Friday , December 27 2024

Gov’t/Politics

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo na ng Philippine Navy para sa pagtatanggol sa ating teritoryo.” Ito ang pangako ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla matapos bisitahin sa BRP Tarlac sa Subic ang mga empleyado ng Senado na lumalahok sa Basic Citizen Military Course (BCMC) noong Lunes ng hapon. “Ang ibig …

Read More »

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

UP PGH

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine General Hospital (PGH), ang premiere government-run hospital ng bansa. “Bilang pinakamalaking pampublikong ospital sa bansa at tanging national referral center para sa tertiary cases, dapat nating tiyakin ang pagbibigay ng PGH ng mataas na kalidad na serbisyong medikal at pangkalusugan. Ang mga nangyaring sunog sa …

Read More »

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

042424 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang grupong Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers Para sa Karapatan sa Paggawa (Manibela) dahil sa sinabing perhuwisyong idinulot ng dalawang araw na transport strike sa lungsod. Ang mga ikinaso ng QCPD laban sa Manibela ay ang tatlong bilang ng mga paglabag sa B.P. 880 …

Read More »

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang nakatanggap ng livelihood assistance ngayong linggo mula kina Senador Alan Peter at Pia Cayetano, sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang pamamahagi ng tulong, na isinagawa noong 16-19 April 2024, ay may layuning mapagaan ang mga hamon na kinakaharap ng lalawigan …

Read More »

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa inagurasyon ng bagong MRI and CT scan equipment. Ayon kay Dr. Sonia Gonzalez, PCMC Executive Director, ang naturang bagong kagamitan ay malaking tulong upang lalo pang maitaas ang serbisyo sa healthcare services at infrastructure para sa mga batang Pinoy. Kasunod ng kanyang papuri sa naging …

Read More »

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

Navoteño solo parents cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kalipikadong Navoteño solo parents sa ilalim ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act. Nasa 381 benepisaryo ang nakatanggap ng kanilang cash aid mula Enero hanggang Marso na nagkakahalaga ng P3,000. Nag-iiba ang halaga depende sa buwan ng aplikasyon o renewal ng …

Read More »

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

Win Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) sa pag-angat sa kalidad ng edukasyon at upang maipatupad ang panukalang decentralization sa education governance. Nakasaad ang mungkahi ni Gatchalian sa 21st Century School Boards Act (Senate Bill No. 155). Una rito, imamandato sa local school boards ang pagdisenyo at pagpapatupad ng mga polisiya sa …

Read More »

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa Dubai, United Arab Emirates (UAE) dulot ng pagbaha kamakailan, nanawagan si Senador Manuel “Lito” Lapid sa pamahalaan na marapat igawad ang lahat ng tulong sa kanilang mga naulila. Ayon kay Lapid, ang pagbaha po sa Dubai, UAE ay isang malagim na paalala ng patuloy na …

Read More »

 “KAMI NAMAN” inilantad sa Kalikasan, Kabataan, Kagitingan youth music festival.

KAMI NAMAN Kalikasan Kabataan Kagitingan youth music festival

Natapos na ang misteryo tungkol sa malalaking “Kami Naman” murals na nagsulputan sa iba’t ibang lugar sa bansa nang ito ay ilantad sa katatapos na “Kalikasan, Kabataan, Kagitingan” youth music festival sa Montalban Sports Complex, sa lalawigan ng Rizal. Hatid ng Students’ Actions Vital to the Environment and Mother Earth (SAVE ME) Movement, tampok sa youth music festival ang mga …

Read More »

Para sa 2025 national and local elections  
COMELEC, MIRU SYSTEM CONTRACT KINUWESTIYON SA KORTE SUPREMA

COMELEC Vote Election

HINILING ng isang dating kongresista sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang kontratang nilagdaan sa pagitan ng Commission on Elections (Comelec)  at Miru Systems na magsisilbing automated election provider sa nakatakdang senatorial at local elections sa taong 2025. Dahil dito naghain ng petisyon sa Korte Suprema si dating Caloocan City representative Edgar Erice na naglalayong pigilan ang implementasyon ng P18-bilyong kontrata …

Read More »

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

Bong Revilla, Jr

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong sitwasyon matapos ang aksidente.” Ito ang pahayag ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr., makaraang isugod sa ospital nang maaksidente habang nagso-shooting. Nakatakdang isailalim sa operasyon si Revilla dahil sa Achilles tendon rupture na kaniyang nakuha dahil sa mabilis na pagtakbo sa isang eksena sa ginagawa …

Read More »

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang tagumpay ay hindi lamang nakikita sa medalya, sa maiuuwing premyo o sa tropeo na inyong nakamit. Sinasalamin din natin ang masasayang alaala at mga kaibigang mabubuo ninyo sa kompetisyong ito. Enjoy every game, give it all—win or lose!” Ito ang makahulugang mensahe ni Bulacan Governor …

Read More »

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

Department of Agriculture

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad ng irigasyon upang mapabuti ang seguridad sa pagkain ng bansa sa gitna ng patuloy na paglobo ng populasyon. “Kung hindi sisimulan ng gobyerno ang isang komprehensibong programa sa modernisasyon ng sektor ng agrikultura, magiging mahirap para sa bansa na makamit ang seguridad sa pagkain, lalo …

Read More »

Sa Digong-China gentlemen’s agreement  
‘CAUCUS’ SAGOT NI TESDAMAN
Sa hiling na imbestigasyon ni Hontiveros

041724 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN WALA pang katiyakan dahil ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva kanila pang pag-uusapan sa isang caucus sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso ang kahilingan ni Senadora Risa Hontiveros na imbestigahan ang sinabing gentlemen’s agreement sa pagitan ng China at ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Villanuea, kailangang matukoy …

Read More »

3.2-M backlogs sa plastic cards ng LTO makokompleto na

LTO Land Transportation Office

INIHAYAG ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na makokompleto na ang 3.2 milyong backlog sa plastic cards ng driver’s license sa loob ng 45-araw. Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II,  muli silang nakatanggap ng 600,000 piraso ng plastic card na ginagamit sa pag-imprenta …

Read More »

Bakit hindi pa naaaresto?
QUIBOLOY MAPANGANIB — HONTIVEROS

Apollo Quiboloy Risa Hontiveros

NANINIWALA si Senadora Risa Hontiveros na isang mapanganib na tao si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) appointed son Pastor Apollo Quiboloy kung kaya’t nagbabala na dapat maaresto ng awtoridad sa lalong madaling panahon. Ipinagtataka ni Hontiveros, sa kabila na dalawang warrant of arrest ang inilabas laban kay Quiboloy ay patuloy na nakalalaya at maituturing na pugante sa batas. “Pugante si …

Read More »

 ‘Pakinggan si Villar’
ANING MASAGANA LILIKHA NG TRABAHONG MARAMI  

Philippine Food and Beverage Expo 2024

INIHAYAG ni Senate Committee on Agriculture  and Food chairperson Sen. Cynthia A. Villar na mababawasan ang pangangailangang ng Filipinas na mag-import ng  agricultural  products kapag masagana ang ani. Kapag mayroon tayong mga produktong kasalukuyang inaangkat natin, sinabi ni Villar, agaran tayong makapagbibigay ng “ready market” sa ating mga magsasaka. Sa kanyang mensahe sa Philippine Food and Beverage Expo 2024, tinukoy …

Read More »

Enterprise-based education & training nakatutugon sa kawalan ng trabaho

DOST upgrades products of Lechon sauce enterprise in Iligan with various sci-tech interventions

BILANG REAKSIYON sa pagbaba ng unemployment rate noong Pebrero, binigyang-diin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pangangailangan na i-institutionalize ang enterprise-based education and training program para mapalakas ang pagsusumikap ng gobyerno na makapagbigay ng marami pang trabaho para sa mga Pinoy. Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba ng unemployment rate mula 4.5% o 2.15 milyon noong Enero …

Read More »

Kapitanang inireklamong ‘nambastos’ ng kabataan, isinumbong sa Taguig mayor

Taguig

UMAPELA sa mga kinauukulan ang ilang residente ng East Rembo, Taguig City kay Mayor Lani Cayetano para silipin at imbestigahan ang sinabing walang habas na pagmumura at paninigaw ng isang kapitana ng barangay sa mga kabataan, kamakalawa ng gabi sa Brgy. East Rembo. Ayon sa mga residente, dumating ang kapitana sakay ng kanyang sasakyan at nadaanan ang mga kabataan sa …

Read More »

Digital transformation ng sektor ng edukasyon muling isinulong sa Senado

deped Digital education online learning

SA GITNA ng patuloy na pagpapatupad ng blended learning sa gitna ng matinding init, muling isinulong ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan para sa digital transformation ng sektor ng edukasyon, bagay na aniya’y makatutulong din sa kahandaan ng mga guro na magpatupad ng remote learning. “Kailangang paghandaan natin ang posibleng mas mainit pang panahon sa mga susunod na taon lalo …

Read More »

Kampeon sa 2024 Jessup Moot Court Competition
PARANGAL SA UP COLLEGE OF LAW IGAGAWAD NG SENADO 

UP Law Jessup Moot Court

MATAPOS manaig sa kabuuang 642 competing teams mula sa 100 bansa sa 2024 Philip C. Jessup International Moot Court Competition, isang parangal ang nakatakdang ipagkaloob ng Senado sa University of the Philippines College of Law Jessup Team, sa pamamagitan ng isang resolusyong inihain ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara. Sa record, ito ang ikatlong pagkakataon na nagwagi ang Filipinas sa …

Read More »

National wealth tax para sa likas na tubig
MOTION FOR RECONSIDERATION INIHAIN SA SC NG BULACAN GOV

DANIEL FERNANDO Bulacan

NAGHAIN ng Motion for Reconsideration si Bulacan Gov. Daniel Fernando sa Korte Suprema sa naging desisyon nito tungkol sa natural wealth tax para sa likas yaman partikular ang tubig na nanggagaling sa lalawigan, kahapon 11 Abril 2024. Ang tubig sa mga ilog ng mga watershed ng lalawigan na dumadaloy patungong Angat Dam ang pangunahing pinagkukuhaan ng inumin para sa mga …

Read More »

Taxpayers hinikayat maghain ng ITR bago 15 Abril deadline

permit money BIR

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang mga taxpayer na maghain ng kanilang income tax returns (ITRs) habang papalapit ang 15 Abril, deadline para sa paghahain nito. Tiniyak ni Gatchalian, pangunahing may-akda ng Ease of Paying Taxes Act (EOPT), sa mga taxpayer na ang pagtupad sa kanilang obligasyon ay magiging mas madali sa mga darating na panahon. Nitong 1 Abril, naglabas …

Read More »

Renewable energy sources sagot sa brownouts – Lapid

Electricity Brownout

IGINIIT ni Senador Lito Lapid, malaki ang maitutulong ng paggamit ng renewable energy sources sa nararanasang brownouts sa Negros Occidental, Panay Island at iba pang lugar sa bansa. Sinabi ni Lapid, mas mainam pag-ibayohin ang paggamit ng renewable energy gaya ng araw (solar), hangin (wind), waves (alon), at iba pang sources. Sa gitna ng matinding tag-init, sinabi ni Lapid na …

Read More »

Wangwang etc, tuluyang ipagbawal
SAKRIPISYO NG COMMUTERS DAPAT MARANASAN NG GOV’T OFFICIALS

police siren wangwang

TAHASANG sinabi ni Senadora Grace Poe na dapat maranasan ng mga opisyal ng pamahalaan ang karanasan sa araw-araw na pagbiyahe ng mga mamamayan. Ang reaksiyon ni Poe ay kasunod ng anunsiyo ni Pangulong Ferdinand  Marcos, Jr., na hindi na pinahihintulutan ang paggamit ng wangwang, sirena, at mga blinker sa kalsda ng mga bumibiyaheng opisyal ng pamahalaan. Dahil dito, hindi naitago …

Read More »