HABANG abala ang buong mundo sa paglaban sa pandemyang coronavirus disease (COVID-19), nalusutan ang dalawang pinakamalaking banko sa Asya ng isang international syndicate at ninakaw ang may $2.1 bilyon mula sa German payments company Wirecard AG. Napag-alaman, dalawang haragang empleyado ng BDO Unibank Inc., at Bank of the Philippine Islands (BPI) ang ginamit umano ng international syndicate upang gumawa ng …
Read More »Illegal Chinese clinic muling natuklasan
SINALAKAY ng mga tauhan ng Parañaque City Police at ilang opisyal ng Parañaque City government ang isa pang illegal clinic na ginagawang COVID-19 testing at nadakip ang isang Chinese national na nakompiskahan ng iba’t ibang uri ng gamot sa nasabing lungsod. Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang suspek na si Yongchun Cai, 51 anyos, namamahala ng illegal clinic na matatagpuan …
Read More »Go nagpaalala sa mamamayan na ‘wag kampante
PINAALALAHANAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang sambayanan na huwag magpakampante hanggang wala pang bakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni Go, hindi pa ligtas ang sambayanan sa pandemic habang patuloy ang gobyerno sa pagsisikap para maibigay ang mga serbisyong para sa bayan. Ayon kay Go, bilang mambabatas ay hindi niya lilimitahan ang sarili niya sa kanyang gawain sa lehislatura sa …
Read More »Caloocan barangay chairman todas sa ambush ng 6 armadong suspek
“TAYO ay nakikiramay sa naiwang pamilya ng ating kaibigan at patuloy nating ipanalangin ang hustisya at kaniyang katahimikan.” Ito ang malungkot na pahayag ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa pagkakapaslang kay Barangay Chairman Gally Dilao. Aniya, “Ang mga alaala at pagmamahal mo sa lungsod ng Caloocan, higit sa iyong mga taga-barangay ay mananatili sa aming mga puso. Maraming …
Read More »Babala ng DOH: Dexamethasone online selling mapanganib
NABABAHALA ang Department of Health (DOH) sa mga natanggap nilang ulat na may mga nagbebenta ng steroid drug na dexamethasone sa social media platforms bilang gamot umano para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa isang virtual press briefing, muling inilinaw ni DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi lunas sa COVID-19 ang dexamethasone at ibinabala ang paggamit sa naturang …
Read More »PUVs ‘di na sakop ng curfew hours (Mula 22 Hunyo 2020)
HINDI na sakop ng ipinatutupad na curfew ng iba’t ibang lokal na pamahalaan simula ngayon, 22 Hunyo, ang mga pampasaherong sasakyan o public utility vehicles (PUVs) batay sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolution No. 47. Batay sa IATF Resolution No. 47, mga tambay o “non-workers na lamang ang sakop ng curfew. “(Local government …
Read More »Balik-pasada ng PUVs aarangkada ngayon (Kalbaryo ng pasahero iibsan — Palasyo)
UMAASA ang Malacañang na matutuldukan ang kalbaryo ng mga pasahero sa pagbabalik pasada ng mga bus, modernong jeepneys, at UV Express simula ngayonng araw, 22 Hunyo. “Well, alam po ninyo siguro matatapos na iyong hinagpis natin sa kakulangan ng public transportation beginning June 22 po,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque kamakalawa. Kailangan aniyang ipatupad ang social distancing sa mga …
Read More »Badoy itinatwa muli ng Palasyo (Sa red-tagging vs aktibistang madre)
MULING itinatwa ng Palasyo ang pag-uugnay sa komunismo ni Communications Undersecretary Lorraine Badoy kay activist nun Sister Mary John Mananzan. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, walang kinalaman ang Presidential Communication Operations Office (PCOO) at siya bilang chief information officer ng Malacañang sa mga pahayag ni Badoy laban kay Mananzan. Bahala aniya si Badoy na patunayan o maglabas ng mga …
Read More »2 pasaway na rider nagbanggaan 6 sugatan
HINDI lamang sugat sa katawan ang pinsala ng anim katao sa banggaan ng dalawang pasaway na rider sa Binondo, Maynila kamakalawa ng madaling araw, kundi sasampahan din sila ng kasong paglabag sa ipinag-uutos na social distancing alinsunod sa Bayanihan Heal As One Act. Ang dalawang rider na nagbanggaan, kapwa may angkas, hindi lang isa kundi dalawa ay kinilalang sina Marc …
Read More »129 detainees sa Caloocan JCF, isasalang sa swab testing (Dahil sa PISTON 6)
NAGSAGAWA na ng swab testing ang pamahalaang lungsod ng Caloocan sa 129 detainees sa Caloocan City Jail Custodial Facility, makaraang magpositibo sa COVID-19 virus ang dalawa sa anim na miyembro ng Pinagkaisang Tsuper-Operators Nationwide (PISTON), na nakulong noong 2 Hunyo 2020. Ipinag-utos ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang swab testing sa mga inmate sa Custodial Facility, upang matiyak na walang …
Read More »2 arestado sa buy bust
DALAWANG hinihinalang tulak ng droga ang naaresto matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer sa ikinasang buy-bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na sina Alvin Lozano, 28 anyos; at Wilcris Perrando, 41 anyos, kapwa residente sa Barangay Tañong ng nasabing lungsod. Sa …
Read More »16 dayuhan arestado sa Makati bar
UMAOT sa 16 dayuhan ang hinuli ng mga operatiba ng Makati City Police dahil sa isinagawang mass gathering sa isang bar sa lungsod, nitong Miyerkoles ng hapon. Nasa kustodya ng pulisya ang mga suspek na sina Cedric Fowetfeih Nhengafac, 30; Ndipagbor Rayuk, 39; Christian Menkami Youmbi, 35; Ashu Cederick, 34; Nintedem Feudjio Bertrand, 30; Mekoulou Christelle Clemence, 30; Bernadette …
Read More »4 Bombero sugatan sa salpok ng truck
SUGATAN ang apat na fire volunteer mula sa Caloocan City nang banggain ng trailer truck ang sinasakyan nilang fire truck sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw. Binabaybay ng fire truck ng Execom Fire & Rescue ang United Nations (UN) Avenue patungong Taft Avenue nang salpukin ng 14-wheeler truck sa intersection ng San Marcelino St., 12:30 am. Tumagilid …
Read More »20 NCR barangay officials inirekomendang sampahan ng kaso sa Ombudsman
INIREKOMENDA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sampahan ng kaso sa Ombudsman ang 20 barangay officials sa National Capital Region dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ) protocols na ipinairal sa bansa dahil sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19) . “We want to send a message sa mga pasaway na barangay official that the …
Read More »Bike lanes sa Maynila hindi pa ligtas — Isko
PINAG-IISIPAN maigi ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang paglalagay ng bike lanes kasabay ng pag-amin na hati ang kanyang desisyon pagdating sa nasabing usapin para sa lungsod ng Maynila. Ayon sa punong lungsod, susunod siya kung magkakaroon ang national government ng bike lanes sa siyudad pero kung sa kanya iiwan ang pasya ay hindi niya ito gagawin dahil …
Read More »DOJ at Manila RTC isinailalim sa lockdown
WALANG PASOK ang mga empleyado ng Department of Justice (DOJ) habang inatasan ang lahat ng hukom at empleyado ng korte na nag-oopisina sa gusali ng Manila City Hall na sumailalim sa self quarantine, simula kahapon. Base sa inilabas na Department Order No. 152 ni Justice Secretary Menardo Guevarra noong Miyerkoles, suspendido hanggang 28 Hunyo ang lahat ng “on-site work” …
Read More »MeTC branches sa Manila city hall isinailalim sa lockdown
ISASAILALIM sa lockdown ang lahat ng Metropolitan Trial Court (MeTC) branches na matatagpuan sa Manila City Hall at Old Ombudsman Building gayondin ang Office of the Clerk of Court. Alinsunod ito sa awtoridad na ibinigay ng Office of the Court Administrator, Supreme Court at sa kautusan na natanggap mula kay Assistant Court Administrator Maria Regina Adoracion Filomena M. Ignacio …
Read More »2 paslit, 1 pa patay sa sunog (Pabrika ng plastik sa Antipolo natupok)
PATAY sa sunog ang dalawang batang may edad tatlo at pitong taong gulang, at isang 38-anyos makaraang magliyab ang isang pabrika ng plastik kamakalawa ng hapon, 17 Hunyo sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal. Sa ulat ng Antipolo City Fire Department, kinilala ang mga namatay sa sunog na sina Jade Cambronero, 3-anyos; Cyrus Andrei Geronimo, 7-anyos; at Jenny Tabon, …
Read More »‘Criminal negligence’ sa gitna ng Covid-19 pananagutan ng DOH (Sa pagkamatay ng 1,108 Pinoys)
DAPAT managot ang Department of Health (DOH) sa pagkamatay ng mahigit isang libong Filipino sa pandemyang coronavirus disease (COVID-19) dahil sa sablay at palpak na pagtugon sa krisis. Sa ilalim ng batas, ipinaliwanag na: “criminal negligence is a surrogate mens rea (Latin for guilty mind) required to constitute a conventional as opposed to strict liability offense.” Tinutukoy nito ang obhektibong pamantayan ng inaasahang asal o gawi ng mga …
Read More »Roque nag-sorry sa PhilHealth WHITE union
HUMINGI ng paumanhin si Presidential Spokesman Harry Roque sa mga kawani ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) na umalma laban sa “sweeping statement” na may mga ‘buwaya’ pa rin at talamak ang korupsiyon sa ahensiya. “Naku, I’m sorry po to the honest-to-goodness, matitinong tao po na nagtatrabaho sa PhilHealth. In fairness, napakaraming matitino po riyan, halos lahat matitino, mayroon lang …
Read More »Roque hugas-kamay sa pagpapabitiw kay Leachon sa NTF Covid-19 (‘Pambansang laway lang ako.’)
UPANG patunayan na wala siyang kinalaman sa pagpapabitiw kay National Task Force on COVID-19 special adviser Dr. Anthony “Tony” Leachon, tila hugas-kamay na tinawag ni Presidential Spokesman Harry Roque ang sarili bilang “pambansang laway.” “He (Leachon) is giving me too much credit, pambansang laway lang po ako, wala po talaga akong kapangyarihan na mag-compel sa kahit sino sa kanila na …
Read More »3 kelot pinagbabaril ng tinuksong ‘supot’
KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang tatlong kalalakihan matapos mag-amok at mamaril ang lalaking tinukso nilang ‘supot’ sa Barangay Corro-oy, sa bayan ng Santol, lalawigan ng La Union, noong Martes ng gabi, 16 Hunyo. Kinilala ni La Union Police Provincial Office (LUPPO) Information Officer P/Maj. Silverio Ordinado, Jr., ang suspek na si Mac Joel Obedoza, 30 anyos, at ang mga …
Read More »Pulis-Davao todas sa sariling boga
PATAY ang isang pulis matapos aksidenteng pumutok ang nililinis niyang service pistol noong Martes ng hapon, 16 Hunyo, sa labas ng kaniyang bahay sa Barangay Tubod, bayan ng Bansalan, lalawigan ng Davao del Sur. Kinilala ni P/Maj. Peter Glenn Ipong, hepe ng Bansalan police, ang biktimang si Patrolman Kim Lester Cosido, 27 anyos, nakatalaga sa Digos City police station at …
Read More »3 arsonists nasakote ng kasera
INIULAT ng Makati City Police na nahuli ang tatlong hinihinalang arsonists ng kanilang kasera nang tangkaing sunugin ang inupahang silid, sa Barangay Cembo, Makati City kahapon. Kinilala ang mga suspek na sina Gerald Derder Nierras, 27, ng 46 Miguel St., Barangay NBBN, Navotas City; Renalyn Martin, 37, ng Phase 1 Paradise, Tonsuya, Malabon City; at Eduardo Arpon, 38, ng …
Read More »761 OFWs mula Lebanon, UAE dumating sa bansa
NAKABALIK na sa Filipinas ang 761 overseas Filipino workers (OFWs) mula Lebanon at United Arab Emirates (UAE). Umabot sa 761 OFWs ang panibagong batch na nakauwi sa pamamagitan ng repatriation program sakay ng dalawang chartered flight. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), unang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang unang batch na binubuo ng 405 …
Read More »