NATUWA ang team owner ng Globalport na si Mikee Romero nang tinalo ng kanyang koponan ang Rain or Shine, 90-88, noong Linggo sa PBA MyDSL Philippine Cup. Ito ang unang beses na nanalo ang Batang Pier kontra sa Elasto Painters mula noong sumali ang tropa ni Romero sa liga noong isang taon. Ilang beses na naglaban ang ROS at Globalport …
Read More »Laban ni Rigondeaux nakaaantok
PAGKATAPOS ng mainit na palitan ng kamao nina James Kirkland at Golen Tapia sa Boardwalk Hall sa Atlantic City na gumising sa kuryusidad ng boxing fans, nakaramdaman naman ng antok ang mga manonood sa naging laban nina Guillermo Rigondeaux at Joseph Agbeko. Katulad ng ginawa ni Rigondeaux nang tinalo niya sa nakakainip na laban si Nonito Donaire noong nakaraang taon, …
Read More »Barcelona hindi biro ang tinapos
Isang bagitong mananakbo na naman ang ating aabangan at panonoorin mula sa kuwadra ni Mayor Sandy Javier, iyan ay walang iba kundi ang kabayong si Barcelona na nagwagi sa kanyang maiden assignment nitong nagdaang Biyernes sa pista ng Sta. Ana Park. Sa halos buong distansiya ng laban ay nakapamigura lang ang sakay niyang hinete na si Jesse B. Guce at …
Read More »May palakasan ba sa Games and Amusement Board (GAB) para sa mga OTB?
MAY PALAKASAN ba sa Game and Amusemnet Board para makapagpatayo ng Off-track Betting Station (OTB). May isang sulat na nagsasabing binigyan ng lisensiya ng Gab ang Blue Mugs Bar & Grill upang mag-operate ng OTB. Ang Blue Mugs Bar & Grill na makikita sa 1209F Pablo Ocampo St., Sta. Ana at malapit lang ito sa Tiger Eyes OTB na matatagpuan …
Read More »Dipektibong starting gate dapat busisiin ng PHILRACOM
LIGTAS pa ba ang mga kabayong pangarera sa tatlong karerahan kung ang mga ito’y gumagamit ng mga dipektibong starting gate? Ito ang dapat busisiin ng Philippine Racing Commissioner (Philracom) sa isinasagawang imbestigasyon sa Manila Jockey Club Inc. (MJCI) kaugnay sa reklamong inihain ng kampo ni Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos matapos madisgrasyang matalisod ang super horse na si Hagdang …
Read More »TV5 kontento sa bagong iskedyul ng PBA
MULING iginiit ng pangulo at CEO ng TV5 na si Noel Lorenzana na hindi babaguhin ang iskedyul ng mga laro ng PBA sa TV5 at Aksyon TV kahit ayaw ng maraming mga tagahanga ng PBA ang ganitong set-up. Sinabi ni Lorenzana na mas malinaw ang signal ng TV5 kumpara sa IBC 13 na dating istasyon ng liga na blocktimer noon …
Read More »Cagayan Valley vs Jumbo Plastic
PAGSOSYO sa ikalawang puwesto ang pakay ng Jumbo Plastic sa salpukan nila ng Cagayan Valley sa 2013-14 PBA D-League Aspirants Cup mamayang 2 pm sa Blue Eagle Gym sa Quezon City. Sa ikalawang laro sa ganap na 4 pm ay magkikita ang Cafe France at Zambales M-Builders. Ang Jumbo Plastic, na hawak ni coach Stevenson Tiu, ay may 5-1 karta. …
Read More »RTU kampeon sa 26th SCUAA-NCR Chess
NASIKWAT ng Rizal Technological University (RTU) ang overall championship sa pagtatapos ng 26th SCUAA-NCR (State Colleges and Universities Athletic Association -National Capital Region) Chess Team Competition Miyerkoles sa 3rd floor ng Library area of Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA) Villamor Campus in Pasay City. Nakopo ng RTU Thunders ang gold medals sa men’s at women’s chess team meet ng …
Read More »Pamaskong padyakan ng Kyusi sa Linggo na
MATAPOS ang matagumpay na padyakan noong nakaraang Linggo ng isang Trial bikefest, na pumalit muna sa isang mas malaking padyakan, opisyal nang hahataw ang pinakaantay na “Pamaskong Padyakan sa Kyusi Circle” sa darating na Linggo, Disyembre 8. Dahil sa dagsang kaganapang nangyayari sa paligid ng Quezon Memorial Circle, Elliptical Road, Lungsod Quezon tuwing weekend, naobliga ang mga punong-abalang sina Antonio …
Read More »Boosters nananalo kahit kulang ang sandata
PAHIRAP nang pahirap ang sitwasyong dinaraanan ng Petron Blaze para mapanatiling malinis ang record nito sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup. Aba’y mutik na silang masilat ng Alaska Milk noong Sabado pero nakakapit sila hanggang sa dulo upang mairehistro ang ikalimang sunod na tagumpay at manatiling tanging koponang hindi pa nakakatikim ng kabiguan sa torneo. Bago ang panalong iyon ay …
Read More »PacMan ‘di na lalabanan si Marquez?
PAGKARAANG na manalo noong nakaraang linggo si Manny Pacquiao kay Brandon Rios via unanimous decision, marami ang nagsasabing nagbalik na nga ang dating bagsik ng Pambansang Kamao sa ring. Sa Venetian Resort’s Coati Arena ay nasaksihan ng boxing fans kung paano pinaglaruan sa loob ng 12 rounds ng Pinoy pug ang future ng boksing na si Rios pagkatapos ng masaklap …
Read More »Ildefonso nakatakdang maging free agent
DAHIL hindi pa binibigyan ng bagong kontrata ng Petron Blaze SI Danny Ildefonso, nakatakda siyang maging free agent sa ilalim ng bagong patakaran ng PBA. Ngunit kung si Ildefonso ang tatanungin, nais niyang makalaro uli sa Blaze Boosters kahit isang komperensiya lang bago siya tuluyang lumipat sa ibang koponan o mag-retiro. ”Gusto ko lang naman malaman kung may chance pa …
Read More »RTU dinomina ang SCUAA-NCR boxing tourney
NASIKWAT ng Rizal Technological University (RTU) ang walong (8) gold medals para mag-overall champion sa men’s division ng boxing competition tungo sa panibagong banner year sa 26th State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA)-National Capital Region Games for 2013 na tinampukang “SCUAA NCR FOR A CAUSE” na ginanap sa Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA) Villamor Campus sa Pasay City …
Read More »Wala sa timing si BIR commissioner Kim Henares
NAG-ARAL kaya ng music itong si BIR Commissioner Kim Henares? Aba’y wala kasi siya sa TIMING. Habang kumakanta kasi ng pagbubunyi ang sambayanang mahilig sa boksing sa pagkakapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Bam Bam Rios noong nakaraang Linggo, iba ang kanyang kinakanta. Sukat ba namang salubungin ng paniningil ng BIR ang nagdiriwang pang si Pacman. Hayun, imbes na pag-usapan …
Read More »Ildefonso balak din kunin ng TNT
PAGKATAPOS ni Danny Seigle, si Danny Ildefonso naman ang pakay na kunin ng Talk ‘n Text. Isang source ang nagsabi na pinag-iisipan ng Tropang Texters na makuha ang serbisyo ni Ildefonso na hindi binigyan ng bagong kontrata ng Petron ngayong PBA season. At dahil limang Fil-Am ang puwede lang sa isang koponan ng PBA, plano ng TNT na pumasok sa …
Read More »Jumbo Plastic pinabagsak ang Wang’s
SUMANDAL ang Jumbo Plastic Linoleum sa matinding pagratsada sa huling yugto upang padapain ang Wang’s Basketball-Athletes in Action, 75-59, kahapon sa PBA D League Aspirants Cup sa Blue Eagle Gym sa Lungsod ng Quezon. Nalimitahan ng Giants ang Couriers sa anim na puntos sa huling quarter upang makamit ang kanilang ika-limang panalo kontra sa isang talo. Naunang nakuha ng Jumbo …
Read More »Hindi lang pang-depensa si Wilson
PUWEDE naman palang manalo ang Meralco Bolts kahit na malasin ang kanilang main scorer na si Gary David. Ito ang kanilang pinatunayan noong Miyerkoles nang tambakan nila ang Air 21 Express, 112-79 para sa unang panalo nila sa tatlong laro sa PLDT myDSL Philippine Cup. Buhat sa 16-15 na abante sa pagtatapos ng first quarter ay lumayo ang Meralco Bolts …
Read More »Apprentice A.G. Avila nagpanalo kaagad
NATUTUWA at napaayuda ako bilang pagsuporta kay apprentice rider Abraham “Ba-Am” Avila dahil nagpanalo kaagad siya sa unang sakay niya sa aktuwal na karera, iyan ay sa kabayong si Lady Liam na nasa ikalimang takbuhan nung isang gabi sa pista ng Sta. Ana Park. Sa largahan ay maganda at maayos naman niyang naipalabas mula sa aparato ang kanyang dala, tapos …
Read More »PHILRACOM naglaan ng P2-Milyon sa pakarera ng PCSO at PHILTOBO
Nagkaloob ng suportang tig P1-milyon ang Philippine Racing Commission (Philracom) sa malaking pakarera ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) at Philippine Thoroughbred Owners and Breeders’ Organization (Philtobo) na gaganapin sa buwan ng Disyembre. Ayon kay Philracom Director Jesus Cantos, Executive Racing Director, nagkaloob sila ng P1-milyon para sa 41st PCSO Presidential Gold Cup na gaganapin sa Disyembre 1 sa bakuran …
Read More »Ginebra kontra Global Port
PROBLEMA ng Global Port kung paano pipigilan ang mga higanteng sina Japhet Aguilar, Gregory Slaughter at Jay-R Reyes sa kanilang bakbakan ng Barangay Ginebra San Miguel sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang 8 pm sa the Mall of Asia Arena sa Pasay City. Sa unang laro sa ganap na 5:45 pm ay magbabawi naman sa nakaraang kabiguan ang Talk …
Read More »Hog’s Breath vs NLEX
ISANG winning streak ang magpapatuloy at isa ang mapapatid sa sagupaan ng Hog’s Breath Cafe at NLEX sa 2013-14 PBA D-League Asirants Cup mamayang 2 pm sa Blue Eagles Gym sa Quezon City. Sa mga ibang laro ay magkikita ang Jumbo Plastic at Wang’s Basketball Couriers sa ganap na 10 am at magtutuos ang Arellano U/Air 21 kontra Derulo Accelero …
Read More »Seigle ‘di muna lalaro sa TNT
KAHIT pumirma na ng kontrata si Danny Seigle para sa Talk ‘n Text, hindi muna siya lalaro para sa Tropang Texters kontra Alaska Milk mamaya sa PBA MyDSL Philippine Cup. Sinabi ni coach Norman Black na kailangan munang masanay si Seigle sa sistema ng bago niyang koponan lalo na’t kahapon lang siya nagsimulang mag-ensayo. Nakuha ng Texters si Seigle pagkatapos …
Read More »UAAP, NCAA players tutulong sa biktima ng bagyo
MAGSASANIB ang ilang mga manlalaro ng UAAP at NCAA, kasama ang ilang mga artista, sa isang benefit game na inorganisa ni Kiefer Ravena ng Ateneo na gagawin sa Blue Eagle Gym sa Lungsod ng Quezon sa Sabado simula alas-12 ng tanghali. Ang larong tinawag na Fastbreak 2 ay sasalihan nina Ravena, Ray Ray Parks, Baser Amer, Matt Ganuelas, Kevin Alas, …
Read More »Bryant lalaro na
SA ensayo ng Los Angeles Lakers, naka-shorts at sweatshirt si Kobe Bryant at nababanaag sa kanya na handa na siyang bumalik sa laro anumang oras. Pagkatapos pumirma ng two-year contract extension ni fourth-leading scoring sa historya ng NBA na si Bryant, sinabi nitong hindi na niya mahintay pa na makapaglaro muli at tulungan ang Lakers na manalo sa mga laban. …
Read More »Filipinos kontra Latinos sa “Pinoy Pride XXIII”
MATAPOS ang tagumpay ni Manny Pacquiao laban kay Brandon Rios, limang magigiting na boksingero naman ang buong puwersang magtatayo ng bandera ng Pilipinas kontra sa mga Latino sa magaganap na “Pinoy Pride XXIII: Filipinos Kontra Latinos” ngayong Sabado (Nov 30), 6 PM, sa Araneta Coliseum. Gamit ang kani-kanilang kamao, buong pusong sasabak ang limang mandirigma sa ring para sa bayan …
Read More »