sea dagat

Sa Batangas <br> RO-RO, BANGKA NAGKABANGGAAN 3 PASAHERO NASAGIP

NAKABANGGAAN ng isang roll-on-roll-off (Ro-Ro) passenger ferry ang isang bangkang de motor habang papadaong sa Batangas Port nitong Linggo ng umaga, 20 Nobyembre.

Ayon sa paunang ulat mula sa Philippine Coast Guard (PCG), sumalpok ang M/V Stella Del Mar, na pag-aari ng Starlite Ferries Inc., sa isang bangkang de motor 500 metro mula sa dalampasigang bahagi ng Brgy. Pagkilatan, sa lungsod ng Batangas, dakong 11:00 am kahapon.

Samantala, walang naiulat na nasaktan at agad na nasagip ng PCG ang tatlong pasahero ng bangka.