NAGPASALAMAT si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., nitong Huwebes, 8 Mayo, sa Iglesia Ni Cristo (INC) at sa kanilamg Executive Minister Eduardo V. Manalo sa pag-endoso sa kanyang kandidatura sa Senado.
Sa kanyang Facebook Live post, nagpasalamat nang marami si Bong Revilla sa INC habang nangangako na ipagpapatuloy ang pagsisilbi sa mamamayan nang higit na may alab.
“Maraming salamat po kay Kapatid na Eduardo Manalo at sa buong Iglesia Ni Cristo sa inyong patuloy na tiwala sa akin, tungo sa inyong naging kapasyahan na ako po’y muli ninyong suportahan sa ating pagpapatuloy manilbihan sa bayan,” pahayag ng senador.
“Hindi ko po sasayangin ang inyong suporta at paniniwala sa akin,” dagdag niya.
Pinaniniwalaang ang endoso ng INC sa mga kandidato ay inaabangan ng kanilang 5-milyong miyembrong botante na may impluwensiya sa resulta ng kanilang boto. (NIÑO ACLAN)