Friday , July 19 2024
arrest, posas, fingerprints

2 madulas na pugante swak sa kulungan

Nagwakas ang matagal na pagtatago sa batas ng dalawang lalaki na may mga kinakaharap na kaso sa hukuman nang maaresto ang mga ito sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Bulacan kamakalawa.

Ang akusadong si Vincent Paul Lanaria ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig ay naaresto ng tracker team ng Bulacan 2nd Provincial Force Company sa bisa ng Bench Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Sec,5 (B) ng R.A. 9262 sa Clark International Airport, Mabalacat, Pampanga.

Sumunod na naaresto ng mga tauhan ng Guiguinto MPS si Gallardo Romeo ng Balagtas, Bulacan  sa bisa ng Warrant of Arrest para sa krimeng Acts of Lasciviousness na nasukol sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Tabang, Guiguinto, Bulacan.

Napag-alamang matapos sampahan ng kaso ay naging madulas sa pagtatago ang dalawang akusado na masusi namang tinugaygayan ng mga awtoridad ang kanilang mga kilos hanggang tuluyan na silang naaresto.

Ang dalawang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unity/ station para sa nararapat na disposisyon.

Kasunod nito ay ipinahayag ni Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, na patuloy ang maigting na determinasyon na ipinapakita ng kapulisan sa pagtugis at madakip ang mga wanted na indibiduwal sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Collectors Con Year 2 Funkos The Block Atrium SM North EDSA

Collectors Assemble: Collectors Con Year 2 brings Exclusive Drops, Limited-editions and Supersized Funkos

Promising the ultimate collector’s adventure in the North, Collectors Con is back at The Block …

CPP PNP NPA

Miyembro ng CPP-NPA boluntaryong sumuko sa Bulacan police

ISANG miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang boluntaryong sumuko sa …

SSS Cellphone

SSS nagbabala sa miyembro at publiko sa mga pekeng alerto sa text

BINALAAN ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito at ang publiko na maging …

Arrest Posas Handcuff

  Kawatan sa coffee shop, timbog

DAHIL sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad ay kaagad naaresto ang isang lalaki na …

071824 Hataw Frontpage

Sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga
POGO ‘TORTURE DEN’ VIDEO FOOTAGES INILABAS SA PAGDINIG NG KAMARA

HABANG mainit ang galit ng mga mamamayan sa mga natuklasang ilegal na Philippine Offshore Gaming …