Saturday , June 22 2024
Eric Buhain Miko Vargas Michael Ajido Swimming

Ajido, bungubung nanguna sa National tryout ng Luzon qualifying

PINANGUNAHAN nina National junior record holder sa 13-under class na si Jamesray Michael Ajido at World Junior Championship campaigner Amina Bungubung ang 15 batang swimmers na nakasikwat ng ‘provisionary status’ sa National Team na nakatakdang isabak sa 35th Southeast Asia Age Group Championship na nakatakda sa  Agosto 24-26 sa Jakarta, Indonesia.

Parehong miyembro ng Quezon City Buccaneers Swim Club sa ilalim nina coach Sherwin Santiago, nalagpasan nina Ajido at Bungubung ang qualifying time standard (QTS) sa kani-kanilang event sa pagtatapos ng National tryout Luzon qualifying na inorganisa ng World Aquatic-backed Philippine Swimming Inc (PSI) sa pamumuno nina pangulong Miko Vargas at secretary general Batangas Rep. Eric Buhain.

Ang 14-anyos na si Ajido, kumabig ng dalawang gintong medalya noong nakaraang edisyon ng SEA Age sa Kuala Lumpur, Malaysia, ay hataw sa boys 14-15 200m Individual Medley at 100m butterfly sa tyempong 2:14.33 at 57.46 segundo, ayon sa pagkakabanggit. Sinira niya ang QTS 2:14.83 at 58.43.

Inangkin din ng FINIS brand ambassador at may hawak ng mga pambansang rekord sa boys 13-under 50m butterfly (26.52), 100m fly (58.13), 50m backstroke (29.20) at 100mback (1:02.42) ang ginto sa 100m backstroke sa tyempong 1:01.73 ngunit nabigong malampasan ang QTS (1:01.30).

Samantala, si Bungabung, 16, miyembro ng 8-man PH team sa World tilt noong nakaraang taon sa Lima, Peru, ay nakakuha ng isa pang pagkakataon na mapabilang sa National Team sa kanyang pangunguna sa girls 16-18 50m freestyle sa 27.58 na binasag ang QTS set sa 27.69 . Bahagi rin siya ng koponan sa edisyon ng Jakarta.

Nagningning din ang kanilang mga kasamahan sa QBSC na sina Mishka Sy at Jalil Taguinod sa event na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at Speedo kung saan nalagpasan ng una ang QTS sa girls 16-18 200m fly (2:29.07) at 200m (2:29.86) sa tyempong 2:24.36 at 2:29.54, ayon sa pagkakasunod, habang ang huli ay nagtagumpay sa boys 16-18 50m breast (29.88) na pinahusay ang QTS na 29.89.

Nakakuha rin  ‘provisionary’ status sa squad habang hinihintay ang resulta ng Northern Luzon qualifying at Visayas tryouts na magkasabay na gaganapin sa July-21-23 sa Vigan, Ilocos Sur at Dumaguete, ayon sa pagkakasunod; gayundin ang Mindanao leg sa Digos, Davao Del Sur sa Hulyo 22-23 ay sina Prince Dave Calma (boys 16-18 200m back, 2:13.73 at 100m back, 1:00.32); Catherine Cruz (girls 14-15 200m free 2:13.15);

Lance Rafael Cruz (boys 16-18 200m breast, 2:25.08); Peter Cyrus Dean (boys 16-18 50m back, 27.97 at 200m back, 2:13.77); Ivo Nikolai Enot (boys 16-18 50mback, 28.07, 200m back, 2:12.62, at 100m back, 58.82); Aishel Evangelista (boys 11-13 400 IM, 4:57.80); Bea Mabalay (girls 16-18 200m breast, 2:45.62);

Estifano Ramos (boys 16-18 200m back, 2:10.64 and 100mback, 59.83); Patricia Mae Santor (girls 14-15 200m fly, 2:25.18; 200m breast, 2:50.11 at 400IM, 5:26.54); Arabella Taguinota (babae 14-15 100m breast, 1:15.57 at 50m breast, 34.16) at Jie Angela Talosig (girls16-18 400m free, 4:38.99).

“Mayroon na kaming 15 young swimmers na nalampasan ang QTS sa kani-kanilang event. We’re hoping, marami pa tayong mag-qualify sa tatlong natitirang tryouts. Pero for sure, we will send the best of the best in Jakarta, quality over quantity tayo,” sabi ni PSI president Miko Vargas, personal na nagbigay ng medalya sa mga nagwagi kasama sina secretary-general Eric Buhain, event organizer Chito Rivera at technical head Richard Luna. 

About Henry Vargas

Check Also

VINNY Marcos Volleyball FIVB men’s worlds

Vinny Marcos nanguna sa ceremonial launch ng 2025 FIVB men’s worlds

IPINAKITA ng anak ng Pangulo na si William Vincent “Vinny” Araneta Marcos ang pagmamalaki at …

Brazil nanaig vs Netherlands sa VNL Week 3

Brazil nanaig vs Netherlands sa VNL Week 3

PASAY CITY – Bumangon ang Brazil mula sa first-set loss para talunin ang Netherlands sa …

Team Seirin JCI Senate Lipa Open Rapid chess

Team Seirin dinala ni Cu sa tagumpay

Lipa City, Batangas — Nanguna ang Team Seirin sa open division ng JCI Senate Lipa …

Eric Buhain Anthony Reyes PAI

Hikayat ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI):
HOMEGROWN SWIMMERS, PINOYS ABROAD MAGPATALA, LUMAHOK SA NATIONAL TRIALS

HINIKAYAT ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang lahat ng mga homegrown swimmers at Filipino na …

philracom

2024 Philracom 2nd leg Triple Crown Stakes sa Father’s Day 

MANILA — Inihayag kahapon ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang 2nd Leg Triple Crown Stakes …