERY TALAN VARGAS)

2 Kampeon sa 2024 World Slasher Cup itinanghal

DALAWA mula sa 165 entries ang itinanghal na kampeon sa ikalawang edisyon ng 2024 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby na ginanap sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum nitong nakaraang 22 Mayo hanggang 28 Mayo 2024.

Nagkampeon kapuwa ang Mulawin entry ni Frank Berin at ang combined entry nina Mike Romulo at Owen Medina (GTT Tonio) matapos makapagtala ng tig-walong panalo at isang talo sa pagtatapos ng huling round ng nasabing torneo.

Pasok sa runner-up ang combined entry nina Joemarie Bantillo/Nico Rodelas/Re Arenas (Winstar & Company) makaraang makasungkit ng pitong panalo, isang talo at isang tabla.

Maituturing na masuwerte ang numero 7 sa tig-pitong panalo at dalawang talo nina Rey Briones/Tony Kho, Dicky Lim/Darryl Andrew Lim, Jessie Viceo, Patrick Antonio/Bebot Uy, Biboy Enriquez, Balong/RSF, at Presly De Jesus sa pagtatapos ng laban.

Anim na panalo, dalawang talo at isang tabla ang kay Conrad Siochi, habang tig-anim na panalo at tatlong talo sina Raymond Dela Cruz, Dante Slavon/Matt Hachuella, James Rabano/Boy Jimenez, Bulldog, Pulong Duterte/JD at JJC/Carrie Chua.

Umabot sa 165 entries mula sa mga bigating sabungero mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang sumali para sa ikalawang edisyon ng World Slasher Cup ngayong taon na ginanap nitong 22-28 Mayo.

Sa kasaysayan, naganap ang unang derby sa Smart Araneta Coliseum noong 1963, ang World Slasher Cup ay ang pinakamalaki at pinakaprestihiyosong international cock derby dahil hindi lamang ang pinakamagagaling na breeder at sabungero mula sa Filipinas ang lumalahok dito kundi pati ang mahuhusay mula sa ibang bansa.

About Henry Vargas

Check Also

philracom

2024 Philracom 2nd leg Triple Crown Stakes sa Father’s Day 

MANILA — Inihayag kahapon ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang 2nd Leg Triple Crown Stakes …

Daniel Maravilla Quizon Chess

FIDE World Junior Chess Championships  
QUIZON NAKISALO SA IKA-2 PUWESTO

Individual Standing After Round 10: 8.0 points — GM Mamikon Gharibyan (Armenia) 7.5 points — …

Elma Muros-Posadas TOPS PATAFA

Elma Muros-Posadas pinuna ang ‘bata-bata’ system sa PATAFA

HINILING ni athletics icon Elma Muros-Posadas sa pamunuan ng Philippine Amateur Track and Field Association …

Langoy Pilipinas, arangkada sa MSC sa Hunyo 16

Langoy Pilipinas, arangkada sa MSC sa Hunyo 16

Kasado na ang “Langoy Pilipinas’ Age-Group Swimming Championship sa Hunyo 16 sa Marikina Sports Complex …

Tolentino ROTC Games

Mga atletang kadete ng Philippine Army una sa Visayas Leg ng ROTC Games 2024

NANGUNA ang mga atletang kadete mula sa Philippine Army sa Visayas qualifying leg ng Philippine …