Saturday , December 6 2025

News

Pasay city mayor nagpasalamat sa community pantry organizers

PINASALAMATAN ng Pasay City local government unit (LGU) ang may mabubuting kalooban na nagtatayo ng community pantry sa lungsod dahil sa hangarin nilang makatulong sa mga kapos-palad na mga kababayan. Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano, ang pagpapakita ng kabutihang loob, tanda na buhay na buhay pa rin sa ating mga Filipino ang diwa ng bayanihan. Ang …

Read More »

Fake news ‘sinopla’ ni Patreng (Parlade desperado sa community pantry)

ISANG desperadong hakbang ang pag-uugnay sa kanya sa komunistang grupo o red-tagging, ayon kay Anna Patricia “Patreng” Non, ang promotor ng ‘Community Pantry movement.” Sa panayam kay Patreng sa The Chiefs sa One News kagabi, sinabi niyang masya­dong desperadong hakbang ang kumalat na video sa social media account ng Duterte Diehard Supporters (DDS) na isang Lady “Ka Shane” Miranda, tinukoy …

Read More »

P16-B naudlot na benepisyo, ng health workers babayaran (Duque nangako sa dialogue)

ni ROSE NOVENARIO NANGAKO si Health Secretary Francisco Duque III na kakalampagin ang Department of Budget and Management (DBM) para ilabas ang P16-bilyong budget na pambayad sa mga naantalang benepisyo ng health workers sa tatlong oras na dialogue sa tatlong malalaking unyon ng medical frontliners sa bansa noong Lunes. Ang virtual dialogue ay naganap batay sa liham ng Office of …

Read More »

2 tulak ayaw pahuli nang buhay, todas; 1 pa arestado sa buy bust

PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot samantala isa ang nadakip sa magkasunod na buy bust operations na ikinasa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang Martes ng madaling araw, 20 Abril. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga napaslang na suspek na sina Danilo Paiste at Raffy Reyes, kapwa mga residente sa …

Read More »

10 notoryus na tulak nalambat (Sa pinaigting na kampanya kontra droga ng PDEA3)

NADAKIP ang 10 hinihinalang mga talamak sa paggamit at sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga sa follow-up operations kaugnay ng pinaigting na kampanya ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA3) nitong Lunes ng gabi, 19 Abril, sa paligid ng entertainment district ng Balibago, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni Director Christian Frivaldo ang mga suspek na sina …

Read More »

Rider patay, 2 sugatan (Banggaan ng 2 motorsiklo)

PATAY ang isang 32-anyos rider habang kritikal  ang dalawa pa, nang magbanggaan ang sinasakyan nilang mga motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Agaw nalagutan ng hiningan si Paul Jerico Gamayon, residente sa Block 14, Lot 43, Mathew St., Phase 2, San Jose Del Monte, Bulacan. Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center Quezon City sanhi ng pinsala sa iba’t ibang …

Read More »

Sunugan ng bangkay sa Manila North Cemetery nasunog

NASUNOG ang isang single-storey crematorium facility  sa Manila North Cemetery, Martes ng madaling araw. Ayon sa Bureau of Fire Protection na umabot sa unang alarma ang sunog. Tinatayang aabot sa P20,000 ang pinsala ng sunog at wala namang nasaktan sa insidente. Sa ulat, nagsimula ang sunog sa kanang gitnang bahagi ng human incinerator crematory equipment. Patuloy na iniimbes­tigahan ang nangyari. …

Read More »

Operating Room Complex ng GABMMC, isinara

PANSAMANTALANG isinara ang Operating Room Complex ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Tondo, Maynila. Ayon sa Manila Public Information Office, kasama rito ang OR, LR-DR, NICU, High Risk Unit ng nasabing ospital. Isinara ang Operating Room Complex ng GABMMC simula 8:00 pm, nitong Lunes, 19 Abril, hanggang 8:00 am, ngayong Miyerkoles, 21 Abril. Layon nitong bigyang daan …

Read More »

Drug den sa Angeles City, Pampanga; 6 inginuso ng kabarangay, timbog  

ARESTADO ang anim na suspek na hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga makaraang ituro ng mga kabarangay at malambat sa entrapment operation ng mga operatiba ng Philppine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA3) nitong Lunes, 19 Abril, nang salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den sa Don Bonifacio Village Subdivision, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Kinilala …

Read More »

US ‘one ‘call away’ sa PH (Sa problema sa West Philippine Sea)

“ONE call away” lang si Uncle Sam kapag kailangan ng saklolo ng Filipinas laban sa pangangamkam ng China sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ni Philppine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babes” Romualdez, hinihintay ng US government ang tawag ng gobyerno ng Filipinas kung kailangan  ng tulong na paalisin ang mga barko na nakaparada …

Read More »

Red-taggers back off — Guevarra (Community pantry tinitiktikan)

ni ROSE NOVENARIO HAYAANG magpatuloy na yuma­bong sa bansa ang pagtutulungan at pagmamalasakit sa kapwa at huwag silang gipitin. Panawagan ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa mga awtoridad na inireklamo ng profiling, red-tagging o iniugnay ang mga promotor ng community pantry sa kilusang komunista. “Suffice it to say that a person voluntarily doing an act of kindness and compassion …

Read More »

Kalipikasyon para sa mga nais maging contact tracers binabaan

MANILA — Magandang balita ito para sa mga kababayan nating nagha­hanap ng trabaho. Batay sa anunsiyo ng Department of Interior and Local Government (DILG), ibinaba na ang kalipikasyon para sa mga nagnanais na mag-apply bilang contract tracer. Ito ay bilang hakbang ng pamahalaan na mapalawig at mapaigting ang insiyatibo ng sistema ng contact tracing sa bansa na mahalagang bahagi ng …

Read More »

Katawan ng babae natagpuang palutang-lutang sa Bataan

dead

PALUTANG-LUTANG na natagpuan ang katawan ng isang babae sa bay area ng bayan ng Morong, lalawigan ng Bataan, nitong Linggo, 18 Abril. Ayon sa mga imbesti­gador, nakita ang katawan, may 14.8 kilometro ang layo mula sa dalampa­sigan sa harap ng nuclear power plant. Ayon kay P/SSg. Michael Villanueva, imbestigador ng San Antonio police station, kinokompirma ng mga awtoridad kung ang …

Read More »

SUV nahulog sa irigasyon 7 bata, 5 pa patay, 2 sugatan

road accident

LABING-DALAWANG tao ang binawian ng buhay, na kinanibilangan ng pitong bata, nang mahulog ang sinasakyan nilang sport utility vehicle (SUV) sa isang irrigation canal sa lungsod ng Tabuk, lalawigan ng Kalinga, nitong Linggo ng gabi, 18 Abril. Sa inisyal na ulat ng pulisya, kinilala ang mga namatay na sina Remedios Basilio, Judilyn Talawec Dumayon, Jeslyn Dumayon, Shadarn Dumayon, Wadeng Lope, …

Read More »

Filipino-Vietnamese tiklo sa Pampanga (Lider ng criminal group lumilinya sa swindling)

NAARESTO ng mga kagawad ng Pampanga CIDG PFU, Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP), PIU-Pampanga PPO at San Fernando City Police Station ang suspek, na sinasabing lider ng criminal group na lumilinya sa bigtime swindling, sa kanyang hideout sa Brgy. Dela Paz, sa bayan ng Lubao, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon, batay …

Read More »

1,710 kilo ng smuggled bangus nasamsam sa Pangasinan (Mula sa Bulacan)

NAKOMPISKA ang 1,710 kilo ng bangus na nagmula sa lalawigan ng Bulacan na ipinuslit sa lungsod ng Dagupan, lalawigan ng Pangasinan at sinubukang ikalat at ibenta sa mga pamilihan. Ipinuslit ang mga bangus sa Sitio Calamiong, Brgy. Bonuan Gueset, sa naturang lungsod upang hindi mahuli ng mga empleyado ng City Agriculture Office at market marshals. Nabatid na plano itong isakay …

Read More »

4 tulak, 3 tomador timbog (Lumabag sa curfew at health protocols)

ARESTADO ang apat na hinihinalang tulak at tatlong iba pang naaktohang umiinom ng alak sa oras ng curfew sa sunod-sunod na police operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 19 Abril. Ayon kay kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang apat na drug suspects sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Station …

Read More »

2 rookie cops pinosasan ng mga kabaro sa target shooting

HINDI inakala ng dalawang bagitong pulis na ang ginawang target shooting ay magdudulot ng masamang pangitain sa kanilang buhay nang pagdadakmain at posasan ng mga kabaro sa Santor River, bayan ng Gabaldon, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 17 Abril. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon ang mga rookie cop na sina P/Cpl. Lawrence Natividad, nakadestino sa Manila …

Read More »

Sales lady pinagsasaksak ng holdaper

Stab saksak dead

MALALALIM na sugat at halos mabiyak ang katawan ng isang sales lady nang pagsasaksakin ng isang holdaper makaraang pumalag sa panghoholdap ng suspek sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Wala nag buhay nang idating sa Ospital ng Malabon (OsMa) ang biktimang  kinilalang si Maribeth Camilo-Goco, 47 anyos, residente sa Gen. Luna St., Brgy. Baritan, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang …

Read More »

Reimbursement ng PhilHealth sa private hospitals, aabonohan ng DBP

Philhealth bagman money

PABOR ang Palasyo na saklolohan ng Development Bank of the Philippines (DBP) ang PhilHealth sa pagbabayad ng reimbursement ng mga pribadong ospital upang makaagapay sa CoVid-19 pandemic. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi katanggap-tanggap na naaantala ang reimbursement sa mga pribadong pagamutan ng PhilHealth dahil ang pondong ito ang inaasa­han upang magpatuloy ang kanilang operasyon. “Talagang hindi katanggap-tanggap na …

Read More »

Netizens umalma vs harassment ng PNP sa community pantry

ni ROSE NOVENARIO MAAARING makialam ang mga awtoridad sa community pantry kapag may mga paglabag sa minimum health protocols gaya ng social distancing, ayon sa Palasyo. “Depende po kung mayroong pangangai­langan dahil panahon po ng pandemya. Kung magiging dahilan naman po iyan ng pagkukumpol-kumpol, siyempre po iyong mga lokal na pamahalaan baka kina­kailangan manghimasok. Just to make sure na safe …

Read More »