Friday , April 25 2025

Front Page

2 bus sinilaban sa Pangasinan

DAGUPAN CITY – Muntik naabo ang dalawang Five Star Bus sa terminal nito sa Brgy. Tempra Guilig sa bayan ng San Fabian, matapos silaban ng mga armadong lalaki sa lalawigan ng Pangasinan. Ayon kay C/Insp. Roland Sacyat, hepe ng San Fabian PNP, dakong 6:45 p.m., may tumawag sa  himpilan  ng  PNP  upang iparating ang panununog sa mga bus. Agad nagresponde …

Read More »

DAP funds napunta rin kay Napoles

IPINAHIWATIG ng Palasyo na kaya sinuspinde ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagpapalabas ng pondo mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) para sa mga proyekto ng mga mambabatas, kasabay ng suspension sa Priority Development Assistance Fund (PDAF), ay dahil napunta rin ito sa mga pekeng non-government organization (NGOs) ni Janet Lim-Napoles. “‘Yung pagsuspinde po, sa aking pagkakaalala, ay around the …

Read More »

4-anyos nene ibinalibag ng tatay sa baldosa (Ulo nalamog nang husto)

ILOILO CITY – Kritikal sa West Visayas State University Medical Center ang 4-anyos paslit matapos ibalibag ng ama sa baldosa ng isang presinto sa lalawigang ito. Ang biktimang si Julie Ann Mae Capitania ng isla ng Guimaras ay nagkaroon ng malubhang pinsala sa ulo dahil sa dalawang beses na pagbalibag ng ama sa baldosa. Ang insidente ay nangyari sa police …

Read More »

COMELEC nagliyab (16 araw bago mag-election)

Nasunog ang bahagi ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila, kahapon. Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Manila Senior Fire Officer 4 Neni Santos, nasunog ang bahagi ng ikalimang palapag ng Palacio del Gobernador sa Maynila bandang 12:13 ng tanghali. Mabilis naapula ang apoy alas 12:20 nang agad makaresponde ang mga bombero. Wala pang pagtaya sa …

Read More »

Walang SK polls (Sinelyohan ng pirma ni PNoy)

NILAGDAAN na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang batas hinggil sa pagpapaliban ng halalan sa Sangguniang Kabataan sa Oktubre 28 ngayon taon. Kasabay sana nito ang barangay election. Ang nasabing batas na “An Act to Postpone the Sangguniang Kabataang Elections on October 28, 2013 Amending for the Purpose Republic Act 9340 and for other Purposes” ay naipasa ng Kongreso …

Read More »

Plunder vs GMA, ex-cabinet, Napoles (Sa P900-M Malampaya gas fund scam)

SINAMPAHAN ng kasong plunder ng Department of Justice (DoJ) sa Office of the Ombudsman sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ilang miyembro ng gabinete ng dating administrasyon, kabilang ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles kaugnay ng P900 milyon Malampaya gas fund scam. Kabilang sa sinampahan ng kasong plunder ay sina dating Executive Secretary Eduardo Ermita, dating Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman, dating …

Read More »

Dagdag-tulong sa magsasaka itinutulak ni Legarda

Sa gitna ng usapin sa mataas na presyo ng bigas, iginiit ngayon ni Senadora Loren Legarda ang pagpapalakas ng suporta sa mga magsasaka upang dagdagan ang pagkakataon ng mga itong mapalaki ang produksyon ng bigas. Ayon sa napapaulat na “Memorandumfor the President” ni Secretary Arsenio Balicasan ng National Economic Development Authority (NEDA) na may petsang 10 September 2013, isinumbong nito …

Read More »

DA mali ( NEDA kay PNoy )

Wala nang kompiyansa ang economic team ng administrasyong Aquino kapwa sa pahayag ni Department of Agriculture (DA) Sec. Proceso Alcala na sapat ang suplay ng bigas para sa taon ito at sa naiulat na planong pag-aangkat ng DA ng 100,000 metriko toneladang bigas, pagsisiwala nitong Martes ng abogadong si Argee Guevarra. “Bistado na, mabuti pang umamin nalang sila,” ayon kay …

Read More »

Grand welcome inihahanda kay 2013 Miss World Megan Young

IKINAKASA na ang grand welcome para kay 2013 Miss World Megan Young. Sinabi ni Miss World Philippines National Director Cory Quirino, isang grand homecoming ang mangyayari sa susunod na linggo para sa actress-breauty queen. Walong araw pa aniya bago makabalik sa Filipinas si Young. Paliwanag ni Quirino, kagabi ay agad lumipad ng London ang 23-year old beauty queen dahil kailangan …

Read More »

Megan Young itinanghal na first Pinay Miss World

MAKARAAN ang 63 taon, naiuwi na rin ng Filipinas ang inaasam na Miss World title matapos makoronahan kamakalawa ng gabi ang 23-year old Filipina beauty na si Megan Young. Ito ang kauna-unahang titulo ng Filipinas para sa prestihiyosong beauty competition bukod sa dalawang Miss Universe title, apat na Miss International, Miss Earth at Miss Supranational. Sa kanyang pagtanggap ng korona …

Read More »

Zambo siege tapos na — Roxas

MAKARAAN ang 20 araw mula nang lumusob ang grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF) Misuari faction, idineklara ng pamahalaan na tuluyan nang natapos ang pananalakay ng mga bandido sa lungsod ng Zamboanga. Idineklara ito ni DILG Sec. Mar Roxas kasabay ng parangal sa mga tropa ng pamahalaan lalo na sa mga nagbuwis ng buhay para sa kaligtasan ng Zamboanga. …

Read More »

Testimonya bago itumba si Napoles (Giit ni Senator Miriam)

MALAKI ang paniniwala ni Sen. Miriam Defensor Santiago na posibleng ipapatay ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile o ng iba pang sangkot sa pork barrel scam ang itinuturong utak na si Janet Lim Napoles. Sinabi ng senadora na dahil desperado na ngayon si Enrile, hindi malayong manganib ang buhay ni Napoles na siyang siguradong makapagdidiin sa mga sangkot. Kaya …

Read More »

Kung sapat bakit presyo’y mataas? (Loren sa DA at NFA)

KABUNTOT ng mga pagtitiyak ng Department of Agriculture (DA) ukol sa pagtatag ng presyo ng bigas pagkalipas ng tagsalat sa ani nito at ng mga pahayag ng National Food Authority (NFA) na sapat ang imbak nilang palay, pinagpapaliwanag sila ni Senator Loren Legarda kung bakit hindi bumababa ang presyo nito. “Ang sabi ni NFA Administrator Orlan Calayag noong isang linggo, …

Read More »

NFA Nagbida sa Zambo relief ops (Budget sa anniversary ibinigay sa evacuees)

TINIYAK ng National Food Authority (NFA) na sapat ang supply ng pagkain sa Zamboanga city sa kabila ng nagaganap na kaguluhan doon, sa pamamagitan ng aktibong pamamahagi ng bigas sa mga kinauukulang ahensiya at tanggapan ng pamahalaan sa nasabing lungsod. Dahil sa ginagawa ng NFA ay hindi gaanong nararamdaman ng umaabot sa mahigit 105,000 evacuees ang gutom at sa kabila …

Read More »

Agrikultura sinalanta ng P10-B pork barrel scam (Imbestigasyon ng Senado itutok)

SA PAGPAPATULOY ngayong linggo ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa Napoles pork barrel fund scam, nagpaalala si Atty. Ariel Genaro Jawid, abogado ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na ituon ng mga senador ang kanilang pagsisiyasat sa agrikultura, “ang sektor na may pinakamalaking pinsala dulot ng pagnanakaw ng P10 bilyong halaga ng pondo ng bayan kaugnay sa …

Read More »

PSC chairman, commissioner kinondena ng ALAM vs diskriminasyon sa tabloid reporters

ABUSADO, walang galang at hindi propesyonal ang dalawang opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa ipinaiiral nilang diskriminasyon sa mga miyembro ng media na regular na nagko-cover sa kanilang press conference. Inihayag ito ni Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap, matapos matanggap ang liham ng reklamo ni Danny Simon, sports reporter, laban kina PSC Chairman Ricardo Garcia …

Read More »

Stop waste, save rice isinulong sa kamara

Sanhi ng pagsirit ng presyo ng bigas sa gitna ng walang katiyakan sa suplay nito, magkatuwang na isinusulong ngayon ng Chairman ng Committee on Agriculture at ng Committee on Food Security sa Kamara de Representante ang pagpasa ng panukalang aampat sa paglobo ng nasasayang na bigas sa bansa na umaabot sa halagang P8.4 bilyon taon-taon. Nakatakdang ihain ng Chairman ng …

Read More »

Lolang bingi’t bulag, 4 pa nalitson sa sunog

PATAY ang 92-anyos lolang bingi’t bulag, isang babaeng amo at tatlong kasambahay sa magkahiwalay na sunog sa Bislig City, Surigao del Sur kamakalawa at sa Fernandez Street, Sta. Cruz, Maynila, Lunes ng umaga. Kinilala ang unang biktima na si Maxima Lim, residente ng Purok-3, Barameda Street, Riverside District, Bislig City, sinabing isang bingi’t bulag na senior citizen. Sa imbestigasyon, napag-alamang …

Read More »

‘Burn the house down’ ingatan ( Babala ng mga eksperto )

“Huwag natin sunugin ang ating bahay para makapaglitson lamang.” Matatandaang ito ang paalala sa bansa ng kilalang tagapagtaguyod ng Saligang Batas na si Fr. Joaquin Bernas hinggil sa maingay na usapin ng reproductive health habang papalapit ang halalan ngayon taon. Noong nagdaang mga araw, dalawa sa mga natatanging pantas sa agham pampolitika mula sa dalawang nangungunang pamantasan sa bansa – …

Read More »

Financier ng Zambo siege binubusisi ng Palasyo

PURSIGIDO ang Malacañang na mabatid kung sino ang financier ng grupo ni Nur Misuari na umatake sa Zamboanga City. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ito ang dahilan kaya iniutos ni Pangulong Benigno Aquino III ang imbestigasyon kung bakit mistulang hindi nauubusan ng ammunition o bala ang MNLF-Misuari group makalipas ang ilang araw. Ayon kay Valte, makikita na lamang …

Read More »

Totoy patay sa kuyog ng 5 Rugby boys

BACOLOD CITY – Patay ang 6-anyos batang lalaki matapos pagtulungang bugbugin ng rugby boys sa lungsod ng Talisay, lalawigan ng Negros Occidental. Binawian ng buhay si Joemarie Sarmiento ng Brgy. Zone 9, Talisay City bunsod ng malubhang sugat sa ulo matapos limang beses hatawin ng dos por dos na may pako, sinuntok ng tatlong beses sa mukha at tinalian ng …

Read More »

Batanes signal no. 4 kay ‘Odette’

ITINAAS ng PAGASA sa Signal No. 4 ang bagyong Odette sa Batanes Group of Island. Ayon sa PAGASA, lumakas pa ang bagyo sa taglay nitong hangin na umaabot na sa 205 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 240 kilometro bawat oras. Signal No. 3 naman sa Calayan at Babuyan Group of Islands, signal …

Read More »

Alcala umastang sanggano ( Gumawa ng eksena sa programa ni Tunying )

NANGANGANIB mabawasan ng isang kalihim ang gabinete ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III dahil sa hindi kaaaya-ayang inasal sa isang pang-umagang programa sa telebisyon kahapon. “Tandaan mo! Hawak ko ang bayag ko mula umaga hanggang gabi!” Malakas at paulit-ulit umanong sinabi ni Agriculture Secretary Prospero Alcala ang mga katagang ito sa aktibistang abogado na si RG Guevarra kahapon habang nagkakamayan …

Read More »