NAGSIMULA nang maglabas ng lokal na pondo ang pamahalaang lungsod ng Navotas upang makompleto ang P8,000 Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP) 2nd tranche para sa 4,986 pamilyang Navoteño. Ang mga benepisaryo ay nakatanggap ng P3,000 bawat isa sa pamamagitan ng SAP-LOLO Program (Saklolo Para sa mga Navoteñong Kulang ang Natanggap na 2nd Tranche SAP mula sa DSWD-NCR). “Ito na …
Read More »Ad Hoc Committee binuo sa Kongreso laban sa pagtaas ng presyo ng gas
BINUO ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang ad hoc Committee para pag-usapan ang mga hakbang na maaaring gawin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ayon sa pinuno ng House Committee on Economic Affairs, Rep. Sharon Garin, pinangangambahan ang halos P5 pagtaas sa presyo ng gasolina sa mga darating na araw. “This assembly is critical because no one …
Read More »
Supporters na Caviteño hakot at bayaran
BINTANG NI REMULLA IRESPONSABLE, INSULTO SA KABABAYAN — LENI
IRESPONSABLE at insulto sa mga kababayang Caviteno ang bintang ng isang politiko sa lalawigan na hinakot at binayaran ang may 47,000 supporters na dumalo sa grand rally ni presidential aspirant, Vice President Leni Robredo sa Gen. Trias kamakailan. “Unang-una hindi ‘yun totoo, number two, very irresponsible ‘yung statements na ‘yun kasi wala naman pagbabasehan, at pangatlo, insulto naman ‘yun. Insulto …
Read More »
China ‘diyos’ ni Digong
PH ARBITRAL VICTORY ‘DI KAYANG IPATUPAD
ni ROSE NOVENARIO INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maipatutupad ng kanyang administrasyon ang 2016 arbitral ruling na pumabor sa Filipinas laban sa pangangamkam ng China sa mga teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS). “Just to remind everybody to stay cool, chill ka lang. Maybe it’s not in our generation maso-solve natin itong problema sa China. We …
Read More »Red-tagging ng kandidato at supporters, Election offense
ISANG election offense ang red-tagging o pagmamarka sa isang tao o mga grupo na sangkot sa komunistang grupo lalo na’t ginamit upang takutin at gipitin ang mga kandidato at mga tagasuporta. Babala ito ni retired Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon kasunod ng bintang ni Cavite Rep. Boying Remulla na ang mga nagpunta sa grand rally ni presidential candidate, …
Read More »Kusug Tausug, nangampanya sa Pampanga at NCR Muslim area
DALAWANG magkasunod na araw ang ginawang pangangampanya ng Kusug Tausug party list sa mga lugar na tinitirhan ng mga Muslim sa Pampanga, gayundin sa mga imam at ilang lider Kristiyano sa Kamaynilaan. Pinuntahan ni Kusug Tausug first nominee Representative Shernee Tan-Tanbut ang komunidad ng mga Muslim sa barangay Sto. Niño at San Rafael sa Guagua, Pampanga at mga lider-Muslim sa …
Read More »
Kapag nanalong alkalde
UTANG NG MAYNILA HINDI PAPASANIN NG MANILEÑO — LOPEZ
TINIYAK ni Manila mayorality candidate, Atty. Alex Lopez na kanyang tututulan at ibi-veto ang lahat o dagdag na buwis na pagtitibayin ng konseho ng lungsod ng Maynila. Ito ay sa sandaling mahalal siya bilang alkalde ng lungsod matapos ang magiging resulta ng halalan sa 9 Mayo 2022. Ayon kay Lopez, wala siyang balak dagdagan ang pahirap sa mga mamamayan ng …
Read More »Aga choice ni Defensor sa kanyang bioflick
I-FLEXni Jun Nardo SANAY na rin sa politics at showbiz ang QC mayoralty candidate na si Mike Defensor. Kaya naman nang tanungin kung sino ang gusto niyang gumanap bilang siya kung sakaling gagawin ang bio-flick niya, agad pumasok sa utak niya si Aga Muhlach, huh! Sa totoo lang, sa lawak ng experiences niya bilang public servant at pagtatrabaho sa gobyerno, sanay na …
Read More »Museum of the stars itatayo ni Defensor (‘pag nanalong mayor ng QC)
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGANDA kung matutuloy at mananalong mayor ng Quezon City si Partylist Representative for Anakalusugan Mike Defensor na maraming plano para sa entertainment industry. Ipinahayag ni Defensor nang makatsikahan namin ito sa Music Box sa Timog, QC na kasama sa plataporma niya ang pagpapalawak at pagpapalakas ng arts and entertainment sa QC lalo pa’t tinaguriang showbiz capital of the …
Read More »Tigasing senglot kalaboso sa paglabag ng Omnibus Election Code
NAWALA ang kalasingan ng isang lalaki nang ideretso siya sa selda ng mga awtoridad matapos arestohin dahil sa panghahabol ng saksak sa una niyang nakainuman sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 5 Marso. Sa ulat mula kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Eliseo Cammado, Jr., nahaharap sa kasong …
Read More »
Retrato ng chatmate bantang ikalat
‘PILYONG’ SEKYU KALABOSO SA CYBERCRIME
ARESTADO nitong Sabado, 5 Marso, sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, ang isang security guard matapos ireklamo ng isang babaeng pinagbantaan niyang ikakalat ang malalaswang larawan sa social media. Ikinasa ng mga tauhan ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS) ang entrapment operation sa Brgy. Matimbubong, sa nabanggit na bayan laban sa suspek na kinilalang si Alfredo Peralta, …
Read More »
Ilang araw nang palutang-lutang sa dagat
2 MANGINGISDA NASAGIP SA ILOCOS SUR
NAILIGTAS ang dalawang mangingisdang namataang palutang-lutang sa karagatanng bahagi ng Brgy. Nalvo, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Ilocos Sur, nitong Linggo ng umaga, 6 Marso. Nakita at nasagip ang dalawang mangingisda ng kapwa mga mangingisdang residente sa naturang barangay. Kuwento ng isa sa anim na mga mangingisdang sumagip, may nagwagayway ng damit sa kanilang direksiyon at nang kanilang …
Read More »
Sangkap sa paggawa ng IED nasamsam
MISIS NG ASG LIDER NASAKOTE SA JOLO
NADAKIP ng pulisya nitong Sabado ng gabi, 5 Marso, ang asawa ng isang hinihinalang lider ng Abu Sayyaf nang makuha ng mga awtoridad sa kanilang tirahan ang mga sangkap para sa pagbuo ng bomba, sa bayan ng Jolo, lalawigan ng Sulu. Kinilala ang suspek na si Nursita Mahalli Malud, pinaniniwalaang isang finance courier para sa teroristang grupo. Isinilbi ang search …
Read More »
Bulacan, nagkulay rosas
GOV. DANIEL FERNANDO TINAWAG NA ‘PRESIDENT’ SI VP LENI ROBREDO
GINANAP nitong Sabado, 5 Marso, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan ang pagtitipon-tipon ng mga ‘kakampink’ o mga supporters ng team Leni-Kiko na dinalohan ng dalawa para sa kanilang kanididatura sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ng bansa sa halalang gaganapin sa 9 Mayo 2022. Dumalo sa pagtitipon si Gob. Daniel Fernando at ilan pang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan. …
Read More »Robredo saludo sa Bulakenyo
ni ROSE NOVENARIO SUMALUDO si Vice President at presidential candidate Leni Robredo sa pagdagsa ng may 45,000 Bulakenyo sa grand rally nila ng kanyang tandem na si vice presidential bet Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at mga kandidato sa pagka-senador sa Malolos, Bulacan noong Sabado. “Grabe, Bulacan! Ginulat n’yo kami!” pahayag ni Robredo sa paskil sa Facebook. Inilahad niya na nagsimula …
Read More »
Sa Cavite
NETIZENS UMALMA SA PATUTSADA NI REMULLA SA RALLY NI ROBREDO
TINAWAG na ‘sinungaling’ at ‘desperado’ ng ilang netizens si Congressman Boying Remulla matapos nitong akusahan na ‘bayad’ at ‘komunista’ ang mga dumalo sa campaign rally ni Vice President Leni Robredo sa Cavite. Sinabi ni Remulla, kilalang tagasuporta ni dating Senador Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr., ‘hinakot’ at ‘binayaran’ ang halos 47,000 kataong dumalo sa “Grand Caviteño People’s Rally for Leni-Kiko” …
Read More »Walang illegal detention ng konsehal ng Quezon
TAHASANG sinabi ng isang criminal lawyer na walang ilegal sa naganap na detention sa isang konsehal ng Lopez, Quezon. Sa isang panayam sa DZXL ng batikang radio broadcaster na si Ely Saludar kay Atty. Merito Lovensky Fernandez ay sinabi nito na ang nangyaring pagkakakulong ni Lopez, Quezon Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde sa Pangasinan ay isang legal na pangyayari at hindi …
Read More »CBCP hindi neutral, magnanakaw at sinungaling kondenahin
NANINDIGAN ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi neutral ang kanilang hanay sa mga usapin sa politika. Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP public affairs committee, kinokondena ng Simbahang Katolika ang mga magnanakaw at sinungaling. “In the battle against evil, injustice, lies, etc., the Church has always been brave in expressing her stand — …
Read More »Proyektong mag-aangat sa Navoteños sinimulan
INIHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco, sinimulan nang tambakan at i-develop ng San Miguel Corporation ang mga palaisdaan sa Tanza, may kabuuang 343 hectares airport support services. Ayon kay Mayor Tiangco, isa itong proyekto na magbubukas ng napakaraming oportunidad sa trabaho at hanapbuhay na lalong magpapaangat sa buhay ng bawat Navoteño. Aniya, dito itatayo ang iba’t ibang airport support …
Read More »
P.2M shabu nasabat
6 DRUG SUSPECTS, TIKLO SA BUY-BUST
ANIM na bagong unidentified drug personalities (IDPs) kabilang ang dalawang babae ang naaresto matapos makuhaan ng halos P.2 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City. Ayon kay Malabon police chief, Col. Albert Barot, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz …
Read More »
Sirang propeller ginawa
MANGINGISDA TODAS SA INIP
WALA NANG BUHAY nang lumutang sa dagat ang isang mangingisda matapos sumisid nang magkaroon ng problema ang propeller ng kanilang bangkang pangisda sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Noli Sentilleces, 34 anyos, ng Ferry No. 5 Brgy., San Roque. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon nina P/SSgt. Levi Salazar at P/Cpl. Dandy Sargento, dakong 11:15 pm, …
Read More »
P.8-M shabu sa Kankaloo
LIDER NG “JAMAL CRIMINAL GANG,” 2 PA KALABOSO
SWAK sa kulungan ang dalawang drug suspects, kabilang ang lider ng “Jamal Criminal Gang” matapos makuhaan ng mahigit P.8 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operations ng pulisya sa Caloocan City. Sa ulat ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt. Col. Renato Castillo kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr., nakatanggap ang mga …
Read More »KADIWA sa QC Jail, inilunsad
INILUNSAD ang kauna-unahang KADIWA ni Ani at Kita o KADIWA CARTS project sa Quezon City Jail Male Dormitory. Ayon kay J/Col. Xavier Solda, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Public Information Officer, ang programa ay inisyatiba at pinangunahan ni Quezon City Jail Warden, J/Supt. Michelle Ng Bonto sa pakikipgatulungan ng Department of Agriculture (DA) at ng Quezon City Local …
Read More »Chinese national timbog sa baril at droga
HINARANG at hinuli ang isang Chinese national at Pinoy na bodyguard matapos pumasok lulan ng isang iniulat na carnapped vehicle, sa parking area ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) Building, sa nasabing lungsod Sabado ng gabi. Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Long Fei Yuan, 21, at Randy Obiar, 38, driver …
Read More »Motornaper sa QC, patay sa shootout
PATAY ang isang ‘motornapper’ makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District – Bagong Silangan Police Station (QCPD-PS13) nitong Sabado ng gabi sAa Brgy. Payatas ng lungsod. Sa ulat kay QCPD Director, P/Gen. Remus Medina, dakong 11:17 pm nitong Sabado 5 Marso 2022, naganap ang enkuwentro sa Mahogany St., Payatas Road, Brgy. Payatas, Quezon City. Sa ulat ni …
Read More »