Friday , November 14 2025
jeepney

DOTr walang pinapaborang manufacturers (Sa jeepney modernization program)

INILINAW ng Depart­ment of Transportation (DOTr) na wala silang kahit isang pinapaboran na automobile manu­facturers sa kanilang jeepney modernization program.

Sa pagdinig ng Senate Sub-Committee on Finance para sa panu­ka­lang P76.1 bilyon budget para sa susunod na taon, sinabi ni DOTr Assistant Secretary Mark Rich­mund  de Leon, wala si­lang pinapaboran na kahit isang manufacturers tulad ng maling ale­gasyon na lumalabas na may pinapaboran aniya ang ahensiya.

Sa naturang pagdinig, inilinaw ni De Leon na welcome lahat ng manu­facturers na nais puma­sok sa kanilang programa maging ang local manu­facturers tulad ng Sarao at Francisco motors.

Aniya, malaya ang mga operator na pumili ng kanilang manufac­turers na nais nilang gumawa ng kanilang mga jeepney dahil walang ina-accredit at pinapaboran ang DOTr sa jeepney modernization program.

Ang budget ng DOTr ay tumaas sa P35.9 bilyon o 89.3%, ay luma­labas na pampito sa mga ahensiya na tinaasan ng alokasyon ng Duterte administration.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …

PNP Nartatez ICI

Sa Pamumuno ni Chief Nartatez: PNP Pinagtitibay ang Laban sa Katiwalian

Sa pamumuno ni Acting Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., muling pinatunayan ng PNP …

James Reid Issa Pressman Karen Davila

Issa nag-breakdown kay Karen; James awang-awa

MATAPOS ang ilang taong pananahimik, babasagin na ni Issa Pressman ang katahimikan sa isang exclusive at heart-to-heart …

Otek Lopez Papa O

Producer/Philanthropist Otek Lopez bibigyang parangal sa Gawad Pilipino

GRATEFUL at thankful ang producer, bBusinessman and philanthropist na si Otek “Papa O” Lopez sa karangalang ibinigay …