Saturday , January 11 2025

News

1 biktima sa Davao massacre ni-rape  bago pinatay

DAVAO CITY – Bagong anggulo ang tinututukan ng pulisya sa nangyaring massacre kamakalawa sa Phase 4, Residencia del Rio Subdivision, Catalunan Pequeño, Davao City, na apat ang patay. Pinaniniwalaang hinalay muna ang isa sa mga biktima bago pinatay. Sa imbestigasyon, nakakuha ang mga awtoridad ng suicide note sa silid kung saan nakita ang bangkay ng isa sa mga biktima na …

Read More »

69-anyos ex-accountant biktima ng rape-slay

HINIHINALANG ginahasa muna bago pinatay ang isang 69-anyos retiradong accountant na natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Duguan, punit-punit ang damit at walang saplot na pang-ibaba ang biktimang kinilalang si Rodora Cabalitan, retired accountant ng Commission on Audit (CoA), at residente ng Block 4, Kamada Torcillo, Brgy. 28 ng nasabing lungsod, nang matagpuan sa …

Read More »

House panel BBL version unconstitutional – Sen. Miriam

HINDI alinsunod sa Saligang Batas ang inaprobahang bersiyon ng House ad hoc committee sa Bangsamoro Basic Law (BBL), ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago. Partikular na pinuna ng senadora na kilalang constitutionalist, ang probisyon kaugnay ng mga isyu sa sovereignty, autonomy, pagbuo ng sub-state, at territorial integrity. “Under constitutional language, nothing of value may be exclusively allocated to any territorial part …

Read More »

Dummy ni Binay gagawing state witness

IKINOKONSIDERA ng Senado ang posibilidad na gawing state witness ang isa sa itinuturong mga dummy ni Vice President Jejomar Binay. Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, isa sa mga nangunguna sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon sub-committee sa mga alegasyon ng katiwalian laban sa mga Binay, maaaring proteksiyonan ng Mataas na Kapulungan si Gerry Limlingan. Si Limlingan ang sinasabing finance …

Read More »

P3.8-B plate deal ng LTO walang pakinabang

NATUKLASAN ng Senado na dagdag gastos lamang para sa mga may-ari ng sasakyan ang pagpapalit ng plate number at wala nang iba pang pakinabang sa car owners. Ito ang napatunayan sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee sa P3.8 billion license plate deal ng Land Transportation Office (LTO). Hindi naitanggi ni LTO Chief Alfonso Tan ang sinabi ni Senate President …

Read More »

Importer, broker ng ukay-ukay kinasuhan ng BoC

SINAMPAHAN ng kasong smuggling sa Department of Justice (DoJ) ng Bureau of Customs (BoC) kahapon ang importer at broker ng ukay-ukay dahil sa illegal na importasyon ng mga lumang damit. Kinilala ni Customs Commissioner Alberto Lina ang kinasuhan na si Evangelos Tiu Andit, may-ari ng ERS Surplus, may tanggapan sa Gusa Highway sa Cagayan de Oro City, gayondin ang customs …

Read More »

2 kelot tigok sa heat stroke

HINIHINALANG biktima ng heat stroke ang dalawang lalaking natagpuang walang buhay sa magkahiwalay na lugar sa Pasay City. Sa natanggap na ulat ni Pasay City Police Officer-In-Charge (OIC), Senior Supt. Joel B. Doria, kinilala ang mga biktimang sina Abelardo Cruz, 60, driver, may asawa, residente ng 4927 Enrique St., Brgy. Palanan, Makati City, at Nilo Canoy, 39, ng 444 Guerrero …

Read More »

Nag-pot session sa bubong, adik tiklo

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 21-anyos lalaki nang maaktohan habang nagpa-pot session sa ibabaw ng bubong ng isang gusali sa Tondo, Maynila kamakalawa. Nakapiit na sa MPD Raxabago Police Station 1 ang suspek na si Ardian dela Cruz, jobless, ng U-118 Bldg. 15, Katuparan St., Vitas, Tondo. Ayon kay Supt. Redentor G. Ulsano, dakong …

Read More »

Warehouse pa ng plastic sa Valenzuela nasunog din

ISA na namang warehouse ng plastic sa Valenzuela City ang nasunog kahapon. Dakong 5:28 a.m. nitong Huwebes nang sumiklab ang sunog sa gusaling gilingan ng plastic ng Greencycle Corporation, na pagmamay-ari ng isang Peterson Tecson, sa Francisco St., kanto ng Maysan Road, Brgy. Malinta sa lungsod na nabanggit. Kuwento ng isang guwardya, bigla na lang umusok at nagliyab ang nakatambak …

Read More »

Dating tauhan ni Napoles ipinaaaresto ng Sandiganbayan

IPINAAARESTO ng Sandiganbayan 1st Division ang dating tauhan ni Janet Napoles makaraan dalawang beses na hindi sumipot sa arraignment. Bukod sa pag-aresto sa dating empleyado ni Napoles na si Laarni Uy, ipinababawi rin ni Associate Justice Efren Dela Cruz ang inihaing piyansa ng akusado. Nitong Huwebes sana ang ikalawang arraignment ni Uy ngunit hindi na naman dumalo kaya ipinag-utos ng …

Read More »

Kontraktuwalisasyon ipinabubuwag ng Catholic bishops

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang ilang Catholic bishops hinggil sa naganap na sunog sa Valenzuela na ikinamatay ng 72 kawani ng Kentex Manufacturing. Sinabi ni San Carlos Bishop Gerardo A. Alminaza, ang insidente sa Valenzuela ang pangatlong nangyari na ikinabuwis ng buhay ng mga manggagawa, sa ilalim ng administrasyong Aquino. Aniya, ang naganap na insidente ng sunog nitong nakaraang linggo ay …

Read More »

Number coding sa PUVs tinutulan ng MMDA tanggalin

TUTOL ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tanggalin ang number coding scheme sa mga pampublikong sasakyan o public utility vehicles (PUV), dahil higit na magiging mabigat ang daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila. Ito ang reaksiyon kahapon ng MMDA hinggil sa inihihirit ng isang grupo ng PUVs na huwag silang isama sa coding scheme na ipinatutupad sa Kalakhang Maynila.  Aniya, …

Read More »

BBL lusot sa Kamara (50 pabor, 17 kontra)

LUSOT na sa House ad hoc committee on the Bangsamoro Basic Law (BBL) ang panukalang magiging batayan ng binubuong Bangsamoro government na ipapalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Batay sa botohan ng mga miyembro ng komite, 50 ang pumabor, 17 ang kumontra at isa ang abstain. Dahil dito, tatawagin na ang BBL bilang Basic Law for the Bangsamoro …

Read More »

Tulak tigbak sa parak (Bigtime drug dealer nakatakas)

PATAY na bumulagta ang isang notoryus na drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad habang nasakote ang kasabwat niyang babae sa police operation sa Brgy. Minuyan 1, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ang napatay na si Sam “Pogi” Pangandaman, 24, habang ang naarestong kasabwat ay kinilalang isang Arlene Absalon, 22, parehong nakatira sa Block …

Read More »

1 patay, 12 sugatan sa SUV ng anak ng ex-PBA cager

PATAY ang isang lalaki habang 12 ang sugatan makaraan araruhin ng isang sports utility vehicle (SUV) na mimamaneho ng kolehiyalang anak ni dating PBA cager Nelson Asaytono, sa Ramon Magsaysay Blvd. at Altura Street, Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi. Sugatan din sa insidente ang driver ng Toyota Innova (ZCX-638) na si Kim Arielle Asaytono, 22, estudyante sa University of Sto. …

Read More »

Gas station bilihan ng shabu kahero arestado

ARESTADO ang kahero ng isang gasoline station sa Brgy. Balagtas, sa bayan ng San Rafael, Bulacan, sinasabing ginawang tindahan ng shabu, sa pagsalakay ng mga awtoridad sa lugar kamakalawa. Kinilala ang naaresto na si Danilo Villaroman Jr., kahero at tagapangasiwa ng isang sangay ng Petron gasoline station sa nasabing lugar. Narekober sa pag-iingat ng suspek ang P500 marked money na ginamit …

Read More »

4 miyembro ng pamilya minasaker sa Davao

DAVAO CITY – Patay sa saksak ang apat katao, kabilang ang dalawang bata, sa Phase 4, Residencia del Rio Subdivision, Catalunan Pequeño, Davao City. Ayon kay Senior Supt. Vicente Danao Jr., direktor ng Davao City Police Office, posibleng 3 a.m. nang maganap ang krimen. Kinilala ang mga biktimang sina Virginia, 58; alyas Boy, 40, at dalawang bata na kinilalang sina …

Read More »

Roxas manok ng LP sa 2016  — Palasyo

SI Interior Secretary Mar Roxas pa rin ang manok ng Liberal Party sa 2016 presidential derby, ayon sa Palasyo. “LP obviously prefers their own candidate. LP prefers Secretary Mar Roxas,” sabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda hinggil sa kursunada ng administration party na magpatuloy  sa  “daang matuwid” ng  gobyernong Aquino. Gayonman, igagalang at susundin aniya ng buong kasapian ng LP …

Read More »

BBL ng Palasyo railroaded — Makabayan bloc

BINATIKOS ng Makabayan bloc ang Malacañang version na tinawag na railroaded Bangsamoro Basic Law (BBL) dahil sa pagkabigong ibigay ang buo at tunay na awtonomiya sa Bangsamoro people. Bigo rin itong tugunan ang socio-economic causes ng armadong tunggalian sa Mindanao. Ayon sa Makabayan bloc sa pangunguna ni Rep. Neri Javier Colmenares ng Bayan Muna Party-list,  sa apat pahinang analysis sa …

Read More »

West Valley Fault ‘hinog’ na sa mas malakas na lindol

POSIBLENG tamaan ng magnitude 7.2 lindol ang West Valley Fault, isa sa dalawang fault segment ng Valley Fault System (VFS) sa bahagi ng Greater Manila Area. Ayon kay Renato Solidum, director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), sa dalawang fault system, “mas malamang na ang West Valley Fault ang magdudulot nang mas malaking lindol kaysa East Valley Fault …

Read More »

Ina patay sa anak dahil sa posporo

DIPOLOG CITY – Patay ang isang ginang makaraan saksakin ng sariling anak dahil sa posporo sa Brgy. Bayabas Bethlehem, Polanco, Zamboanga del Norte kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Letecia Aviles, 51, habang ang suspek ay si Marvin Aviles, 27-anyos, kapwa residente sa naturang lugar. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bago nangyari ang krimen, masayang nagbibiruan ang suspek, kanyang …

Read More »

P361.9-B projects aprub kay PNoy

UMABOT sa P361.9-B halaga ng malalaking proyekto ang binigyan ng go-signal ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong 2015 o isang taon bago siya bumaba sa puwesto. Limang proyekto na nagkakahalaga ng P61.9-B ang inaprubahan sa 17th National Economic Development Authority (NEDA) Board  meeting sa Malacañang kahapon na pinangunahan ng Pangulo. Kabilang sa limang malalaking proyektong ang LRT 2 West Extension …

Read More »

23 sugatan sa tumagilid na jeep sa Camsur

NAGA CITY – Aabot sa 23 katao ang sugatan makaraan tumagilid ang pampasaherong jeep sa Balatan, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang driver ng jeep na si Isagani Sanyo. Ayon kay Senior Insp. Christopher Aduviso, galing sa bayan ng Nabua ang nasabing jeep papuntang Balatan nang biglang tumagilid sa pababang bahagi ng nasabing lugar. Sinabi ni Aduviso, nawalan ng kontrol ang driver …

Read More »

House arrest kay GMA lusot sa House panel

LUSOT na sa House Justice Committee ang resolusyong humihiling na i-house arrest si dating Pangulo, ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo.  Sa botong 8-1, pinayagan ng komite ang hiling dahil sa humanitarian reasons.  Non-binding anila ang resolusyon at sunod na isasalang sa plenaryo para aprubahan. Naniniwala si Justice Committee Chair Niel Tupas na sasang-ayon din ang boto pagdating sa plenaryo. Nitong …

Read More »

30 bata sugatan sa karambola ng jeep, 2 bus sa Coastal Road

SUGATAN ang 30 pasahero karamihan’y mga bata makaraan maputukan ng gulong ang sinasakyan nilang jeep hanggang salpukin ito ng dalawang pampasaherong bus sa Las Piñas City, kahapon. Agad isinugod ang mga sugatan sa San Juan De Dios Hospital.  Sa sketchy report ng Las Piñas City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong 12:20 p.m. sa Northbound lane ng Coastal Road ng naturang lungsod. Sakay ang …

Read More »