Tuesday , October 19 2021
Cynthia Villar, Mark Villar, Manny Villar, Crosswinds Tagaytay
MAKIKITA ang mga sasakyan ng mga dumarayo sa mga restaurants na pag-aari ng mga Villar na matatagpuan sa Crosswinds Tagaytay. Nag-aalala ang mga unit owners sa nasabing luxury resort na posibleng maging ‘super spreader’ ang pagdayo ng maraming tao kahit hindi unit owner sa nasabing real estate project.

Crossswinds Tagaytay luxury suites owners ‘nagoyo’ ng mga Villar (Health protocols grabeng nilalabag)

BULABUGIN
ni Jerry Yap

MARAMING ‘nagoyo’ ang Crosswinds Tagaytay na bumili ng unit/s sa kanilang mala-Switzerland ambiance na luxury resort.

        Ang Crosswinds Tagaytay ay pag-aari ng pamilya ni dating Senate President Manny Villar sa ilalim ng kanilang (mga) real estate company.

        Sabi nga, hindi na mapipigilan ang lalo pang pagyaman ng mga Villar dahil buong Filipinas yata ay mayroon silang real estate projects.

        No wonder na ini-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mark Villar bilang Secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH).          

        Mukhang mahusay talaga ang pamilya Villar sa build, build, build… hak hak hak!

        Pero seryoso po tayo sa angal o reklamo ng mga ‘nagoyo’ ng Crosswind Tagaytay na supposedly ay ‘luxury resort.’

        Umasa ang suite owners na magkakaroon sila ng privacy sa isang lugar na kung i-describe ng mga Villar ay: “…inspired by the architecture of Switzerland. Rows of picturesque chalets sit serenely on a lush terrain at one of the highest points of Tagaytay. Over 20,000 pine trees perfume the property with its sweet scent, further adding to the calm while the music of interweaving winds soothe the senses.”

Ang ganda no’ng “adding to the calm while the music of interweaving winds soothe the senses.”

E anak ng kamoteng “calm while the music of interweaving winds soothe the senses” ‘yan, hindi naman nangyayari ngayon ‘yan dahil tila naging isang tourist spot na ang Crosswinds.

Paanong hindi magiging tourist spot, aba e nagtayo ng mga restaurants na Napa At Crosswinds, Ruined Project, Cafe Voila, at Coffee Project na nilagyan ng iba’t ibang designs at gimmick na puwedeng magamit sa pagse-selfie or groupie ng mga dumarayong customer.

Sa panahon na walang pandemya, ang problema ng suite owners ay ang kanilang seguridad. Lahat kasi puwede nang pumasok lalo na kung pupunta sa mga nasabing coffee shop.

Pero ngayong panahon ng pandemya, ang problema ay ang malalang paglabag sa health protocols.

Kaya posibleng, may makapasok na carrier ng CoVid-19.

Ang dami na pong namatay at nahawa dahil sa iresponsibilidad ng mga nahawa ng CoVid-19 pero imbes mag-isolate ay pagala-gala pa. Marami ang nagsasabi na asymptomatic sila pero pagala-gala pa, imbes mag-isolate.

Nagtataka tayo kung bakit hindi kayang sitahin ng mga pulis, gayong ang alam natin ay mahigpit ang Tagaytay.      

        Heto pa, tuwing Lunes ay disinfection sa buong Tagaytay. Lahat ng establishment ay isinasara for disinfection pero ang Napa, Ruined Project, Cafe Voila at Coffee Project na pag-aari lahat ng mga Villar ay hindi sumusunod — lagi silang OPEN.

        May dine-in sila pero hindi rin sumusunod sa social distancing.

        Ay, talagang kakaiba sila!

        Paging Department of Tourism Secretary Berna Romulo Puyat, Madam, baka gusto ninyong pasyalan ang Crosswinds Tagaytay, lalo sa araw ng Lunes. Para naman ma-feel ninyo ang reklamo ng mga kabulabog nating may units diyan.

        Paki-check na nga po, at pakisumbong na rin kay Pangulong Digong.

        Puwede po ba?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

PLUNDER, GRAFT CASE VS BELMONTE, BLACK PROGANDA — ATTY. CASIMIRO

BALEWALA ay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang akusasyong ‘plunder’ at ‘graft’ na inihain laban …

Quezon City QC Joy Belmonte

Pagtaas ng amilyar pinabulaanan
RPT SA KYUSI MANANATILI

PINABULAANAN ng pamahalaang lokal ng Quezon City nitong Lunes ang mga pahayag ni Anakalusugan Partylist …

No Contact Apprehension Program, NCAP, Quezon City, QC, Traffic

Sa mga driver: Kung may disiplina, walang multa sa NCAP

BULABUGINni Jerry Yap INILUNSAD kamakailan ng butihing Quezon City Mayor Joy Belmonte ang “No Contact …

BI detainee ipina-deport kahit may pending RTC case?!

BULABUGINni Jerry Yap ANO raw kaya itong napipintong pasabog tungkol sa isang detainee ng Bureau …

101821 Hataw Frontpage

Exclusive: Pinay sa Kuwait patay sa ‘sadiki’ bday girl nag-suicide (Nalason sa selebrasyon)

HATAW News Team ISANG 26-anyos overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait ang na-comatose hanggang tuluyang …

Leave a Reply