Thursday , September 12 2024

Mandatory drug test sa bus drivers hikayat ng PDEA

HINIKAYAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga pinuno ng transport sector para ipatupad ang mandatory drug testing sa bus drivers.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ito ay kaugnay sa insidente na kinasasangkutan ng Valisno bus noong nakaraang Miyerkoles sa Quirino Highway, Lagro, Quezon City, na ikinamatay ng apat pasahero habang 18 ang sugatan.

Ang driver ng bus na si George Pacis ay naaresto at positibo sa paggamit ng methamphetamine hydrochloride o shabu.

Sinabi ni Cacdac, batay sa kanyang obserbasyon, karamihan sa road accidents ay sanhi ng mga bus driver na lango sa ipinagbabawal na gamot.

“These incidents proved that there is a prevailing practice of illegal drug use among bus drivers,” pahayag ni Cacdac.

Umaasa si Cacdac na pagtutuunan na ng pansin ng transport sector ang pagsailalim sa drug test sa lahat ng mga driver.

“We will not wait until an accident happen on the road because the man behind the wheel is high on drugs,” giit ng PDEA chief.

About Hataw

Check Also

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *