WALANG dapat ipag-alala ang publiko sa kalagayan ng kalusugan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni senator Christopher “Bong” Go na so far ay maayos ang kalusugan nila ng Pangulo. Mula aniya nang sumailalim sila sa COVID-19 test, wala namang nararanasang ano mang sintomas ng sakit ang Pangulo tulad ng sipon, ubo, lagnat o pananakit ng lalamunan. Gayonman, inamin ng …
Read More »Sa enhanced community quarantine… AFP/PNP, health workers frontliners vs CoViD-19 (Tao sa bahay; BPO/IT, ports tuloy sa operasyon)
EVERYONE must stay at home. Ito ang direktiba ng Palasyo sa lahat ng mamamayan sa buong Luzon alinusunod sa enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatutupad ng gobyerno para labanan ang COVID-19. Inatasan ng Palasyo ang mga punong barangay ang mahigpit na pagpapatupad na isang tao lang ang puwedeng lumabas sa bawat bahay upang bumili ng mga batayang pangangailangan ng kanilang …
Read More »COVID-19 para masugpo… Malabon Mayor Lenlen Oreta nanawagan sa water concessionaires
HINIMOK ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta ang mga kompanyang responsable sa supply ng tubig sa lungsod tulad ng Maynilad at Manila Water na dagdagan ang supply ng tubig sa mga kabahayan sa Malabon mula sa maititipid nilang tubig na nakalaan sa mga mall at iba pang komersiyal na establisimiyento, alinsunod na rin sa “enhanced community quarantine” na ipinatutupad ngayon …
Read More »Pakiusap ni Isko sa lessor… ‘Wag munang maningil ng renta
UMAPELA si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga lessor o nagpaparenta ng commercial establishments na huwag munang maningil ng upa sa kanilang mga nangungupahan sa gitna ng nararanasang krisis ngayon sa COVID-19. Sa urgent appeal na inilabas ng Manila Public Information Office na pirmado ng alkalde, hiniling nito sa mga nagpapaupa sa mga pangkomersiyong establisimiyento sa lungsod ng Maynila …
Read More »P340K shabu nasamsam sa Maynila
NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang nasa P340,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa dalawang suspek na naaresto sa buy bust operation sa Maynila nitong gabi ng Lunes. Isang 50-anyos babae at 45-anyos lalaki ang natimbog matapos bentahan ng ilegal na droga ang pulis na nagpanggap na buyer dakong 7:45 pm sa Barangay 132, Tondo, Maynila. Narekober sa mga suspek ang …
Read More »P4-M ecstacy nasabat ng BoC sa CMEC warehouse
NASABAT ang halos P4 milyong halaga ng ecstasy ng Bureau of Customs (BoC) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa CMEC warehouse sa Domestic Road sa Pasay City mula The Netherlands. Idineklarang Gondolier Coffee (Arabica) mula sa nagngangalang Michael Kraats ng Tempelierhof 7 3544 Utrecht, The Netherlands. Ayo kay PDEA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group commander Gerald Javier, napag-alaman ang laman …
Read More »Chinese nat’l sumalungat sa trapik para umiwas sa checkpoint timbog
INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang Chinese national dahil sa pagsalungat sa trapiko para makaiwas sa checkpoint habang ipinatutupad ang “enhanced community quarantine” sa Quezon City. Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, nakilala ang suspek na si Jian Pang, 33, technician sa SENHHO Philippines Electrical Corp., residente sa 9th St., Rolling Hills Subdivision, Ejercito Compound, …
Read More »Community transmission kinompirma ng DOH… CoViD-19 187 cases na
TUMATAAS ang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Sa panayam kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sinabi niyang ang ibang kaso ay walang kaugnayan sa mga naunang pasyente. “Nakita natin ‘yung ibang kaso wala na siyang relasyon sa ibang kaso… Pag ganito na po ang itsura ng ating sitwasyon, ibig sabihin (Some …
Read More »Sa loob ng anim na buwan… PH isinailalim ni Digong sa State of Calamity
ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang buong bansa dahil sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). Batay sa Proclamation No. 929 na nilagdaan ni Pangulong Duterte kamakalawa, idineklara niyang nasa state of calamity ang Filipinas sanhi ng COVID-19 sa loob ng anim na buwan na puwedeng mapaikli depende sa magiging sitwasyon. Dahil dito, ipinaiiral ang “enhanced community …
Read More »3 Malaysian, Taiwanese nasagip sa illegal detention ng POGO
NAILIGTAS ang apat na banyagang empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) mula sa ilegal na pagkakakulong ng kanilang employer sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ang mga biktimang sina Sarah Lien Mye Yee, 29 anyos; Andy Wong Fu Chun, 26 anyos; Ng Wen Jiin, 25 anyos, pawang Malaysian national; at Wang Chien Hau, 24 anyos, Taiwanese national. …
Read More »4 tiklo sa shabu 2 pa huli sa aktong bumabatak
NALAMBAT ng mga awtoridad ang apat na drug peddlers at pushers samantala nasakote ang dalawang drug users sa mga ikinasang illegal drug operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 16 Marso. Sa magkahiwalay na buy bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units ng San Jose del Monte City Police Station (CPS) at Hagonoy Municipal Police Station …
Read More »Seguridad pinaigting ng PNP-PRO3 kontra COVID-19
INALERTO ng pamunuan ng PNP-PRO3 ang pulisya sa buong rehiyon hinggil sa pagpapaigting ng security operations kontra COVID-19. Ayon kay P/BGen. Rhodel Sermonia, inatasan niya ang kanyang city at provincial directors na seguruhing maipatupad ang kaayusan sa kanilang area of responsibilities (AOR) at paigtingin ang kampanya hindi lamang kontra krimen bagkus ay sa kasalukuyang COVID-19 outbreak. Sinabi ni Sermonia, simula …
Read More »May higit 7,000 PUMs… Pangasinan COVID-19 free pa rin
NAITALA ang kabuuang bilang na 7,704 katao sa lalawigan ng Pangasinan na ikinokonsiderang persons under monitoring (PUMs) para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kabila ng paniniyak ng health officials na wala pa rin kompirmadong kaso sa probinsiya. Lomobo ang bilang ng PUMs matapos umuwi ang ilang mga estudyante nang sumailalim ang Metro Manila sa community quarantine. Ipinag-utos ng pamahalaang …
Read More »COVID-19 #2 sa SJDM, kinompirma ng DOH
IPINATUPAD ang city-wide quarantine sa San Jose del Monte City, sa lalawigan ng Bulacan matapos kompirmahin ng Department of Health (DOH) ang ikalawang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod. Alinsunod ito sa ipinaiiral na Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Resolution 11 Series of 2020. Ayon sa City Health Office (CHO) ng SJDM, kasalukuyang naka-confine ang …
Read More »COVID 19 diagnostic test hindi pa rehistrado — FDA
WALA pang nakarehistrong COVID 19 diagnostic test na available sa publiko. Ito ang paglilinaw ng Food and drugs Administration (FDA). Ang polymerase chain reaction (PCR) based lab kits na donasyon ng World Health Organization – Research Institute of Tropical Medicine (WHO-RITM) na ginagamit sa kasalukuyan at ang na-develop na test kit ng University of the Philippines – National Institutes of …
Read More »16 sachet ng shabu kompiskado 8 kilabot na tulak timbog
ARESTADO ang walong hinihinalang notoryus na drug pushers kabilang ang apat na bigtime tulak na itinuturing na high value target (HVT) drug personality makaraang masakote ng mga operatiba ng Candaba Police Anti-illegal Drugs Enforcement Unit, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency-3 (PDEA-3) matapos ang sunod-sunod nilang inilatag na buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa bayan ng Candaba, …
Read More »Hazard pay sa frontliners hirit ng mambabatas
AGAD nanawagan si Senator Risa Hontiveros na mabigyan ng hazard pay ang ‘government frontliners’ na humsharap laban sa coronavirus disease (COVID-19). Tinutukoy ng senadora ang health workers, government service workers, sundalo, pulis at mga miyembro ng security force. Diin ni Hontiveros, malaki ang isinasakripisyo ng nasabing sektor kaya dapat silang ituring na mga bagong bayani para hindi na lumala pa …
Read More »Baguio City nasa ilalim ng community quarantine
INIANUNSIYO ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong nitong Lunes, 16 Marso, ang paglalagay sa Summer Capital ng bansa sa ilalim ng community quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Inilabas ang deklarasyon sa gitna ng paglaki ng bilang ng mga person under monitoring (PUMs) para sa COVID-19 sa kalapit na mga lalawigan at mga munisipalidad. Sa kabila …
Read More »14 COVID-19 kompirmado sa Makati — Mayor Abby
KINOMPIRMA ni Mayor Abby Binay na mayroong 14 positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod. Ngunit tumanggi ang alkalde na tukuyin isa-isa ang mga pasyente gayondin kung saang lugar sa Makati sa pangambang mag-panic ang kanilang constituents. Ayon kay Binay, sa kasalukuyan ay kanilang imino-monitor at ginagawa ang lahat ng paraan para gumaling sila. Ayon kay Binay, kalimitan sila ay mag-asawa, …
Read More »2 CoViD-19 patients nadagdag sa Maynila
NADAGDAGAN ng dalawa ang bilang ng kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila. Batay ito sa ulat ng Department of Health (DOH). Kabilang sa nadagdag sa kaso ang isang 23-anyos na babaeng residente ng Sta. Ana. Ang naturang babae ay nagtatrabaho sa isang salon sa Greenhills, San Juan City. Ang ikalawa ay isang 64-anyos babae mula sa Sta. Cruz na walang …
Read More »Virtual press briefing ipatutupad ng Palasyo
VIRTUAL press briefing ang idaraos ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa Malacañang Press Corps simula ngayon. Inihayag ito ng Office of the Presidential Spokesperson kahapon. Ibig sabihin, hindi na kailangan magpunta ni Panelo sa Malacañang bagkus ay maaaring sa kanyang bahay na lamang makapanayam sa pamamagitan ng video call. Naging kapansin-pansin na nakasuot na rin ng face mask si Panelo …
Read More »Duterte sa NPA: Ceasefire tayo (Social distancing hiling ni Digong)
HUMILING ng ceasefire si Pangulong Rodrigo Duterte sa New People’s Army (NPA) habang nararanasan sa bansa ang coronavirus disease (COVID-19). Sa kanyang public address kagabi nang ideklara ang Luzon-wide lockdown o enhanced community quarantine, nanawagan ang Pangulo sa mga rebeldeng komunista na sumunod sa social distancing sa pamamagitan ng pagdistansya sa mga sundalo o huwag umatake. Hirit ng Pangulo sa …
Read More »Social distancing, no touch policy mahigpit na ipatutupad sa Pangulo
MAHIGPIT na ipinatutupad ng Presidential Security Group (PSG) ang “no touch policy” at pananatilihin ang 10-meter distance sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng audience sa mga pagtitipon na kanyang dadaluhan. Para sa mga pribadong functions at meetings, tanging ang mga nagpasuri at negatibo sa COVID-19 ang papayagang lumapit sa Pangulo. Ang mga tao na hindi pa nagpapasuri ay …
Read More »Senator Migz Zubiri positibo sa COVID-19
INIHAYAG ni Health Secretary Francisco Duque III na positibo si Senador Miguel Zubiri sa coronavirus (COVID-19). Ikinagulat ni Duque ang pagkahawa ni Zubiri na ngayon ay naka-quarantine upang hindi mahawa ang kanyang asawa at anak. Nagtataka umano si Zubiri, sa kabila ng kanyang pag-iingat ay nahawa siya ng COVID-19. Pinayohan ng Senador ang mga kababayan na mag-ingat at uminom ng …
Read More »Kamara may 2nd covid 19 victim
MATAPOS mamatay ang isang empleyado ng Kamara kamakalawa, nagkaroon muli ng isa pang biktima ang Covid 19 sa Batasan Complex, iniulat kahapon. Ayon sa isang source, ang pangalawang biktima ay nagtatrabaho sa isang kongresista. Humingi ng panalangin ang mga kamaganak dahil malubha ang kalagayan ng pasyente. Sa kabila nito, hinimok ni Albay Rep. Joey Salceda na magkaroon ng ‘total lockdown’ …
Read More »