Tuesday , September 17 2024

Ping kapag nanalong pangulo
PAGNANAKAW TAPOS, MAGNANAKAW UBOS

010322 Hataw Frontpage

HATAW News Team

SERYOSONG mensahe laban sa lahat ng uri ng mga magnanakaw ang pambungad ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson sa Bagong Taon.

Aniya, laganap pa rin ang mga magnanakaw sa bansa hindi lamang sa kalye ngunit maging sa pamahalaan, pero sa susunod na taon kung magkakaisa at mag­tutulong-tulong ang bawat isang Filipino lahat sila ay tiyak na mauubos.

Ang nabanggit na napakasamang kaugalian ng panlalamang ay ipi­napangako ni Lacson na kanyang wawakasan sa 2022 kung mahahalal na susunod na pangulo pagkatapos ng May 9 national elections.

Sa kanyang maikling mensahe para sa Bagong Taon, inihayag ni Lacson kung gaano siya kaseryoso sa paglaban sa mga magnanakaw sa tulong ng mga mamamayan.

Aniya, “Ang dami pa rin magnanakaw – sa kanto, sa negosyo, sa gobyerno. Sa 2022, kung magtutulong-tulong tayo, ang pagnanakaw, tapos. Ang magnanakaw, ubos.” 

Sa pagtatapos ng maikling video, nakalagay ang hashtag nitong “Uubusin ang Magna­na­kaw” (#UubusinAngMagnanakaw) na ngayoy humahamig ng maraming comments at likes sa Facebook page ni Lacson, maging sa social media.

Hindi lang maliliit na kriminal na nambibiktima sa mga kalye ang tinutu­koy ng batikang lingkod-bayan, dahil hagip din dito ang malalaking negosyante na umiiwas sa buwis o nagpupuslit ng mga kalakal sa bansa, gayondin ang mga corrupt na opisyal ng pamahalaan na uma­abuso sa kaban ng bayan at nagpapahirap sa buhay ng mga Filipino.

Pinatunayan ni Lacson na magagawa niya ito nang harapin niya ang lahat ng uri ng magnanakaw – bilang sundalo at dating hepe ng pambansang pulisya, sa kanyang tatlong termino bilang senador, at sa kanyang pagiging rehabilitation czar pagkatapos ng bagyong Yolanda.

Sa kanyang Twitter account na @iampinglacson, sinabi ng mambabatas: “I have practically spent my 50 years in public service chasing thieves both in the streets and in the government. There’s not much difference. They are all thieves, period. If it is my fate to catch more, with much authority and power, I will not stop until they’re finished.”

About hataw tabloid

Check Also

ICTSI Mexico

Paglalayag sa bagong karagatan
Ang Kolaborasyon ng ICTSI Mexico-Philippines  at ang Pandaigdigang Epekto nito sa Ekonomiya 

SA PANAHON ng globalisasyon, krusyal ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang rehiyon para pahusayin ang kalakalan …

ICTSI Mexico image Ad FEAT

Each high-grade Colima lime can rely on our high-level port handling every time. (ICTSI)

EACH HIGH-GRADE COLIMA LIME CAN RELY ON OUR HIGH-LEVEL PORT HANDLING EVERY TIME. Authentic limonada, …

Rodante Marcoleta

Rep. Marcoleta Naghain ng Panukalang Batas para sa Karagdagang Pondo ng mga Barangay

Inihain ni Rep. Rodante Marcoleta ang House Bill 9400 na layong magbigay ng direktang suportang …

Carlos Yulo ICTSI

Karagdagang P10M kay Yulo mula sa ICTSI

NAKATANGGAP si Carlos Yulo ng karagdagang P10 milyon mula sa International Container Terminal Services Inc. …

Bongbong Marcos PAPI 50th anniversary

PAPI marks Golden (50th) Anniversary

The Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) marks and celebrates its milestone Golden (50th) Anniversary on …