Thursday , July 25 2024
dead gun police

Sa Nueva Ecija
MAGSASAKA TINAMBANGAN, TODAS

Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng apat kataong lulan ng motorsiklo sa Llanera, Nueva Ecija kamakalawa.

Kinilala ni Police Colonel Richard Caballero, provincial director ng Nueva Ecija PPO, ang biktima na si Elemito dela Cruz y Avendania, 55, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Casile, Llanera.

Sa mabilis namang pag-aksiyon kasunod ang isinagawang hot pursuit operation ay naaresto ng magkasanib na mga elemento ng Llanera MPS at PIU/PPDEU-NEPPO ang apat na suspek sa krimen na kinilalang sina Emmanuel Dayag y Ea; Efren Duyon y Ruz, Modesto Duyon y Ruz; at Jojo Rapadas y Natividad na nasukol habang papatakas sa Brgy. Bagumbayan, Llanera..

Ayon sa ulat, gabi ng Hulyo 8, habang nasa Brgy. Gomez sa nabanggit na bayan ang biktima ay pinagbabaril ng apat na suspek saka tumakas sakay ng motorsiklo pero kaagad nasakote ng mga awtoridad bago nakalayo.

Nasamsam sa mga suspek ang iba’t-ibang high power na mga baril kabilang ang isang Caliber 45 pistol, dalawang Caliber .30 Carbine at assorted magazine assemblies at mga bala.

Nahaharap ngayon sa mga kasong Murder at paglabag sa RA 10591 ang mga suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Llanera MPS. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bong Revilla Jr Denver Chua Jolo Revilla Cavite

200 + pamilyang biktima ng sunog sa Cavite City dinalaw ni Senator Bong

DINALAW ni Senator Ramon “Bong”Revilla, Jr., ang mahigit sa 200 pamilyang nasunugan sa Brgy. 5 …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Carina ulan baha

Klase suspendido sa Metro Manila at Cavite Province

SUSPENDIDO ang klase sa ilang paaralan sa Metro Manila at lalawigan ng Cavite dahil sa …

072324 Hataw Frontpage

POGO ‘TODAS’ KAY BONGBONG

“EFFECTIVE today all POGOs are banned.”                Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., …

Cruise Visa Waiver DOT DOJ Immigration

PH target maging tourist hub of Asia  
CRUISE VISA WAIVER INILUNSAD NG BI DOT, DOJ NAKIISA

PARA higit na palakasin ang turismo sa bansa, inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang …