Monday , March 16 2026

Metro

Anak ng namayapang Rep. Acop wagi sa special poll sa Antipolo City

Philip Conrad Acop Comelec

IPRINOKLAMA si Philip Conrad Acop, anak ng yumaong si Rep. Romeo Acop, na dati rin police general, ng Commission on Elections (Comelec) bilang nanalong bagong kinatawan ng Antipolo City 2nd District nitong Linggo. Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia, iprinoklama nila ang nakababatang Acop nang makakuha ng botong 60,051 sa idinaos na special election sa Distrito nitong Sabado. Ani …

Read More »

Kuwintas pinitas
SECURITY ESCORT NI MAYOR ISKO, TODAS SA RIDING IN TANDEM

031626 Hataw Frontpage

HATAW News Team PATAY ang isang security escort ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila. Naisugod at sinubukan ng mga doktor sa Tondo Medical Center na isalba ang biktimang si George Capistrano, 56, isang retiradong pulis ngunit binawian din ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa ulo …

Read More »

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

Arrest Shabu

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang mga big time na tulak sa ikinasang buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Sto. Domingo, lungsod ng Quezon, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 11 Marso. Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, isinagawa ang operasyon dakong 3:10 ng madaling araw kahapon …

Read More »

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NBI NMIS

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat sa operasyong magkatuwang na ikinasa ng National Bureau of Investigation (NBI) at National Meat Inspection Service (NMIS), sa mga lungsod ng Makati at Pasay nitong Martes, 10 Marso. Bukod sa pagdakip sa mga suspek, ipinasara ng mga awtoridad ang kanilang plantang hindi rehistrado at walang …

Read More »

Task Force AGAP–QC OFW binuo ng QC-LGU para sa mga Pinoy sa ME

QC Middle East

BUMUO ang Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) ng isang special inter-agency task force para protektahan at tulungan ang mga QCitizen overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng tumitinding tensiyon sa Middle East. Sa pamamagitan ng Executive Order No. 5 s-2026, binuo ni Mayor Joy Belmonte ang Task Force AGAP–QC OFW (Assistance, Guidance, Advocacy, and Protection of QCitizen Overseas Filipino …

Read More »

Suspensiyon ipinataw ng LTO vs 12 driving school, instructors, dahil sa certificate irregularities

LTO Land Transportation Office

PINATAWAN ng suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang akreditasyon ng 12 driving schools at ang mga guro nito dahil sa iregularidad sa pag-iisyu ng sertipiko sa pagtatapos ng Practical Driving Course (PDC). Bukod dito, nagpalabas ng Show Cause Order  (SCO) ang LTO sa mga paaralan at mga gurong sangkot sa pamamagitan ng Central Accreditation Committee on Driving Schools and …

Read More »

2 LGBTQIA+ binaril sa ulo, patay

Gun poinnt

PATAY na nang matagpuan ang dalawang sinabing miyembro ng LGBTQIA+ na may mga tama ng bala ng baril sa ulo mula sa hindi kilalang salarin sa isang tambayan ng mga bisexual sa Quezon City, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktima na sina alias BJ, 33 anyos, walang asawa, jobless, residente sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, at Jeco, 30. …

Read More »

Fire Prevention Month sa Fire Extinguisher Distribution

Manila Hawkers

BILANG bahagi ng paggunita sa Fire Prevention Month, personal na namahagi ng mga fire extinguisher si Raffy Alejandro, Director ng Manila Hawkers Division, sa mga tindahang nagluluto ng kanilang paninda Layunin ng programang ito na mapalakas ang kahandaan sa kaligtasan ng mga vendors at maiwasan ang posibleng insidente ng sunog sa mga lugar na may aktibong pagluluto ng pagkain. Pinaalalahanan …

Read More »

Sa tawag sa E911: 
3 suspek sa pamamaril, dakip agad

911 Emergency Call

BUNGA ng mabilisang pagresponde ng Quezon City Police District (QCPD) sa sumbong mula sa Emergency 911, naaresto agad ang tatlong salarin sangkot sa pamamaril at pananaksak sa Barangay Holy Spirit sa lungsod. Sa ulat na nakarating kay QCPD District Director PBGen Randy Glenn Silvio, nakatanggap ng tawag mula sa Emergency Hotline 911 ang Holy Spirit Police Station 14 (PS 14) …

Read More »

Mahigpit na batas vs “repeat offenders” isinusulong ng QCPD

QCPD Quezon City

DAHIL sa “repeat offenders” o paulit-ulit na gumagawa ng krimen ang kadalasang naaaresto at nakalalabas sa pamamagitan ng pagpipiyansa, ang Quezon City Police District (QCPD) ay magsusumite ng panukala upang amyendahan ang mga batas laban rito. Sa isang press conference sa Camp Karingal, binigyang-diin ni Police Brig. Gen. Randy Glenn Silvio ang pangangailangang matugunan ang problema sa mga suspek na …

Read More »

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

Taguig NCCA Vista mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan ng ribbon-cutting ceremony at engrandeng paglulunsad sa Vista Mall Activity Center, na nagpasimula sa dalawang araw na pagdiriwang ng pagkamalikhain tampok ang iba’t ibang anyo ng kultura at komunidad sa sining, kasabay ng Pambansang Buwan ng Sining. Pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano ang seremonya kasama …

Read More »

Sangkot sa riot sa Tondo, 9 kabataan dinampot

Tondo Riot

NASAKOTE ng mga awtoridad ang siyam na menor de edad at isang 18-anyos suspek, matapos ang nag-viral na away-kalye sa kanto ng mga kalyeng Herbosa at Magsaysay sa Tondo, Maynila, nitong Lunes ng madaling araw, 2 Marso. Sa video na kumalat sa social media, makikitang tumatakbo ang grupo ng mga kabataang lalaki dakong 4:30 ng madaling araw na may bitbit …

Read More »

Lady rider patay sa trailer truck

Dead Road Accident

AGAD binawian ng buhay ang isang 58-anyos babaeng rider matapos magulungan ng trailer truck ang minamanehong motorsiklo sa Quezon City, nitong Lunes ng gabi, 2 Marso. Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, pauwi ang biktima sa lungsod ng Valenzuela mula sa kaniyang trabaho nang maganap ang insidente dakong 8:00 ng gabi kamakalawa sa EDSA-Cloverleaf, Barangay …

Read More »

Sa Cubao, QC
Kelot timbog sa bogang ibinongga

cal 38 revolver gun

ARESTADO ang isang lalaki nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng Unified 911 na may umaali-aligid na lantarang may bitbit na baril sa Cubao, Quezon City, nitong Lunes, 2 Marso. Sa ulat na isinumite kay Chief PNP P/Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., nabatid na dakong 12:47 pm kamakalawa, nang makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang 911 …

Read More »

PUV passengers 3 oras pinaghintay, LTFRB nag-isyu ng SCO vs bus company

SCO LTFRB A and B Liner

PINAGPAPALIWANAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasabay ng pagpalabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa A&B Liner, Inc. makaraang mag-viral na sapilitang pinaghintay nang mahigit sa tatlong oras ang mga pasahero sa isang terminal sa Muntinlupa City. Ang hakbangin ng LTFRB na pinamumunuan ni Chairperson Atty. Vigor D Mendoza II, ay bunsod ng viral post ng …

Read More »

Selos at poot ng ex-con sumiklab ‘maisan’ sa Intramuros nasunog

Intramuros Fire

PINANINIWALAANG selos at galit ng isang lalaking nahuli ang asawa sa piling ng iba ang dahilan ng malaking sunog na tumupok sa isang residential area sa Intramuros, Maynila, nitong Miyerkoles, 25 Pebrero, na nag-iwan ng daan-daang pamilyang walang masisilungan at pinsala sa ari-ariang nagkakahalaga ng tinatayang P1.5 milyon. Tinupok ng sunog na umakyat sa ikaapat na alarma, ang hindi bababa …

Read More »

Ayuda ng Caloocan LGU, idaraan na sa GCash

Along Malapitan Caloocan GCash Digital Excellence Award

SINIMULAN ng Caloocan City local government unit ang paggamit ng GCash para sa pagkakaloob ng serbisyong pagbibigay ng buwanang allowance sa mga Solo Parents, Senior Citizen Birthday Cash Gift, at Agapay sa Manggagawa. Kasabay nito, tumanggap ang Caloocan LGU ng Excellence in Digital Transformation Award at Palengke Digital Breakthrough Growth Award mula sa GCash Digital Excellence Award (GDEA) sa pakikipag-partner …

Read More »

3 Pakistani timbog sa pekeng drugs

3 Pakistani PDEA drugs

NADAKMA ng pinagsanib na mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office – National Capital Region (RO-NCR) at ng iba pang law enforcement agency ang tatlong Pakitani national na nakompiskahan ng mga pekeng gamot sa Parañaque City nitong Linggo ng hapon. Kinilala ang mga nadakip na sina alyas Waseem, 60 anyos; alyas Mohy, 54 anyos; at alyas Salman, …

Read More »

P200-M produktong tabako, manufacturing machines kompiskado sa Tanza, Cavite

P200-M Cigarettes manufacturing machines Tanza, Cavite

SA PATULOY na operasyon ng mga awtoridad laban sa nga ilegal na sigarilyo, nakompiska ng Bureau of Customs (BoC), katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Department of the Interior and Local Government (DILG), ang tinatayang nasa P200 milyong halaga ng illicit cigarette, manufacturing equipment, at raw materials, sa isinagawang joint inter-agency operation sa …

Read More »

Sa drug bust sa Baseco
P.5-M shabu nasabat, 6 arestado

Arrest Shabu

NASAKOTE ang anim katao kabilang ang tatlong nakatalang high value individual (HVI) habang nasamsam ang halos kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang magkahiwalay na anti-illegal drug operation na isinagawa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Police Station 13 sa Baseco Compound, Port Area, sa lungsod ng Maynila. Ikinasa ang mga operasyon sa pangangasiwa ni P/Lt. …

Read More »

Sa Valenzuela City  
SHABU LAB NADISKUBRE

Valenzuela City shabu lab

ISANG nakatagong shabu laboratory ang natuklasan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cavite Provincial Office, PDEA Regional Office-National Capital Region-Northern District Office, at Valenzuela City Police Station sa pamamagitan ng isang buybust operation sa isang high value drug personality sa Barangay Veinte Reales, Valenzuela City. Batay sa ulat ng mga awtoridad, dakong 4:15 ng madaling araw kahapon …

Read More »

Negosyanteng kidnap victim nasagip
Kidnappers natunton sa digital payment

Digital Payment Money

ARESTADO ang tatlong suspek at matagumpay na nasagip ng mga awtoridad sa lungsod Quezon ang isang lalaking negosyante matapos dukutin at ipatubos sa halagang P50 milyong ransom. Ayon kay Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) chief, P/BGen. Glicerio Cansilao, ligtas na ang biktima at kapiling na ang kaniyang mga kapamilya, habang nasakote ang tatlong suspek an kinilala sa mga …

Read More »

Nilagyan ng condiments para ‘wag mangamoy
Suspek sa Binondo ‘chop-chop’ body sa drum arestado

Binondo chop-chop body sa drum

NASAKOTE ng mga tauhan ng Pasay City Police ang isang 64-anyos lalaki na itinurong sangkot sa kaso ng ‘chop-chop body’ ng isang lalaki na inilagay sa drum at binudburan ng condiments bago ipinatapon sa mga basurero sa Binondo, Maynila, kamakailan. Sa ulat mula kay Pasay City Police Station (CPS) chief, P/Colonel Joselito De Sesto, madaling araw nitong Miyerkoles nang madakip …

Read More »

Minamanaheo ng Aviation police
Van umararo ng 14 motorsiklo, 12 driver, 9 backrider sugatan

Dead Road Accident

NAWALAN ng preno ang isang multi-purpose vehicle (MPV) na nagresulta sa pag-araro sa 14 motorsiklo na may 9 backrider at isang kotse, sa Cayetano Boulevard sa Barangay Tuktukan, Taguig City, gabi ng Lunes, 16 Pebrero. Itinakbo sa ospital ang 12 drivers at 9 backriders na pawang sugatan. Sa kuha ng CCTV ng Taguig Traffic Investigation Office, ang insidente ay naganap …

Read More »

3 suspek sa Mollenido slay sinampahan ng kasong Murder

Diane Marie Mollenido John Ysmael

DALAWANG bilang ng kasong murder ang inihain sa Quezon City Prosecutors’ Office laban sa tatlong suspek sa pamamaslang sa mag-inang Senior Master Sgt. Diane Marie Mollenido at anak na si John Ysmael sa Quezon City. Walang inirekomendang piyansa ang QC court laban sa mga akusadong mag-asawang Christian at Pia Katrina Panganiban at kanilang helper na si Gil Dy, Jr. Ang …

Read More »