Wednesday , December 8 2021
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Hawaan ng COVID sa QCPD TS 4 office, posible?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HINDI na nakapagtataka kung bakit maraming pulis-QC ang nahawaan ng CoVid-19.

Siyempre, isa sa dahilan ng pagkalat ng virus sa dalawang estasyon ng Quezon City Police District (QCPD) — public area ang estasyon.

Kapag public area, “in and out”  ang taongbayan sa estasyon bukod sa maraming huli ang mga operatiba. E, hindi naman sila dumaraan sa tamang protocol process — walang swab test lalo sa mga araw-araw na ipinapasok sa selda.

Kaya, dahil hindi naman isinasailalim sa swab test ang mga araw-araw na naaaresto maging ang mga pumapasok sa estasyon para magrereklamo, asahan na malaki ang posibilidad na kakalat ang virus sa estasyon.

Naunang nagkaroon ng maraming hawaan noong Hulyo 2021 sa QCPD Talipapa Police Station. Umabot sa 80 pulis ang nagpositibo sa CoVid-19 at katunayan nga niyan ay 51 sa kanila ang naitalaga pa sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sumunod– buwan ng Agosto 2021, ang  Fairview Police Station naman kung hindi ako nagkakamali.

Tulad ng naunang nabanggit, maaaring nahawa ang mga pulis ng CoVid-19 sa mamamayan  na “in and out”  sa estasyon – bukod sa maaari rin mahawa sa kanilang nadakip na kriminal. Hindi naman kasi sila sumasailalim sa swab test bago ipasok sa selda.

Ang nangyaring ito sa dalawang estasyon ay maaring maulit –  may posibilidad na mangyari ito sa QCPD Traffic Enforcement Unit (TEU). Bakit? Aba’y  siksikan na rin kasi ang mga pulis-traffic sa isang opisina o maliit na gusali.

Tinutukoy natin ang tanggapan ng Traffic Sector 4 na matatagpuan sa EDSA/Kamuning Road, Diliman Quezon City. Siksikan na rin kasi ang mga pulis na nakatalaga rito.

Dati-rati maluwag ang Traffic Sector 4, pero ngayon ay hindi na – mala-sardinas na rin sila sa loob ng ahensiya.

Sumikip at tila nagsisiksikan sa Sector 4 simula nang palabasin sa compound ng QCPD General Headquarters sa Camp Karingal ang District TEU – ang mother unit ng traffic sectors.

Nang palayasin sa Kampo ang District TEU, wala silang choice kung hindi makipagsiksikan sa maliit na opisina ng Sector 4. Nakipagsiksikan sila sa Sector 4 dahil wala naman nakahandang paglilipatan – hanggang ngayon.

Kaya ang resulta, sumikip at parang nasa loob ng lata ng sardinas ang pulis natin sa Sector 4… dalawa kasing dibisyon ang nag-oopisina – ang orihinal na Sector 4 at ang District TEU.

Siyempre, ano pa nga ang ini-expect mo na maaaring mangyari – hawaan kapag may nakalusot na CoVid-19 carrier – mga iniimbestigahan na nasangkot sa banggaan.

Pero, mabuti na lang at alisto ang hepe ng DTEU, kahit sobra ang bilang nilang nag-oopisina sa Sector 4 ay kanyang ginawan ng paraan para maiwasan ang magkaroon ng CoVid-19 sa opisina.

Linis dito, linis doon at disinfect dito, disinfect doon ang ginagawa nila habang iyong mga sangkot sa banggaan na iimbestigahan ay tanging driver ang pinapapasok.

Sa labas na lamang maghintay ang mga kasamahan – may dalawang inilaan na tent para sa kanila.

Ngunit, sapat ba ang nasabing paraan para maiwasan ang posibilidad na pagkalat ng CoVid-19 sa Sector 4? Maaring makatulong pero hindi seguradong na safe…malaki ang posibilidad na magkaroon ng hawaan dahil sa dalawang yunit ang nag-oopisina sa maliit na espasyo.

Hindi ba dapat, bago pinalayas ang DTEU sa Karingal ay tiniyal muna ang opisinang paglilipatan sa DTEU at hindi iyong bahala kayong maghanap ng opisina o makipagsiksikan sa Sector 4?

PNP Chief, Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, Sir,  isa sa programa ninyo ay malinis na tanggapan ng pulisya – bagamat pisikal na malinis naman ang Sector 4 pero, paano naman ang kalagayan ng mga pulis natin dito? Siksikan sila, kaya ang puwedeng maging resulta  ay madaling magkahawaan kapag may nakalusot na carrier.

Tulungan natin ang mga pulis na nasa Sector 4 office bago maging huli ang lahat Sir. Kapag manatili ang kalagayan nila, maaaring maulit ang nangyari sa dalawang estasyon.

About Almar Danguilan

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Balik-trabaho na tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA GITNA ng sadsad nating ekonomiya – napuruhan at …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Kids bawal mangaroling… online na lang, mas malaki pa’ng kita

AKSYON AGADni Almar Danguilan FEEL NA FEEL n’yo na ba ang Pasko? Brrrr…palamig nang palamig …

Bulabugin ni Jerry Yap

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Dragon Lady Amor Virata

Christmas party, yes na yes!

Isumbong mokay Dragon Ladyni Amor Virata MAGANDANG balita ito sa mga nagsasagawa ng family reunion …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Talas ng Little Mayor

PROMDIni Fernan Angeles MINSAN pa’y pinatunayang walang panamang tibay ng anumang estruktura kapag pinamahayan ng …

Leave a Reply