NGAYON pa lang ay abangers na ang mga tagahanga ng isa sa pinakasikat na tambalan ngayon, ang Wilbert Ross at Bea Binene (WilBea) sa kauna-unahan nilang pelikulang pagbibidahan.
Ito ang legendary 2013 Thai supernatural horror-comedy na Pee Mak na highest-grossing film in Thailand’s history na pinagbidahan ng Thai superstar na si Mario Maurer kasama si Davika Hoorne.
At ngayon nga sa Philippine Adaptation nito ay ang sikat na tambalang WilBea ang bibida sa Pee Mak.
Makakasama nila rito sina Vandolph, Jairus Aquino, TJ Valderama, at Gian Bernardino. Sa direksiyon ni Victor Villanueva hatid ng Viva Films at malapit ng mapanood sa mga cinema nationwide. (John Fontanilla)
