Monday , July 14 2025
Rodrigo Duterte Willie Ong Erwin Tulfo

PRRD, Ong, at Tulfo pasok sa Magic 12 ng senatoriables

HINDI pa rin matawaran ang popularidad at tiwala ng taong bayan kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahilan upang mapanatili nito ang pagiging numero unong kandidato para sa 2025 Senate Race batay sa latest PAHAYAG 2023-Q2 survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia, Inc.

 Sa kabila ng bahagyang pagbaba ng popularidad mula sa 55% sa previous quarter na 51%, patuloy pa rin na si Duterte ang top-of-mind choice ng mga botante. Ipinakita rin sa survey results ang highlight sa strong performances ni Doc Willie Ong at ni Erwin Tulfo, na nagtabla sa ikalawa at ikatlong puwesto na may matibay na support base na 44% each. Ang kanilang papularidad ay parehong nagpakita ng malakas na appeal sa mga botante.

Sa fourth and fifth spots, lubos na maliwanag ang presensiya ng incumbent senators na tatakbong re-eleksyonista. Sina Senator Christopher “Bong’” Go at Senator Maria Imelda “Aimee” Marcos garnered 39% support, kapwa mabigat na kalaban sa darating na 2025 national and local elections.

Nagtabla sa 36% sina former Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at former Senate President Vicente “Tito Sotto” C. Sotto, nagpakita ng kanilang competitive standing in the race. Sa katulad, nagtabla sina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at former Senator Panfilo “Ping” Lacson, kasama ni Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro, sa 35% at 31%, respectively, at si former Presidential Spokesperson Harry Roque sa 25%, at saka nagbibigay-diin sa iba’t-ibang saklaw ng kandidato na nagpapaligsahan para sa Senate seats.

Sa karagdagan, ipinakita sa survey ang paglitaw ng pangalan ni former Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo at ni former Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa pinagnanasaang ‘Magic 12,’ sa iskor na 28% at 25% ng respondents’ support, respectively.

Nagbibigay ang survey results ng mahalagang insights sa kasalukuyang political landscape at sumasalamin sa mga kagustohan ng mga botante sa puntong ito.

Ang Pahayag 2023 Second Quarter Survey (PQ2) ay isang independent at non-commissioned survey na isinagawa ng PUBLICUS Asia Inc., sa pagitan ng 7-12 Hunyo 2023. Ito ay isang nationwide purposive survey na may 1,500 respondents randomly drawn mula sa isang market research panel sa mahigit 200,000 Filipino na napanatili ng PureSpectrum, isang US-based panel marketplace na may isang multinational presence na respondents, at distributed across five geographical area: National Capital Region (NCR), North Central Luzon (NCL), South Luzon (SL), Visayas and Mindanao. Tanging ang mga registered Filipino voters lamang ang kasama sa sample, upang matiyak na ang kalalabasan ng resulta ay tama sa damdamin ng voting population. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Dave Gomez Sharon Garin

Gomez, bagong Press Secretary Garin, itinalagang Energy chief  

IPINAHAYAG ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

dead gun

Tagayan nirapido ng tandem, napadaan na katagay patay

ISANG 25-anyos na lalaki ang namatay habang sugatan ang dalawang iba pa nang pagbabarilin ng …

Marikina

Marikina LGU suportado shoe industry ng bansa

MULA noon hanggang ngayon, suportado ng Marikina City local government unit (LGU) ang kabuhayan ng …

PAGASA Bagyo LPA

Sa loob at labas ng PAR  
3 LPS INAANTABAYANAN

MASUSING binabantayan ng ­Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tatlong low pressure …

Arrest Posas Handcuff

Illegal alien may patong-patong na kaso
Utol ng economic adviser ni Duterte inaresto

DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Chinese national na si Tony Yang, …