PATAY agad ang isang ina, habang ang kanyang anim-buwan na sanggol ay binawian ng buhay sa ospital, nang sumalpok ang isang sports utility vehicle (SUV), minamaneho ng isang retiradong opisyal ng Philippine Army, ang kanilang bahay sa lungsod ng Tabuk, lalawigan ng Kalinga, nitong Sabado, 28 Mayo. Kinilala ang mga biktimang sina Claire Daluping, 39 anyos, kasambahay, at kanyang anak …
Read More »Sumalpok sa bahay
SJDM, Bulacan, nagbuhos ng malaking boto sa BBM-Sara
BILANG patunay sa kanyang pahayag, sinabi ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes na malaking boto ang ibinigay ng lalawigan ng Bulacan kina president-elect Ferdinand R. Marcos, Jr., at Vice president-elect Sara Duterte sa nakalipas na May 9, 2022 elections. Sa kanyang lungsod, 65 porsiyento ng boto ang nakuha ni Marcos na malaki nang mahigit 143,000 …
Read More »2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan
Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo matapos magkahamunan ng duwelo ang dalawa sa bayan ng San Isidro, lalawigan ng Leyte nitong Miyerkoles, 25 Mayo. Sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Candido Barda, 67 anyos, matapos mapaslang ang kaniyang kapitbahay na si Materno Ralia, 60 anyos, kapwa mga residente ng …
Read More »
Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY
Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng Ilagan, lalawigan ng Isabela, nang barilin ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo nitong Miyerkoles, 25 Mayo. Kinilala ang biktimang si Agnes Cabauatan-Palce, asawa ni Judge Ariel Palce ng Ilagan Regional Trial Court Branch 40, at internal audit manager ng Isabela Electric Cooperative 2 (ISELCO …
Read More »Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na
Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na sa Bulacan Infection Control Center ang huling pasyente na nagkaroon ng COVID nitong Huwebes, 26 Mayo. Nagsagawa si Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis kasama ang mga doktor, nars, at mga kawani ng pangunahing pasilidad na pang-COVID sa lalawigan ng munting send-off ceremony …
Read More »
Sa ika-3 araw ng SACLEO…
51 LAW VIOLATORS SA BULACAN PINAGDADAKMA
Sa pagpapatuloy ng ikatlong araw ng pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan PPO, sunod-sunod na nadakip ang 51 kataong pawang may mga paglabag sa batas sa iba’t ibang lugar sa lalawigan hanggang Huwebes ng umaga, 26 Mayo. Sa ulat kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, naaresto ang 25 suspek sa iba’t ibang …
Read More »
Sa Laguna
MENOR DE EDAD GINAHASA, CONSTRUCTION WORKER TIMBOG
Arestado sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person para sa kasong panggagahasa sa isang menor de edad, sa lungsod ng Sta. Rosa, lalawigan ng Laguna, nitong Miyerkoles ng umaga, 25 Mayo. Kinilala ni P/Col. Cecilio Ison, Jr. ang suspek na si Rodrigo Matalab, 54 anyos, may-asawa, construction worker, at residente ng Brgy. …
Read More »
Sa Ipil, Zamboanga Sibugay…
HOSTAGE TAKER PATAY SA MGA PULIS
Binawian ng buhay ang isang hostage taker nang barilin ng mga rumespondeng pulis nitong Lunes, 23 Mayo, sa bayan ng Ipil, lalawigan ng Zamboanga Sibugay. Kinilala ang napaslang na suspek na si Eduardo Andres, 42 anyos, walang trabaho, at residente ng Brgy. Loboc, sa bayan ng Tungawan. Namatay si Andres dahil sa tama ng bala ng baril na sa kanyang …
Read More »Antas ng tubig sa Angat Dam posibleng tumaas pa
Inihayag ng National Water Resources Board (NWRB) na posibleng tumaas ang antas ng tubig sa Angat Dam sa lalawigan ng Bulacan na nagsusuplay ng tubig sa buong Metro Manila. Dahil ito sa patuloy na nararanasang La Niña phenomenon o ang patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan sa Metro Manila at ibang lugar sa bansa. Ayon kay NWRB Executive Director …
Read More »
Sa Cabanatuan, Nueva Ecija
KILABOT NA KAWATAN, SWAK SA SELDA
Sa pagpapatuloy ng kampanya laban sa mga kriminal na pinaghahanap ng batas, nadakip ng mga tauhan ng Cabanatuan CPS ang No. 9 Most Wanted Person ng lungsod, nitong Martes, 24 Mayo. Sa ulat mula kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, dakong 11:00 ng umaga kamakalawa nang magkasa ang mga operatiba ng Cabanatuan CPS Manhunt Charlie …
Read More »“Sambigkis Laban sa Kriminilidad” inilunsad sa Laguna
Pomal na inilunsad nitong Martes nga hapon, 24 Mayo, ang Sambigkis Advocacy Support Group kasabay ng kauna-unahang general assembly ng grupo na dinaluhan ng Biñan CPS sa People’s Center, Brgy. Zapote, Biñan, Laguna na pinangunahan ng Station Community Affairs. Nagsimula ang kaganapan sa panawagan sa pangunguna ni Ptr. Gilbert Garcia, Biñan Pastor Movement. Isinagawa ang paglagda ng Memorandum of …
Read More »
Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM
PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang mga suspek nitong Martes ng umaga, 24 Mayo, sa Brgy. Bicol, bayan ng Tuao, lalawigan ng Cagayan. Kinilala ng Cagayan PPO ang napaslang na biktimang si Dante Blanza, 61 anyos, barangay chairman ng Sto. Tomas, sa nabanggit na bayan, habang ligtas ang kaniyang angkas na …
Read More »
Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA
NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng isang punong barangay sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan matapos tamaan ng pagsabog nitong Lunes bago maghatinggabi, 23 Mayo. Sa ulat mula sa San Ildefonso MPS, hinagisan ng granada ang bahay ng kapitan na si Allan Galvez sa Brgy. Alaga. Walang naiulat na …
Read More »6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo
ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing pawang mga mapanganib na personalidad sa pinaigting pang kampanya laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 23 Mayo. Sa ulat na ipinadala ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kay P/BGen. Matthew Baccay, PRO3 PNP regional director, nakatala ang anim …
Read More »
Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO
NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang nalasing sa inuman sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 23 Mayo. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Cresenciano Cordero, hepe ng Norzagaray MPS, kinilala ang suspek na si Glenn Solis, 27 anyos, isang guro, residente sa Brgy. Partida, sa nabanggit na bayan. …
Read More »
Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY
ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang motorsiklo ng isang baka sa bayan ng Bauan, lalawigan ng La Union. Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, nasa gilid ng kalsada ang baka at hinihila ng magsasaka. Huminto umano sa gilid ng baka ang rider saka nito sinipa ang huli na nakasakay pa sa kanyang …
Read More »
Sa Cavinti, Laguna
2 KAWATAN TIMBOG SA COMELEC CHECKPOINT
ARESTADO ang dalawang hinihinalang mga magnanakaw sa Commission on Elections (COMELEC) checkpoint na minamandohan nitong Lunes ng gabi, 23 Mayo, sa Brgy. Duhat, bayan ng Cavinti, lalawigan ng Laguna. Kinilala ni Laguna PPO director P/Col. Cecilio Ison, Jr., ang mga suspek na sina Ronilo Espinosa, isang tricycle driver, residente sa Brgy. 28, Kawal St., Caloocan; at Arnold Ilagan, isang promodizer, …
Read More »
Matapang kapag nakainom
SENGLOT TIKLO SA BOGA
NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaking nagtatapang-tapangan matapos ireklamo ng pagbabanta at pagpapaputok ng baril habang nasa impluwensiya ng alak sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 22 Mayo. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Bernard Pagaduan, hepe ng Marilao MPS, kinilala ang suspek na si Dindo Carballo, residente sa Brgy. Ugongm Valenzuela, na dumayo ng Marilao …
Read More »Tandem na HVT ng ‘Gapo nasakote P.4-M shabu nasamsam
ARESTADO ang dalawang nakatalang high value target (HVT), nakompiskahan ng higit sa P400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operations sa lungsod ng Olongapo nitong Linggo, 22 Mayo. Batay sa ulat ni P/Col. Carlito Grijaldo, acting city director ng Olongapo CPS, nagsagawa ang mga elemento ng CPDEU, PS3 SPDEU, at OCMFC ng anti-illegal drug operation sa loob ng …
Read More »
Umawat sa pagwawala tinaga
KAGAWAD SUGATAN, SA UTOL NA INUTAS NG REVOLVER
SUGATAN ang isang barangay kagawad matapos tagain ng nakababatang kapatid na kalaunan ay kaniyang nabaril at napatay dahil ayaw magpaawat sa pagwawala sa Brgy. Basak, bayan ng Cauayan, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Linggo, 22 Mayo. Kinilala ang kagawad na si Freddie Baballero, 51 anyos, tinaga ng kaniyang nakababatang kapatid na si Richard. Ayon kay P/Lt. Col. Roberto Indiape, Jr., …
Read More »
Sa Real, Quezon
7 PATAY, 23 SUGATAN SA NASUNOG NA RORO
PITONG pasahero ang namatay habang 23 ang sugatan nang masunog ang Mercraft 2, isang roll-on-roll-off (RORO) passenger vessel, may sakay na 135 katao, halos 1,000 metro ang layo mula sa pier ng Real, sa lalawigan ng Quezon nitong Lunes ng umaga, 23 Mayo. Ayon kay Philippine Coast Guard Public Affairs Office chief, Commodore Armando Balilo, inilabas ang paunang ulat na …
Read More »462 units ng pabahay ipinamahagi sa Marawi
PORMAL nang naipamahagi ang 462 permanenteng bahay sa mga benepisaryong nawalan ng tirahan noong 2017 Marawi Siege na matatagpuan sa Barangay Patani. Ang handover ceremony ay dinaluhan ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman at Department of Human Settlements and Development (DHSUD) Secretary Eduardo D. Del Rosario at iba pang opisyal. Naisakatuparan ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng Japan government …
Read More »Kelot na nanaksak ng trike driver, binaril ng pulis
DEDBOL ang isang lalaking nag-amok at nanaksak ng isang tricycle driver matapos barilin ng isang bagitong pulis nitong Sabado ng umaga, 21 Mayo, sa bayan ng San Pascual, lalawigan ng Batangas. Kinilala ang suspek na si Rolly Axalan, 45 anyos, residente sa nabanggit na bayan, habang ang nagrespondeng pulis ay kinilalang si Pat. Jonathan Wee Bacroya ng San Pascual MPS. …
Read More »
Sa Villaverde, Nueva Vizcaya,
BUNTIS NANGANAK SA POLICE PATROL CAR, NAGKOMADRONA
NAGSILBING mga komadrona ang mga pulis sa bayan ng Villaverde, lalawigan ng Nueva Vizcaya nang tulungan nilang manganak ang isang buntis na ihahatid sana sa ospital ngunit inabutan ng labor pain sa kanilang patrol car, nitong Linggo ng umaga, 22 Mayo. Magkakatuwang na tinulungan nina Pat. Jardin Paulo Galima at P/Cpl. Kennent Cabanilla, at ilang mga tauhang naka-duty sa Villaverde …
Read More »
Sa harap ng ama at tiyuhin
BINATILYO PINAGBABARIL, LEEG NILASLASAN PATAY
AGAD namatay ang isang binatilyo nang pagbabarilin ng anim na hindi kilalang suspek saka ginilitan sa leeg sa isang kalye sa Brgy. Nagsaing, sa bayan ng Calasiao, lalawigan ng Pangasinan, nitong Biyernes ng umaga, 20 Mayo. Ayon sa pulisya, agad binawian ng buhay ang 15-anyos biktima dahil sa anim na tama ng bala sa kaniyang katawan at mga laslas sa …
Read More »