Friday , March 24 2023
NGCP

NGCP ipinasisiyasat sa kabiguang masuplayan ng elektrisidad ang mga lugar na hinagupit ni Odette

NANAWAGAN ang National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc. (NASECORE) sa Department of Energy (DOE) na magsagawa ng ‘systems audit’ sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa pagkabigo ng operator nitong matiyak ang pagkakaroon ng quality, reliability, security at affordability’ ng suplay ng elektrisidad sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Odette kamakailan.

“This failure had been repeatedly witnessed during the 2013 Super Typhoon Yolanda, Typhoon Ruby in 2014 and the earthquake of 2017 due to its apparent inadequate, weak and grossly unreliable transmission system that are easily felled by typhoons,” base sa liham na ipinadala ng NASECORE kay Energy Secretary Alfonso Cusi na may petsang December 21, 2021.

Ayon kay NASECORE President Pete Ilagan, hindi umano katanggap-tanggap at ‘di makatarungan ang naging ‘performance’ ng NGCP sa mga electric cooperatives at distribution utilities, kung saan ang mga konsyumer pa ang sinisi para sa kahinaan ng grid operators at ‘unreliable transmission system.

“Sadly, this is a recurring and perennial experience. Where has the huge annual funds provided by the consumers thru their monthly rate payments and granted by the Energy Regulatory Commission (ERC) gone?” This monies are meant to assure the consumers of a quality, reliable, secured and affordable supply of electricity,” giit ni Ilagan.

Dahil dito, hiniling ng NASECORE sa Energy Department na agad magsagawa ng ‘transparent audit,’ actual ocular inspection at documentation ng NGCP transmission system upang madetermina ang hinihiling at kinakailangang ‘upgrading and improvisation’ na magtatag ng ‘resilient transmission system nationwide’

Hinimok din ang ERC na magsagawa ng ‘regulatory audit’ sa mga pondo na ipinagkaloob sa NGCP sa umano’y Capital Expenditures para sa rehabilitation at upgrading ng nationwide transmission system.

“A review of the Concession Agreement of NGCP with the National Transmission Company (TRANSCO) for possible violations as well as a review of NGCP’s congressional franchise by the Joint Congressional Energy Commission (JCEC) should be conducted to protect public interest,” dagdag ni Ilagan.

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …