NAKATAKDANG maghatid ng tulong si Senate Majority Floor Leader Francis Tolentino sa mga mangingisdang Filipino sa Bajo de Masinloc matapos magpatupad ng fishing ban ang China kahit sa nasasakupang Exclusive Economic Zone ( EEZ) ng Filipinas. Ayon kay Tolentino magtutungo siya sa Zambales para mabigyan ng pangmatagalang livelihood program ang mga mangingisdang Pinoy sa nasabing lugar. Aniya hinaharang na ng …
Read More »Sa fishing ban ng China sa WPS
Magsasakang Pinoy may “Bagong Pagasa” sa pagsasabatas ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act
NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang grupo ng mga magsasakang Filipino nang ratipikahan ng Senado at Kongreso ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act noong nakaraang Miyerkoles, 22 Mayo 2024. Ayon kay AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones, bilang Principal sponsor ng Anti- Agricultural Economic Sabotage Act, wastong ratipikahan na ang nasabing batas sa Senado at Kongreso para lagdaan na ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” …
Read More »Mayor, mangingisda ng Masinloc, nagpapasaklolo sa Presidente at sa Speaker
HUMINGI ng tulong si Masinloc Mayor Arsenia “Senyang” Lim at ang mga mangingisda sa Zambales para makakuha ng malalaking bangka na maaaring pumalaot sa ibang lugar bukod sa Bajo de Masinloc kung saan ginigipit sila ng Chinese Coast Guard at militia. Ayon kay Mayor Lim, naging mapanganib para sa mga mangingisda ang pumunta sa Bajo de Masinloc o ang …
Read More »
Para sa firetrucks at emergency medical equipment,
P2.88-B PONDO NG DILG-BFP IPINALABAS NI PANGANDAMAN
INIUTOS ni Budget Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang agarang pagpapalabas ng kabuuang P2.880 bilyon sa Department of the Interior and Local Government – Bureau of Fire Protection (DILG-BFP) upang suportahan ang patuloy nitong pagsisikap sa modernisasyon at palakasin ang mga kakayahan ng pamahalaan sa paglaban sa sunog. Ayon kay Pangandaman, aprobado at pirmado na niya ang Special Allotment Release Order …
Read More »4th Watch nagluksa sa pagpanaw ng founder na si Apostle Arcenio Ferriol
NAGLUKSA ang buong Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch) sa pagpanaw ng kanilang founder na si Apostle Arsenio Ferriol. Ayon Kay Bishop Jonathan Ferriol, Deputy Minister ng PMCC, isa sa mga anak ni Apostle Ferriol, mabigat man sa kalooban pero kailangan tanggapin ang kaloob ng Diyos. Ang buong Pentecostal Missionary Church of Christ ay nagbibigay-pugay sa buhay ni Apostle …
Read More »Pagpapalago ng agri-tourism, isusulong ni Sen. Lito Lapid
INAARAL ngayon ni Senador Lito Lapid ang pagpapaunlad ng Agri-tourism sa bansa. Kasunod ito ng pagtalaga kay Lapid bilang pinuno ng Senate committee on tourism. Ayon kay Lapid, bilang magsasaka, isusulong nya ang pagpapalago at promosyon ng agrikultura sa pamamagitan ng turismo at maeengganyo pa ang mga kababayan natin na tangkilikin ang lokal na tourism destination. Sabi ni Lapid, ang …
Read More »
Wrong timing sabi ng consumer group
RENEWAL NG PRANGKISA NG MERALCO DARAAN SA BUTAS NG KARAYOM — SENADO
TINIYAK ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian, Vice Chairman ng Senate committee on energy na daraan sa butas ng karayom ang inihaing pagre-renew ng prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco). “These franchise renewals, my view always is that we have to use this opportunity to review the performance of the grantee. And that’s a good way of putting accountability to the …
Read More »Bagsik ni Aghon ihahasik pa bago lumabas ng PAR
HATAW News Team INAASAHANG titindi pa ang bagsik na ihahasik ng bagyong Aghon habang papalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) matapos ang walong pagbagsak mula nitong nakaraang Biyernes, 24 Mayo 2024, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Dakong 4:00 pm kahapon, si Aghon, may international name na Ewiniar, ay higit na nagpakita ng lakas bilang …
Read More »DOST, AIEC and NEA ink MoU to promote Energy Security in PH
The Department of Science and Technology (DOST), together with the Association of Isolated Electric Cooperatives (AIEC) and the National Electrification Administration (NEA), sealed today a collaboration through the signing of a Memorandum of Understanding that will harness the transformative potential of Science, Technology, and Innovation (STI) to drive progress and improve the lives of Filipinos. This initiative embarks on a …
Read More »
Sa maagang renewal ng prangkisa
‘ANGAL’ NG BDO vs MERALCO NAHALUNGKAT SA KAMARA
NAKATANGGAP ng isang sulat ang House committee on legislative franchise na naglalaman ng reklamo mula sa BDO-Unibank na naglalarawan sa oversized power ng Meralco kaugnay sa kabiguang makapag-supply ng koryente sa kompanya. Ang sulat na ipinadala ng Manjores and Manjores law firm na kumatawan sa BDO, ay tinanggap bilang isang documentray evidence at bahagi ng record ng komite na inaasahang …
Read More »
14.97 % WACC nanatili mula 2010
MERALCO FRANCHISE RENEWAL IBASURAv — SOLON
INISA-ISA ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez ang mga dahilan para ibasura ang panukalang renewal ng Manila Electric Company (Meralco) kabilang dito ang kabiguan ng kompanya na magbigay ng update sa weighted average cost of capital (WACC) na isa sa mga dahilan upang matukoy ang presyo ng koryente. Ayon kay Fernandez, Vice Chairman ng House Committee on Energy, pinagkalooban …
Read More »Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI
SINAMPAHAN ng kasong cyberlibel si public health advocate doctor Anthony Leachon kaugnay ng anila’y akusasyon nito laban sa kompanyang Bell-Kenz Pharma Inc sa National Bureau of Investigation (NBI) kahapon. Nabatid na inihain ang kaso sa tanggapan ng NBI Cybercrime Division sa Quezon City sa pamamagitan ng mga legal counsel ng Bell-Kenz. Sinabi ni Atty. Dezery Perlez, Bell-Kenz Pharma, Inc., legal …
Read More »Kamara aalma vs pag-aresto sa mga Pinoy sa loob ng PH EEZ
HINDI papayag ang Kamara de Representantes na hulihin ng pamahalaang Chinese ang mga Pinoy sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Filipinas. Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez hindi papayagan ang China na gawin ang pag-aresto. “The House of the Filipino People will not tolerate any arrests of our citizens or fishermen within our own Exclusive Economic Zone …
Read More »Karagdagang Shari’ah courts tagumpay ng Muslim Filipinos
MAGTATATAG ng mga karagdagang Shari’a court sa iba’t ibang rehiyon ng bansa sa labas ng BARMM ang nilalaman at layon ng panukalang batas ng bagong Senate Majority Floor leader na si Francis “Tol” Tolentino. Ang Shari’a courts ay mga hukuman na nakabase sa batas ng Shariah o Batas Islam. Ito ay karaniwang makikita sa BARMM na may mga Muslim na …
Read More »Minamadaling prangkisa ng Meralco kaduda-duda — Consumers’ group
NAGDUDUDA at nababahala ang isang consumer group sa tila minamadaling maagang renewal ng prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco) kahit sa 2028 po ito mapapaso o mawawalan ng bisa. Ayon sa United Filipino Consumers and Commuters (UFCC), hindi angkop sa panahong ito ang panukala lalo na’t marami ang reklamo ukol sa patuloy na pagtaas ng singil sa koryente. Sinabi ni …
Read More »
Para sa mga tsuper ng unconsolidated jeepneys
GOV’T AGENCIES DAPAT MAGLAAN NG ALTERNATIBONG KABUHAYAN
NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa mga concern agency ng pamahalaan ng agarang magbigay ng agarang alternatibong kabuhayan sa mga libo-libong jeepney drivers na nawalan ng kabuhayan kaugnay ng pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ayon kay Poe, ang mga training at trabahong oportunidad sa kanila ay dapat na matiyak na available, accessible, at flexible lalo sa mga …
Read More »Banta ng China na Pinoy hulihin sa WPS kinondena
ni Gerry Baldo MARIING kinondena ng grupong makabayan ang banta ng komunistang Tsina na hulihin ang mga Pinoy at iba pang lahi sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, ilegal ang binabalak ng Tsina at wala itong karapatang ipatupad ang ganitong regulasyon sa mga pinagtatalunang lugar sa karagatan ng …
Read More »Energy watchdog group kinuwestiyon maagang renewal ng Meralco franchise
KASUNOD ng pagkabahala, mariing kinuwestiyon ng Energy consumer advocacy group People for Power (P4P) coalition ang madaliang pagpapa-renew ng prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco) kahit sa taong 2028 pa ito mapapaso. Hinala ng P4P, ang madaliang pagpaparenew ng prangkisa ng Meralco ay may layuning pagtakpan o ibasura ang mga alegasyon at isyu laban sa kanila. “If we give Meralco …
Read More »
Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY
MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric Company (Meralco) — apat na taon pa bago mapawalang bisa ang prangkisa sa 2028 — kaya imbes ito ang itulak ay mas makabubuting sagutin ang mga kontrobersiyal na isyu ukol dito. Bukod kay Sta Rosa City Rep. Daniel Fernandez, na naunang nananawagan na huwag nang …
Read More »
Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO
HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing wiretapping ng Chinese Embassy sa Maynila sa isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command. Sa inihaing Senate Resolution No.1023 ni Tolentino, chairperson ng Senate special committee on maritime and admiralty zones, binigyang-diin nito na labag sa batas, para sa kahit sinong …
Read More »SHS graduates may libreng TESDA skills assessment sa 2025
MAKATATANGGAP ng libreng TESDA skills assessments ang mga Senior High School (SHS) sa ilalim ng Technical Vocational Livelihood sa taon 2025. Ayon kay TESDA Deputy Director General Aniceto Bertiz III, sa ilalim ng dalawang joint memorandum circulars na nilagdaan ng TESDA, DepEd, DOLE, at CHEd, ay matutugunan ang skills mismatch at employment gap sa SHS graduates. Layunin nitong mapondohan ang …
Read More »Unang nuclear power plant posibleng buksan at magamit pagsapit ng taong 2032 – DOE
POSIBLENG mabuksan at magamit ang kauna-unahang Nuclear Power Plant sa Filipinas pagsapit ng taong 2032. Ito ang sinabi ng Department of Energy (DOE) kasunod ng patuloy na pagtaas ng demand sa enerhiya ng bawat sambahayan at tumataas din na singil sa koryente. Ayon kay Energy Assistant secretary Mario Marasigan, pinipilit nilang matugunan ang compliance sa 19 infrastructure requirement na itinakda …
Read More »Higpit sa visa vs Chinese tourist ‘di dahil sa WPS tension – DFA
MARIING itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang patuloy na tensiyon sa West Philippine Sea (WPS) ang dahilan ng mas mahigpit na visa requirements para sa mga bisitang Chinese sa bansa. Ayon sa DFA, walang kinalaman ang nagpapatuloy na tensiyon sa naturang bahagi ng karagatan. Ang nagtulak sa ahensiya para pataasin ang requirements sa pagkuha ng visa ng …
Read More »Pagpapalawig ng MERALCO franchise tinutulan sa Kamara
MARIING tinututulan ng vice chairman ng House committee on energy ang maagang panukalang batas na inihain na naglalayong palawigan ang pagkakaloob ng legislative franchise para sa power distribution ng higanteng Manila Electric Company (Meralco) na nakatakdang magtapos ngayong 2028. Ayon kay Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, vice chairman ng House committee on energy, masyado nang kuwestiyonable ang mga hakbangin …
Read More »Pamilya Ko Partylist nais isulong bagong depinisyon ng pamilyang Filipino
MALAKI ang pagbabago ng pamilyang Filipino sa nakalipas na mga dekada. Kilala sa malapit na ugnayan nito at mainit na mabuting pakikitungo, ang pinakamaliit na yunit ng lipunang Filipino ay nailalarawang patriyarkal na awtoridad, konserbatibong pagpapahalaga, relihiyosong sigasig, at diwa ng pamayanan (bayanihan) — mga katangiang matutunton pabalik sa mga siglo ng kolonyal na paghahari. Ang tatak ng mga Pinoy …
Read More »