HARD TALK
ni Pilar Mateo
ISA na namang beauty queen ang aming nakilala at nakaharap.
She is Zoraida “Dang” Bricca!
Kontesera na kahit noong bata pa.
Pero itong koronang nakuha niya ngayon ang ‘di niya malilimutan. Dahil siya ang kauna-unahan.
Bilang Mrs. Celebrity International 2026 Champion na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia. May special awards ding iginawad sa kanya. Best in Catwalk.
Noong 2024 siya nagsimulang seryosohin ang pagsali na noong una’y parang panaginip lang. Sa Cairo, Egypt sa Queen of the Universe. Na hindi lang international title ang naiuwi kundi amg Best National Costume rin.
Sa taas niyang 5’10, talagang may pagdadalhan ang statuesque stance ni Dang.
Dahil ang layon niya ay makatulong sa mas maraming tao, nagiging daan din ang pagiging flight attendant niya sa isang international airline.
“Wala sa hinagap ko na I would join beauty pageants. Noong maliit ako, dumadaan lang siya sa isip ko. Pero ang gusto ko talagang maging ay maging flight attendant. And after many struggles, nakamit ko naman siya.
“Sa pagpasok ko naman sa pageantry, mga kaibigan ko rin ang nag-push. Like itong Mrs. Celebrity International. Oo nga, sa Miss Universe, tumanggap na sila noon ng may mga asawa na. So yes, ‘yung silbi o worth ng isang babae na kahit may asawa at mga anak na eh, nagiging mahalaga pa rin. And kaya ako sobrang masaya ako ‘yung first Pinay to get the title.”
Kaya maituturing na si Dang na international pageant champion. Isa ring fashion visionary. At multi-industry entrepreneur.
“My platform is to champion diversity, age inclusivity, female empowerment, and the belief that inner grace and ambition have no age limit.”
Ilan sa mga achievement na ipagmamalaki ni Dang ay ang mga sumusunod:
*Fashion Show Producer & Designer: Founder and CEO of Global Glam Fashion and the couture label House of Zora, producing high-level international runway productions across iconic destinations, including Milan, Paris, Cannes, Tokyo, and Miami.
*Model Coach: Mentors aspiring models, sharing techniques on runway presence, confidence and self-reinvention.
*Real Estate & Business Brokerage: Works as a active real estate agent and business broker.
*Virtual Assistant Coach: Coaches professionals in virtual assistant practices, helping individuals build flexible, remote careers.
*Global Trade: Operates as a food importer to the United States with over nine years of experience in the industry.
Sa Miami, Florida USA naka-base si Dang. Pero kapag may mga kailangan siyang gawin para sa mga kababayan naririto siya.
Lalo para sa CRIBS Foundation sa Sitio Luis, Antipolo.
“Here, we take care of abandoned, neglected and surrendered infants and toddlers. At para rin sa mga kababaihang menor de edad na survivor ng sexual abuse na nangangailangan ng paggaling at pagbangon. In every way I can, na I can help and give back, ‘yan ang aking advocacy.”
Not just another beauty queen with a crown and scepter, ha.
There’s more beyond those!
