PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang kanilang unang desisyon na nagbabasura sa aggregated airtime limit ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga politiko. Ayon sa kataas-taasang hukuman, nabigo ang poll body sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG), na makapaglahad ng bagong argumento sa kanilang motion for reconsideration para baliktarin ang resolusyon noong Setyembre. Kung natuloy ang …
Read More »13-anyos utas sa 12-anyos bully
NAGA CITY – Patay ang isang menor de edad dahil sa pambu-bully ng kanyang kamag-aral sa Tinambac, Camarines Sur. Kinilala ang biktimang si John Mark Terelios, 13-anyos. Ayon kay Insp. Gregorio Bascuña, nagsimula ang alitan ng biktima at ng 12-anyos kaklase na kinilala sa pangalang “Timmy” sa loob ng kanilang paaralan sa Tierra Nevada Elementary School. Aksidenteng natamaan ng bato …
Read More »Subsistence allowance ng sundalo itataas na
KOMPIYANSA ang Magdalo party-list na makatitikim ng umento sa subsistence allowance ang uniformed personnel ng gobyerno sa susunod na taon. Nasisiguro nina Magdalo Reps. Ashley Acedillo at Gary Alejano, mapagtitibay ng Kamara sa pagbabalik ng sesyon ang kanilang House Joint Resolution No. 11. Sa ilalim ng joint resolution, itataas sa P150 kada araw ang subsistence allowance ng uniformed personnel mula …
Read More »P18-B nagastos, recovery hanggang 5 taon pa (Sa sinalanta ng bagyong Yolanda)
UMAABOT na sa P18 bil-yon ang nagagastos ng iba’t ibang sektor sa rehabilitas-yon sa mga sinalanta ng supertyphoon Yolanda, halos isang taon na makaraan itong tumama noong Nobyembre 8, 2013. Ayon kay Assistant Secretary Victor Batac ng Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR), malaki ang naging tulong ng pribadong sektor lalo na ang non-governmental organizations (NGOs) sa mga sinalanta ng …
Read More »Estudyante ginahasa ng 4 suspek sa van (Dinukot sa Makati)
DINUKOT ang isang 21-anyos estudyante at halinhinang ginahasa ng apat na lalaki sa Makati City. Ayon sa biktimang itinago sa pangalang Maricel, noong Setyembre 30 nangyari ang insidente ngunit ngayon lang siya nagkalakas ng loob na magreklamo. Kwento ng biktima, dakong 6:30 p.m., pauwi na siya galing sa eskwelahan at naglalakad sa EDSA-Magallanes Interchange nang mapansin niyang may van na …
Read More »Magdyowa sa Cebu tiklo sa P2-M shabu
CEBU CITY – Nasadlak sa selda ang mag-asawang level 2 drug pusher at isa pang makaraan ang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Mojon, lungsod ng Talisay Cebu kamakalawa. Tinatayang aabot sa P2.3 milyon ang halaga ng 200 grams ng shabu na narekober ng mga pulis. Kinilala ang mga suspek na sina si Paquito Hisola, 33, nas akategoryang level …
Read More »Parak nagbaril sa sarili?
MASUSING iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkamatay ng isang pulis na natagpuang may tama ng bala ng baril sa sentido kamakalawa ng madaling-araw sa kanilang bahay sa Caloocan City. Kinilala ang biktimang si PO3 Harold Alfonso, 34, nakatalaga sa Police Security Protection Group (PSPG) sa Camp Crame, at residente ng Baltazar Bukid, Brgy. 70 ng nasabing lungsod, may tama ng …
Read More »P4-M shabu nasabat sa Kyusi
TINATAYANG nagkakahalaga ng P4 milyon ang nasabat na shabu sa da-lawang lalaki sa Brgy. Salvacion, La Loma, Quezon City. Nakarekober ang QC Police District Anti-Illegal Drugs ng 15 maliliit na supot ng hinihinalang shabu na aabot sa isang kilo mula sa dalawang sakay ng Corolla Altis sa Don Manuel kanto ng Calavite Street. Nagkaroon ng habulan bago tuluyang naharang ang …
Read More »Bayan-Globe humirit sa CA (Kaso ipinababasura)
HINILING ng Bayantel Telecommunications at ng Globe Telecom sa Court of Appeals na ibasura ang kasong isinampa ng Philippine Long Distance Telephone dahil sa kawalan ng sapat na merito. Sa Joint Rejoinder ng Bayan-Globe sa 17th Division ng CA noong nakaraang Oktubre 30, ipinaaalis din ng dalawang telcos ang temporary restraining order (TRO) na ipinalabas nito noong Oktubre 9, 2014 laban …
Read More »‘Eye patch’ justice sa SC kinondena
NAGSAGAWA ng noise barrage ang grupong Koa-lision ng Kabataan Kontra Korapsyon (KKKK) o 4K sa harap ng Korte Suprema. Ito ay para kalampagin ang mabagal na desisyon ng Korte Suprema sa disqualification case laban sa napatalsik at convicted plunderer Manila Mayor Joseph Estrada. Ayon kay Ka Andoy Crispino, Secretary Gene-ral ng KKKK, napakahalaga sa kanilang kabataan ang pagpapasya ng Korte …
Read More »Ex-senator isinugod sa hospital (SUV nabangga ng truck)
BACOLOD CITY – Isinugod sa ospital si dating DENR secretary at dating Senador Heherson Alvarez makaraan mabangga ng truck ang sinasakyan niyang Montero Sport sa Brgy. Pandanon Silos, Murcia, Negros Occidental. Galing sa isang climate change conference sa lungsod ng Talisay si Alvarez at patungong lungsod ng San Carlos upang matingnan ang solar field sa isang solar power plant sa …
Read More »Driver ng SUV na may plakang 8 nangholdap sa QC
HINOLDAP ang isang babee ng lalaking nagmamaneho ng Toyota Innova sa kanto ng Samar at Mother Ignacia Avenue sa Quezon City kahapon ng umaga. Ayon kay Cindy Mangaya, 25, papasok na siya sa trabaho dakong 6:15 a.m. nang mangyari ang insidente. Habang naglalakad, napansin niya ang isang nakaparadang gray Toyota Innova na nakabukas ang bintana. Ilang saglit lang makaraan malagpasan …
Read More »Anak ng aktor, 4 estudyante, 3 pa sugatan (2 school service nagbanggaan)
SUGATAN ang limang mag-aaral kabilang ang anak ng aktor na si Dennis Trillo, at tatlong iba pa makaraan magsalpokan ang dalawang school service kahapon sa Quezon City. Ayon kay Traffic Enforcer Jeffrey Dizon ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 1, naganap ang insidente dakong 5:45 a.m. sa N. Roxas St., kanto ng Speaker Perez St., Brgy. Lourdes …
Read More »Hirap sa buhay obrero nagbitay
SA ikalawang pagkakataon, nagtagumpay ang isang construction worker sa pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti dahil sa hirap ng buhay kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Wala nang buhay nang matagpuan ang biktimang si Michael Fabon, 28, sa kanilang bahay sa Phase 5, Package 5, Block 29, Excess Lot, Bagong Silang ng nasabing lungsod dakong 5 a.m. Sa imbestigasyon ni PO3 …
Read More »Gloria pwedeng makipaglamay at makipaglibing (9-day house arrest ibinasura)
HINDI lubusang pinagbigyan ng Sandiganbayan ang kahilingan ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng pagpanaw ng kanyang apo. Ibinasura ng First Division ng anti-graft court ang hiling ni Arroyo na ma-house arrest sa loob ng siyam araw. Katwiran ng korte, mabigat ang kasong plunder na kinahaharap ng dating pangulo at nangangailangan ng atensiyong medikal kaya naka-hospital …
Read More »Negosyateng Intsik todas sa katiwala
DAGUPAN CITY – Wala nang buhay nang matagpuan ng kanyang pamilya ang negosyanteng Instik mula sa lungsod ng Maynila, sa kanilang inuupahang farm sa bayan ng Mangatarem sa lalawigan ng Pangasinan. Halos hindi na makilala ang biktimang si Luciano Kho, 78, pansamantalang naninirahan sa Brgy. Macarang sa nasabing bayan nang makita ng kanyang mga kaanak sa loob ng babuyan dahil …
Read More »P45-M jackpot sa Super Lotto kinuha na ng retired gov’t employee
NAKOBRA na ng 62-anyos retiradong government employee mula sa Parañaque ang higit P45 milyong jackpot sa 6/49 Super Lotto na binola noong Oktubre 30. Ayon sa bagong milyonaryong ginang, 1996 pa niya inaalagaan ang kombinasyong 2-5-11-14-42-39 hanggang sa solo niyang mapanalunan ang jackpot. Si Philippine Charity Sweepstakes Office officer-in-charge Conrado Savella ang mismong nag-abot ng premyo sa ginang. Ayon sa …
Read More »14-anyos dalagita dinukot, minolestiya sa van
DINUKOT ang isang 14-anyos dalagita malapit sa kanyang paaralan sa Makati City kamakalawa ngunit nakatakas makaraan siyang molestiyahin sa loob ng van. Sa salaysay ng biktima sa kanyang ina, minolestiya siya ng driver habang lulan ng van makaraan dukutin dakong 10 a.m. malapit sa kanilang paaralan. Aniya, hinalikan siya ng driver at pinaghihipuan sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Pagkaraan …
Read More »Ulo at ari ng bangkay hinahanap (Para makilala ang biktima)
CEBU CITY – Pahirapan ang paghahanap sa pugot na ulo at pinutol na ari ng biktimang itinapon sa liblib na lugar sa Brgy. Biga, lungsod ng Cebu. Ayon kay Supt. Ricky Delilis ng Toldedo City Police Station, nanatiling blanko ang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring pagpatay at pagdispatsa sa bangkay ng biktima. Sinabi ni Delilis, walang saksi sa krimen at wala …
Read More »78th Anniversary National Bureau of Investigation
GINAWARAN ng Certificate of Appreciation si Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap sa ika-78 anibersaryo ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon. Nagsilbi rin siyang hurado sa ginanap na painting and photo exhibit sa NBI National Headquarters sa Taft Ave., Ermita, Maynila. (BONG SON)
Read More »Malaya kang kumalas sa admin (PNoy kay Binay)
HINDI na nakapagpigil si Pangulong Benigno Aquino III para buweltahan si Vice President Jejomar Binay. Ito’y kasunod nang pagbatikos ni Binay sa administrasyon sa kabiguang maresolba ang mga problema ng bansa gaya sa kahirapan, MRT at korupsyon gayon din ang Cabinet na miyembro ng trapo. Sinabi ni Pangulong Aquino, kung may pagpuna ay dapat “constructive criticisms at magsabi ng solusyon.” …
Read More »Gloria humirit ng 9-day house arrest (Para sa burol ng apo)
HINILING ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na pansamantalang makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) para makadalaw sa burol at makadalo sa libing ng apo. Nitong Linggo ng umaga ay pumanaw habang nasa Philippine Heart Center ang 1-taon gulang na apo ni Arroyo sa anak na si Luli. Sa inihaing mosyon ni Laurence Hector Arroyo, abogado …
Read More »4 Chinese kinasuhan sa P7-B shabu
PORMAL nang sinampahan ng Department of Justice (DoJ) ng kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act sa Pampanga Regional Trial Court (RTC) ang apat Chinese national na naaresto sa magkahiwalay na raid at nakom-piskahan ng P7 bilyon ha-laga ng shabu. Kabilang sa kinasuhan ng paglabag sa Sections 8 (Manufacture of Dangerous Drugs and/or Controlled Precursors and Essential Chemicals) ng RA No. …
Read More »Mag-anak tinambangan (Mag-asawa patay, 2 anak sugatan)
RIZAL – Patay ang mag-asawa habang malubhang nasugatan ang dalawa nilang anak makaraan pagbabarilin ng apat lalaking lulan ng dalawang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Rodriguez, Rizal. Kinilala ni Rizal PNP director, Sr. Supt. Bernabe Balba ang mga namatay na sina Nelson Go, 56, at Ruby, 52, residente ng Blk. 7, Lot 10, Phase 2C2, Metro Manila Hills Subdivision, Brgy. San …
Read More »Ginang tigok sa tumakas na Phil. Rabbit
AGAD binawian ng buhay ang isang 48-anyos ginang makaraan masagasaan ng isang bus sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Melchora Batino, ng 1553 Kundiman Street, Sampaloc, Maynila. Habang pinaghahanap ang hindi nakilalang driver nang hindi naplakahang passenger bus ng Phillippine Rabbit. Ayon kay SPO1 Garbin ng Manila Traffic Bureau, dakong 12:05 a.m. nang masagasaan ng bus …
Read More »