Wednesday , September 27 2023
Bulacan Police PNP

Sa Bulacan,
3 TULAK, 2 MANYAKIS NAKALAWIT

NADAKIP ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga at dalawang indibidwal na may kasong pang-aabuso nitong Sabado, 15 Hunyo, sa patuloy na pagsisikap ng pulisya na masawata ang kriminalidad sa Bulacan.

Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, naaresto ang tatlong suspek sa droga sa serye ng drug sting operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Pulilan at San Jose Del Monte C/MPS.

Kinilala ang mga suspek na sina Rommel Perez, Jeka Sumino, at Jessy Boy Cunanan na dinampot matapos makipagtransaksiyon sa mga operatiba.

Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang kabuuang walong pakete ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, at marked money.

Dinala ang mga nakompiskang ebidensiya sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) para sa naaangkop na pagsusuri habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 na nakatakdang isasampa laban sa mga suspek.

Samantala, inaresto sa bisa ng mga warrant of arrest ng tracker teams ng Pulilan at San Jose Del Monte C/MPS ang dalawang suspek na kinilalang sina Jose Mendoza sa kasong Acts of Lasciviousness, at Jeros Garbo sa kasong Qualified Statutory Rape.

Pansamantalang ikinulong sa Pulilan at San Jose Del Monte C/MPS custodial facilities ang mga suspek para sa dokumentasyon bago sila dalhin sa korte na naglabas ng warrant of arrest laban sa kanila. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …

Las Piñas City hall

Medical mission sa Las Piñas City 

ISINAGAWA ng Las Piñas local government unit (LGU) ang libreng serbisyong medikal. Kahapon nagsagawa ang …

nbp bilibid

Sa Bilibid, Munti
51 gramo ng shabu nabuking sa dalaw na bebot

HIGIT pang pinaigting ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kampanya kontra ilegal na droga at …

Kahit na-hacked
Serbisyo ng PhilHealth tuloy

INIANUNSIYO kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na patuloy pa rin ang kanilang operasyon, …

ltfrb

Bastos na driver,  may kalalagyan — LTFRB

INILUNSAD kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang malawakang kampanya laban sa …