Saturday , December 2 2023

COP sa Bulacan tiklo sa kotong

INIHAHANDA ng mga awtoridad ang isasam­pang kaso laban sa isang hepe ng pulisya sa Bulacan na inaresto dahil sa pangongotong sa arestadong drug suspect.

Ang opisyal ay kinilalang si Supt. Jowen dela Cruz, hepe ng Bocaue Police Station, inaresto sa mismong kaniyang tanggapan sa inilunsad na joint operation ng PNP Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF), PNP Highway Patrol Group (PNP-HPG) at Intelligence Group.

Una rito, ayon kay Supt. Joel Estaris, deputy commander ng PNP-CITF, dumulog sa kani­lang tanggapan ang kapatid ng isang bilanggo na inaresto sa buy-bust operation noong 5 Set­yembre.

Ayon sa nagreklamo, kinuha ng chief of police ang SUV Montero ng kapatid ngunit hindi inilista bilang kasama sa mga ebidensiya laban sa kanya.

Sa ulat, napag-ala­man na ang sasakyan ay personal na ginagamit ni Dela Cruz at ayon sa nagreklamo ay ibabalik lamang aniya ito ng opisyal kapalit ng i-Phone X na P75,000 ang halaga.

Isinagawa ng mga awtoridad ang entrap­ment operation laban sa opisyal gamit ang mama­haling cellphone na kaniyang hinihingi.

Lumabas din sa inisyal na imbestigasyon na bukod sa sasakyan, sa panunungkulan ni Dela Cruz ay nawawalan ng mga gamit ang mga inmate tulad ng sapatos, motorsiklo at iba pang gamit.

Sinasabi pang naging modus din ng opisyal ang pagkuha sa mga sasakyan ng arestadong mga suspek at personal na ginagamit sa kaniyang mga lakad.

Ang operasyon laban kay Dela Cruz ay isina­gawa ng naturang mga ahensiya ng PNP, sa koordinasyon kay C/Supt. Amador Corpus, ang regional director ng PRO3.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Panay Guimaras NGCP electricity

Sa TRO ng Korte Suprema
PANAY-GUIMARAS INTERCONNECTION NG NGCP NABALAHO

TULUYAN nang maaantala ang isa sa mga priority project ng  National Grid Corporation of the …

SMFI 397 scholar 1

SM Foundation lauds 397 college scholar-graduates  

The SM Foundation (SMFI) celebrates the feat of 397 SM scholars from class 2023, including …

SM Foundation SM Prime 1

From challenges to change: SM Foundation and SM Prime build new school facility in Laguna

The new two-floor school building of Laguna Resettlement Community School features four fully equipped rooms …

Kathniel karla estrada

Karla pilit itinatago ang katotohanan

HATAWANni Ed de Leon ANG maaari lang tumapos sa mga tsismis na split na sina Daniel …

Bulacan DTI

Digitalization ng mga Creative Products sa Bulacan, isinusulong ng DTI

AAGAPAYAN ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga micro, small and medium …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *