Wednesday , July 24 2024
shabu drug arrest

Tulak swak sa buybust

BAGSAK sa kulungan ang isang tulak ng ilegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buybust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., ang naarestong suspek na si Julio Padua, Jr., 50 anyos, pedicab driver, residente sa Custodio St., Santolan, Malabon City.

Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa talamak na pagbebenta ng shabu ng suspek kaya ikinasa nila ang buybust operation sa pangunguna ni P/Cpt. Joel Madregalejo.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksiyon kay Padua ng P300 halaga ng shabu.

Nang tanggapin ni Padua ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakip ng mga operatiba sa harap ng Rusi sa M.H Del Pilar St., Brgy. Arkong Bato, dakong 7:00 am.

Nakompiska sa suspek ang apat na transparent plastic sachets na naglalaman ng tinatayang P34,000 halaga ng hinihinalang shabu, buybust money, P200 recovered money, coin purse, at cellphone.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Carina ulan baha

Klase suspendido sa Metro Manila at Cavite Province

SUSPENDIDO ang klase sa ilang paaralan sa Metro Manila at lalawigan ng Cavite dahil sa …

072324 Hataw Frontpage

POGO ‘TODAS’ KAY BONGBONG

“EFFECTIVE today all POGOs are banned.”                Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., …

Cruise Visa Waiver DOT DOJ Immigration

PH target maging tourist hub of Asia  
CRUISE VISA WAIVER INILUNSAD NG BI DOT, DOJ NAKIISA

PARA higit na palakasin ang turismo sa bansa, inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang …

Bulacan Police PNP

No. 1 MWP – City Level, 16 lawbreakers timbog

ARESTADO ng mga awtoridad ang anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, tatlong pinaghahanap …