MAHIGIT isang milyon Filipino na ang nabawas sa bilang ng mga naninigarilyo sa bansa mula noong 2009 hanggang 2015, ayon sa Department of Health (DoH). Ayon sa ulat, pinuri ng World Health Organization (WHO) ang Filipinas dahil sa mga hakbang nito kontra pagsisigarilyo. Naniniwala ang mga taga-pagtaguyod ng tobacco control, na marami pang puwedeng gawin upang tuluyang itigil ng …
Read More »PRRD hindi tutuntong sa Amerika
HINDI tutuntong sa lupain ni Uncle Sam si Pangulong Rodrigo Duterte. “There will never be a time that I will go to America during my term,” buwelta ni Duterte sa pahayag ni Massachusetts Rep. Jim McGovern, chairman ng human rights commission ng US Congress, na pangungunahan ang protesta kapag naging bisita ni President Donald Trump sa White House ang …
Read More »CoP, 4 pulis patay sa ambush ng NPA sa Negros Oriental
ISANG chief of police (COP) at apat na pulis ang patay habang dalawa ang sugatan makaraan tambangan ng hinihinalang mga miyembro ng rebeldeng komunista sa lungsod ng Guihulngan, Negros Oriental nitong Biyernes. Sinabi ni Col. Elizier Losanes, commander ng Philippine Army 303rd Infantry Brigade, ang Sangguniang Bayan member ay inatake ng hinihinalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa …
Read More »Let’s stop talking, let’s start fighting (Peace talks inabandona) — Duterte sa CPP-NPA-NDF
“LET’S stop talking, let’s start fighting. I have decided to abandon the talks.” Ito ang idineklara kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Sa kanyang talum-pati sa Davao Investment Conference, binig-yang-diin ng Pangulo na tumpak ang pahayag ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison na binu-bully niya ang kilusang komunista. …
Read More »‘Mole’ ng NPA sa PSG inaalam
LIHIM na iniimbestigahan ng intelligence community ang posibilidad na may mole o espiya ang mga rebeldeng komunista sa hanay ng militar, lalo sa Presidential Security Group (PSG). Ito ang sinabi ng source sa intelligence community kasunod ng pananambang ng NPA sa convoy ng PSG sa Arakan, North Cotabato noong Martes ng umaga. Aniya, bahagi ng standard operating procedure (SOP) …
Read More »Mag-iitik na ‘di nagbayad ng rev tax ‘di pinatawad ng NPA
WALANG patawad ang NPA, ultimo maliliit na magsasaka ay kinikikilan taliwas sa propaganda nilang tagapagtanggol ng mga mamamayan. Sa press briefing kahapon sa Palasyo, kinuwestiyon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. ang ideolohiya ng NPA na nasangkot sa iba’t ibang insidente ng karahasan habang nagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa gobyerno. Inihalimbawa ni Esperon ang panununog ng NPA sa plantasyon …
Read More »Babala ni Digong: 20 NDFP consultants ‘madidisgrasya’ kapag ‘di sumuko
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa 20 National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultants, na posibleng ‘madisgrasya’ kapag hindi sumuko nang maayos sa mga awtoridad. Sa ambush interview kagabi makaraan ang Davao Investment Conference sa Davao City, sinabi ni Duterte, aarestohin ano mang oras ang mga lider-komunista kasunod nang pag-abandona niya sa peace talks sa NDFP, Communist Party …
Read More »NCRPO handa sa SONA
HANDA ang puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa seguridad ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, 24 Hulyo. Sinabi ni NCRPO Chief, Director Oscar Albayalde, ipapakalat niya ang kanyang mga tauhan partikular sa kahabaan ng Commonwealth Avenue mula sa Quezon City Circle hanggang sa Litex sa Batasan Road sa …
Read More »Safe conduct pass epektib pa, NDF consultants ‘di balik-hoyo
HINDI pa tinutuldukan ng administrasyong Duterte ang usapang pangkapayapaan sa kilusang komunista kaya hindi puwedeng ipaaresto at muling ibalik sa bilangguan ang pinalayang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultants. Sinabi ni Labor Secretary at government peace panel chief Silvestre Bello III, wala pang basehan ang pahayag ni Solicitor General Jose Calida, na hihilingin niya sa hukuman na …
Read More »Pointman sa drug war itinalaga ni Digong
ISANG “pointman” ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging sentralisado ang mga usapin kaugnay sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte. Hinirang kahapon ng Pangulo si Aurora Ignacio bilang “focal person” na tatanggap ng mga kuwestiyon at magbibigay ng karampatang aksiyon sa mga isyu na may kinalaman sa anti-illegal drugs campaign ng kanyang administrasyon. “In the exigency …
Read More »SALN ng 3 gov’t. off’ls ‘di inilabas ng Palasyo
HINDI ipinagkaloob sa media ang kopya ng 2016 statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng tatlong pinakamalapit na opisyal ni Pangulong Rodrigo Duterte. Walang ibinigay na paliwanag ang Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs sa Malacañang Press Corps kung bakit nabigo silang magbigay ng kopya ng SALN nina Executive Secretary Salvador Medialdea, Cabinet Secretary …
Read More »43 foreigners arestado ng anti-kidnap group (Casino high rollers dinudukot)
INARESTO ng mga awtoridad ang 43 dayuhan na miyembro ng loan shark syndicate at pumupuntirya ng high rollers. Nitong Huwebes, iniharap sa media ni Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mga suspek, karamihan ay Chinese nationals, sa press conference sa Camp Crame. Ang mga suspek, kabilang ang 41 Chinese at dalawang Malaysians, ay inaresto …
Read More »P4.2-M sibuyas mula China nasabat ng BoC
NASABAT ng Bureau of Customs (BoC) ang mga sibuyas sa Manila International Container Port (MICP), sinasabing ipinuslit mula sa China, at P4.2 milyon ang halaga. Na-intercept ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang tatlong container vans na puno ng kontrabando, ayon sa BoC. Ayon sa natanggap na ulat ng CIIS, ang mga sibuyas ay tinakpan ng fresh garlic. Ang …
Read More »4 arestado sa drogang mula Mexico
INARESTO ang apat katao kabilang ang isang babae, ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa package na may lamang methamphetamine hydrochloride o shabu. Ang package na may timbang na 20.6 kilos ay idineklarang Sikaflex Sealant nang dumating sa Maynila, dalawang linggo na ang nakararaan na ipinadala ng Home Depot sa Mexico. Ayon kay BOC District III Collector ED Macabeo, ang …
Read More »Duterte sumalisi sa Marawi (Kahit may bakbakan)
HABANG kasagsagan ng bakbakan ng mga tropa ng pa-mahalaan at mga terorista mula sa Maute/ISIS group kahapon, sumalisi si Pangulong Rodrigo Duterte para bisitahin ang mga sundalo sa 103rd Brigade Headquarters sa Camp Ranao sa Marawi City. “Dinig na dinig sa kampo ang putukan habang narito si Pangulong Duterte,” ayon sa source sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Bago …
Read More »45 construction workers iniimbestigahan sa rape-slay sa 17-anyos (Sa Pangasinan)
ISINAILALIM sa “buccal swabbing” ang 45 construction workers kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkamatay ng grade 12 student, na nakitang nakalutang sa isang palaisdaan sa Basista, Pangasinan, at hinihinalang biktima ng panggagahasa. Ayon sa ulat, sinabing lu-mabas sa resulta ng autopsy na “asphyxia by drowning” ang dahilan ng pagkamatay ni Joanna Rose Español, 17-anyos. “Asphyxia by …
Read More »Markadong tulak utas sa buy-bust
BUMULAGTANG walang buhay ang isang 30-anyos lalaking sinasabing notoryus na tulak ng ilegal na droga, makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Idineklarang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang suspek na si Ronel Langcuyan alyas Hapon, 30, kabilang sa talaan ng drug …
Read More »Huwag nang pakinggan si Joma — Castro
HINDI na kailangang pakinggan si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison sa kanyang mga tirada ukol sa pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa New People’s Army (NPA) para magkakaroon ng peace agreement, ayon kay Capiz 2nd District representative Fredenil Castro sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila. Ipinaliwanag ni Castro na batay sa mga …
Read More »Babaeng fiscal utas sa tandem (Sa Rizal)
BINAWIAN ng buhay ang isang lady assistant prosecutor makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal, kamakalawa ng hapon. Sa ulat kay S/Supt. Albert Ronatay, kinilala ang biktimang si Atty. Maria S. Ronatay, Rizal assistant prosecutor, habang tumakas ang dalawang suspek lulan ng motorsiklo patungo sa bahagi ng Kaytikling sa nabanggit na lalawigan. Ayon sa imbestigasyon, dakong 5:00 …
Read More »Lola kinatay ng kawatan
TADTAD ng saksak at patay nang matagpuan ang isang 86-anyos lola makaraan pagnakawan sa kanyang bahay sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City, kahapon ng umaga. Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Prescila Trinidad, residente sa Sto. Domingo St., Brgy. Sto. Domingo. Samantala, ikinokonsiderang “person of interest” ang houseboy ng …
Read More »Martial law hindi one shot affair — Castro
TUWIRANG inihayag ni House deputy speaker, representative Fredenil Castro ng Capiz ang kanyang suporta sa Martial Law extension na hinihiling ni Pangulong Duterte na naglalayong palawigin nang mahigit limang buwan sa Mindanao. Ayon kay Castro, ang martial kaw ay hindi ‘one shot affair’ na pagkatapos maideklara at hindi pa lubos na napagtatagumpayan ang agenda ay puputulin na ang proseso. …
Read More »Casino pasok sa anti-money laundering
MAHIHIRAPAN nang ‘maglabada’ ng mga dinambong na kuwarta sa casino ang mga sindikatong kriminal dahil saklaw ng Anti-Money Laundering Act (AMLA) ang mga casino, kasama ang internet at ship-based. Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 10927 o An Act Designating Casinos as Covered Persons under Republic Act No. 9150 o mas kilala bilang Anti-Money Laundering Act …
Read More »Martial law extention posibleng aprubahan ng Kongreso — Koko
MAAARING aprubahan ng Kongreso ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang martial law sa Mindanao hanggang katapusan ng taon, ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III. “Meron siyang objective na gustong ma-achieve; sabi niya ‘I need x more days to address that objective’ so who are we to say ‘no, no, no, you don’t need that longer …
Read More »Malacañang nagpaliwanag sa Kamara (Sa Martial law extention)
ISINUMITE na sa Kamara ang liham ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagpapalawig ng batas militar. Ikinatuwiran sa liham na nanatili pa rin ang rebelyon sa Mindanao base sa assessment ng Pangulo, na una nang inirekomenda sa kanya ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa nasabing liham, hindi lamang Maute terror group ang nais i-neutralize ng gobyerno kundi …
Read More »“Ilocos 6” ‘wag itago kay Duterte sa SoNA (‘Wag ilipat sa ‘bartolina’ — Imee)
NANAWAGAN ngayon si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos kay Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Floorleader Rudy Fariñas na huwag itago ang tinaguriang “Ilocos 6” kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagdating nito sa House of Representatives sa araw mismo ng State of the Nation Address (SONA). Ayon kay Imee, hindi na dapat dagdagan pa ang paghihirap na nangyayari sa …
Read More »