Tuesday , April 8 2025

Front Page

Delfin Lee arestado sa P7-B Syndicated Estafa

IKINULONG na sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility sa San Fernando City, Pampanga ang negosyanteng si Delfin Lee na nahaharap sa kasong P7 bilyon syndicated estafa. Batay sa commitment order ng korte, doon muna mamamalagi si Lee hangga’t hindi nareresolba ang usapin sa mosyon ng kanyang kampo. Nauna rito, hindi pinayagan ng korte ang hiling ng kampo ng …

Read More »

Koreano tumalon sa condo, dedo

BIYAK ang ulo at nagkalat ang utak ng isang 35-anyos Koreano nang mag-ala superman na tumalon mula sa 24 floor ng condominium sa Mandaluyong City kahapon ng umaga . Kinilala ng Mandaluyong PNP ang biktimang si Han Jack Young, musician, nakatira sa unit 240 C, G.A. Tower-1, EDSA corner Boni Avenue, Brgy. Malamig sa lungsod. Ayon kay Han Jung Ah, …

Read More »

Bank accounts na-withdraw na ni Napoles?

SINASABING na-withdraw na ni Janet Lim Napoles at naitago ang mga laman ng kanyang bank accounts bago pa man mag-isyu ng freeze order ang Court of Appeals (CA) sa Manila Regional Trial Court. Ayon sa ulat, mas maliit na ang halaga ng bank accounts ni Napoles mula sa kanyang P10 billion pork barrel transactions. Sa 11 bank accounts na hawak …

Read More »

Omb kinalampag sa Graft vs Banayo (Sa isyu ng rice smuggling)

  NAGPAHAYAG ng suporta ang iba’t ibang grupo hinggil sa panukala ni Sen. Alan Peter Cayetano na pagtatayo ng special court, na maglilitis  ng plunder at iba pang kasong katiwalian na kinasasangkutan ng mga opisyal sa pamahalaan. Sa kabila nito, marami sa mga concerned citizen na lumalaban sa katiwalian ang nagpahayag na rin ng pagkainip sa mabagal na pagkilos ng …

Read More »

Meralco i-contempt — Solon (Bayad sa deferred bill tinanggap)

HINDI kontento si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa naging desisyon ng Meralco na i-refund na lamang sa mga kostumer nila ang sobrang nasingil sa consumers. Ayon sa mambabatas, dapat papanagutin ang Meralco sa ginawang paglabag sa temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng Supreme Court na nagsasabing huwag munang ipatupad ang dagdag singil. Dahil dito, idiniin ni Colmenares na …

Read More »

P30-M Shabu kompiskado bigtime tulak arestado

ARESTADO sa isang buy bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang drug pusher na kinilalang si Muhammad Salih sa parking lot ng grocery store sa Congressional Ave., Brgy. Bahay Toro, Quezon City. Tinatayang P30 milyon halaga ng shabu ang nakompiska sa suspek. (ALEX MENDOZA) NAARESTO ng mga operatiba ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang …

Read More »

Business empire ng Indonesian tycoon sa PH target ng Palasyo (Batay sa artikulo ng kolumnista)

PAIIMBESTIGAHAN ng Palasyo ang posibleng paglabag sa Saligang Batas ng pagtatayo ng emperyo ng negosyo sa bansa ni Indonesian tycoon Anthoni Salim. Reaksyon ito ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., sa pagbubulgar ng kolumnistang si Rigoberto Tiglao hinggil sa pagkontrol ni Salim sa pangunahing mga industriya sa Filipinas, kabilang ang public utilities tulad ng Manila Electric Company (Meralco), Maynilad, at …

Read More »

PORMAL na tinanggap ni HATAW publisher at Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap mula kay Rodel Fernando, assistant secretary ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Inc., ang Certificate of Nomination bilang Darling of the Press para sa gaganaping 30th PMPC Star Awards for Movies 2014 sa darating na Linggo, Marso 9 sa Solaire Grand Ballroom, 1 Asean Avenue, …

Read More »

90,000 PCOS ibebenta ng Comelec (Kahit may nakabinbing election protests)

SA tambol mayor na lang maghahabol ang mga kandidatong may nakabinbing electoral protest kapag natuloy ang plano ng Commission on Elections (Comelec) na ipagbili ang 90,000 precinct count optical scan (PCOS) machines na ginamit sa nakalipas na dalawang automated elections sa bansa. Sa compact flash card na nasa PCOS machine nakalagay ang detalye ng naging boto ng bawat kandidato at …

Read More »

Senglot nawalan ng tsinelas binti’t paa ng kapitbahay kinatay

ISANG 32-anyos lalaking lasing ang nakapiit at nahaharap sa kasong  frustrated murder matapos niyang katayin ang paa at binti ng isang kapitbahay na pinagbibintangan niyang nagnakaw ng kanyang tsinelas sa Malabon City,  kamakalawa ng gabi. Hanggang sa loob ng himpilan ng pulisya ay hinahanap ng suspek na si Pablo Candido ang kanyang nawawalang tsinelas, matapos maaresto nang pagtatagain ang paa …

Read More »

Mar Roxas-Kris Aquino manok ng Palasyo (Ilalaban sa Jojo Binay-Vilma Santos sa 2016)

HINDI itinanggi Malacanang ang posibilidad na ang tambalang Mar Roxas-Kris Aquino ang makasasagupa ng Jojo Binay-Vilma Santos tandem sa 2016 elections. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, abala sa kanyang trabaho bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Roxas  at nabalitaan lang ng Palasyo ang paglutang ng Roxas-Aquino sa 2016 sa pitak na lumabas sa isang …

Read More »

DQ kay Erap resolbahin na (Giit sa Korte Suprema)

KAILANGAN ilabas na ng Korte Supema ang desisyon sa disqualification case laban kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada upang lubos na maipatupad ang mga repormang magpapaunlad sa lungsod. Ito ang panawagan sa Kataas-taasang Hukuman ng mga opisyal ng barangay at grupong sumusuporta kay Estrada. Naniniwala silang tanging ang pasya ng Korte Suprema sa disqualification case laban kay Estrada ang magbubura …

Read More »

Lolo’t lola natagpuang patay sa banyo

TADTAD ng pasa sa katawan at duguan ang mag-asawang matanda nang matagpuan ng kanilang 14-anyos apo sa loob ng banyo sa Mabuhay City Subdivision, Brgy. Mamatid, Cabuyao. Cabuyao, Laguna, kahapon ng madaling-araw. Sa report ng pulisya, ayon sa salaysay ng apo na hindi na pinangalanan, nagising siya sa lakas ng tulo ng tubig sa gripo sa banyo kaya tiningnan niya …

Read More »

5 araw ultimatum sa Meralco (February bill ipaliwanag)

LIMANG araw na ultimatum ang ibinigay ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Manila Electric Company (Meralco) para ipaliwanag ang ibinigay nilang billing statement nitong Pebrero. Kinompirma ni Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte, limang araw ang ibinibigay ng ERC sa Meralco para magpaliwanag. Una nang binatikos ng mga consumer ang hakbang ng Meralco na nagdulot ng kalituhan. Sinabi ni Valte, batay …

Read More »

Mayor buhay sa ambush patay sa atake sa puso

HINDI napuruhan ng mga nanambang pero hindi rin nakaligtas sa kamatayan ang alkalde ng Maitum, Sarangani Province, nang siya ay atakehin nitong Biyernes ng gabi. Kinompirma ni Sr. Insp. Arnold Montesa ng Maitum PNP, patay na si Mayor George Perrett, matapos ideklara ni Dr. Johnson Wee ng Elizabeth Hospital, General Santos City, dakong 2:50 madaling araw, kahapon. Una rito, nasugatan …

Read More »

Zambo judge todas sa ambush

ZAMBOANGA CITY – Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa pribadong ospital ang isang judge matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek dakong 8 a.m. kahapon, ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay sa Narra Drive, Brgy. Tugbungan sa Zamboanga City. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Judge Renerio Estacio, presiding judge ng Branch 14 ng Regional Trial Court (RTC-9) …

Read More »

Piskal sinakal ng pusakal sa justice hall

NAGALUSAN sa leeg si Assistant Chief State Prosecutor Richard Anthony Fadullon nang sakalin ng convicted kidnapper’killer sa katatapos na promulgasyon sa Justice Hall ng Quezon City, kahapon. Ayon kay Fadullon, palabas na sila ng court room nang atakehin siya ng convicted kidnapper. Kinilala ang umatake na si Onofre Surat, Jr., itinuturong pangunahing responsable sa pagdukot at pagpatay kay Mark Harris …

Read More »

Mindanao ‘nilamon ng dilim’

PINAGPAPALIWANAG ng Department of Energy ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa nangyaring Mindanao-wide blackout kahaponng madaling araw. Ayon kay Energy Sec. Jericho Petilla, ginagawa na nila ngayon ang paraan para maibalik ang normal na suplay sa apektadong mga rehiyon. Una rito, inihayag ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza na nagkaroon na ng partial restoration ng power supply sa …

Read More »

11-anyos ‘fb hacker’ todas sa 46 saksak ng ‘igan (Account pinakialaman)

PATAY ang 11-anyos totoy makaraang 46 beses saksakin ng kanyang kaibigan bunsod ng alitan sa Facebook nitong nakaraang Linggo. Kinilala ang biktimang si Michael Jericho “MJ” Surio, grade 5 pupil, residente ng Brgy. Barihan sa Malolos, Bulacan. Si Surio ay huling nakitang buhay nitong Linggo kasama ang 16-anyos suspek na kanyang kaibigan. Napag-alaman, nag-alala ang mga magulang ni Surio nang …

Read More »

Bukol ni Napoles nalipat sa matris

AGAD ibinalik sa kanyang detention facility sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa Laguna ang kontrobersyal na negosyanteng si Janet Lim-Napoles matapos ang ilang oras na medical check-up sa Camp Crame. Tiniyak ni Chief Supt. Alejandro Advincula, Jr., hepe ng PNP-Health Service, ‘hindi alarming’ ang kondisyon ng kalusugan ni Napoles. Aniya, may cyst si Napoles sa kanyang uterus ngunit hindi …

Read More »

Airport, seaport alisin sa Metro (Para lumuwag ang trapik)

DAHIL sa napipintong paglala ng problema sa trapiko mula sa malalaking proyektong impraestruktura na isasagawa ngayon sa Kamaynilaan, agarang nanawagan ang mga estudyante ng University of the Philippines (UP) sa pagbabalangkas ng matagalang solusyon sa pamamagitan ng relokasyon ng mga paliparan at daungan sa mga karatig-probinsya gaya ng Cavite. “Sa gitna ng paglobo ng populasyon ng Metro Manila, ang “short-term, …

Read More »

Koleksyon ng Customs bumagsak (Sa ikalawang araw ng truck ban ni Erap)

LUMAGAPAK ang revenue collections ng dalawang port operations ng Bureau  of Customs (BOC) sa unang araw ng implementasyon ng truck ban sa Lungsod ng Maynila. Sinabi ni Customs Commissioner John Sevilla, base sa reports ng Port of Manila (PoM) at Manila International Container Port (MICP) na apat lamang container vans ang nai-release nila sa MICP noong unang araw ng implementasyon …

Read More »