Thursday , April 24 2025

Graft case vs LTFRB sa kolorum na units ng Grab

BINALAAN ni Rep. Jericho Nograles ng party-list Pwersa ng Bayaning Atleta ang mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sumunod sa batas o humarap sa kasong graft kung hindi mapipigilan ang pagbiyahe ng 21,000 kolorum na sasakyan sa ilalim ng Grab.

Sa pagdinig ng Committee on Transportation, binalaan ni Nograles ang LTFRB na ang patuloy na pag biyahe ng 21,000 units ng “colorum” vehicles sa ilalim ng Grab ay malinaw na pumapabor sa isang kompanya laban sa iba.

Ani Nograles, tinangap na ng Grab na tinatayang may 42,000 sasakyang bumibiyahe sa ilalim ng operasyon nila, ang mahigit 21,000 ay “colorum.”

“Dura lex, sed lex. The law is harsh, but it is the law. As a Regulatory and Quasi-Judicial body, the LTFRB is expected to follow and implement the law without bias,” pahayag ni Nograles. Aniya, kung ang LTFRB at ang mga transport network companies (TNCs) ay hindi sumusunod sa batas paano naman aasahan ang Kamara na pumayag na pahintulutan ang hiling ng TNCs na sila ang mag- regulate sa hanay nila.

Ipinanukala ni Nograles ang mga sumusunod:

1) Ang pasahe sa Grab at iba pang TNCs ay dapat aprobado ng LTFRB; 2) Ang com­putation ng pasahe ay ipaalam sa mga driver at pasahero; 3) Ang TNCs ay dapat sumunod sa  iniuutos na dis­counts para sa Senior Citizens, PWDs, Students, etc.; 4) Ang mga promos ay dapat nakare­histro at aprobado ng DTI.

Ani Nograles ang hindi susunod sa mga batas ay sususpendehin.

(Gerry Baldo)

About Gerry Baldo

Check Also

Vico Sotto

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si …

TRABAHO Partylist, nananawagan lumikha ng sustainable at maayos na pasahod sa mga probinsiya

Sa gitna ng lumalalang trapiko sa Metro Manila
TRABAHO Partylist, nananawagan lumikha ng sustainable at maayos na pasahod sa mga probinsiya

NANAWAGAN ang TRABAHO Partylist para sa paglikha ng mga sustainable at may maayos na pasahod …

Nora Aunor Bongbong Marcos Erap Estrada

PBBM, Erap dumating sa huling gabi ng lamay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ng napakaraming kaibigan, fans, pamilya, at kasamahan ang huling gabi …

Pilita Corrales Pope Francis Nora Aunor Hajji Alejandro

Panalangin sa walang hanggang kapayapaan kina Pope Francis, Nora, Hajji 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang kalungkutang nadarama sa showbiz. Una si Pilita Coralles na hindi pa …

ICTSI Earth Day FEAT

Earth Day 2025: Panahon na para kumilos, hindi lang magdiwang

TAON-TAON, tuwing 22 Abril, ginugunita natin ang Earth Day — isang pandaigdigang kilusan para sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *