Saturday , July 27 2024
Sa Lumban, Laguna MAG-AMA TIMBOG SA DROGA

Sa Lumban, Laguna <br> MAG-AMA TIMBOG SA DROGA

ARESTADO ang dalawang lalaking napag-alamang mag-ama, sa ikinasang anti-drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Salac, bayan ng Lumban, lalawigan ng Laguna, nitong Sabado ng hapon, 20 Nobyembre.

Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Provincial director ng Laguna PPO, ang mag-amang suspek na sina Hector at Neil Llamanzares, nadakip sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Lumban MPS dakong 5:25 pm kamakalawa.

Narekober mula sa mga suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu, may timbang na 0.20 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P3,500; P500 buy-bust money; isang itim na coin purse: P500 drug money; at isang cellphone.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa Lumban MPS custodial facility at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …