VIGAN CITY – Basag ang ulo at mukha ng isang lalaki nang hampasin ng airgun ng kanyang manugang sa Narvacan, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang namatay na si Cesar Cambe, 47, magsasaka, habang ang suspek na kanyang manugang ay si Marvin Pascua, 28, tubong Santol, La Union, kapwa nakatira sa Brgy. Lungog sa nasabing bayan. Batay sa imbestigasyon ng …
Read More »Masonry Layout
Lady manager natulala sa holdap
HALOS matulala ang 25-anyos lady manager nang holdapin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Pasay City kahapon. Nagtungo sa Pasay City police ang biktimang si Juvilyn Rodriguez, residente ng Upper Bicutan, Taguig City na agad nagsagawa ng follow-up operations kaugnay sa insidente. Ayon sa pahayag ng biktima, naganap ang insidente dakong 2:10 a.m. sa panulukan ng EDSA at E. Rodriguez …
Read More »Bagong santuario pinasinayaan ng Villar Sipag
PINASINAYAAN ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG), ang pinakabagong simbahan sa Metro Manila na Santuario de San Ezekiel Moreno. Bilang bahagi ng corporate social responsibility (CSR) ng Vista Land, sinimulan ang konstruksyon ng simbahan noong Mayo 2011. Itinayo ito bilang pagkilala sa Spanish Recollect na nagsilbing kura paroko ng Las Piñas mula 1876 hanggang 1879. …
Read More »Presidential sister dawit sa DAP milk feeding project
DAPAT sumunod sa batas ang presidential sisters, gaya ng inaasahan sa lahat ng mamamayan sa bansa. Ito ang reaksiyon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., sa isyu ng pagdawit kay presidential sister Viel Aquino-Dee sa milk feeding project ng pinamumunuan nitong Assisi Development Foundation (ADF), na tinutustusan ng pondo ng kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP). “Llike all citizens, they …
Read More »Foreign PR firm bitbit ni Roxas sa Palasyo
ITINANGGI ng Palasyo na kinuha nila ang serbisyo ng isang foreign public relation (PR) firm na dating nagsilbi noong administrasyon ni Estrada sa Malacañang, para matugunan ang bumabagsak na ratings ni Pangulong Benigno Aquino III. “Wala akong impormasyon o kinalaman sa ulat na ‘yan. Sa araw-araw sinisikap ng aming tanggapan na maihatid ang makatotohanan at tamang impormasyon na makatutulong sa …
Read More »Ex-AFP chief bagong Usec ng Palasyo
ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Emmanuel Bautista bilang Undersecretary sa Office of the President. Magsisilbi si Bautista bilang executive director ng security, justice, and peace and order cluster ng gabinete na direktang nasa ilalim ng pangangasiwa ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. Ayon sa Executive Order No. 43, …
Read More »Beatification kay Oscar Romero binuksan ni Pope Francis
BINUKSAN ni Pope Francis nitong Lunes ang daan patungo sa beatification para kay Oscar Romero, sinabing wala nang doctrinal problems na haharang sa proseso para sa pinaslang na Salvadoran archbishop, isa sa mga bayani ng liberation theology movement sa Latin America. Si Romero, archbishop ng San Salvador, ay binaril at napatay noong 1980 habang nagmimisa. Nagpahayag siya ng pagkondena sa …
Read More »3 suspek sa rape-slay sa Bulacan arestado
ARESTADO sa mga awtoridad ang tatlong suspek sa gang rape at pagpatay sa 26-anyos babae sa Calumpit, Bulacan, isa sa kanila ay nadakip nang bumisita sa burol ng biktima. Ayon sa ulat, nitong Lunes ng gabi, bumisita ang jeepney driver na si Elmer Joson, 45, kasama ang kanyang misis, sa burol ng biktimang si Anria Espiritu. Ayon kay Joson, naging …
Read More »Carnap king, dyowa, 4 pa tiklo sa QCPD
NAARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang tinaguriang ‘carnap king,’ lider ng Mac Lester Reyes carnap group na kumikilos sa Metro Manila at karatig lalawigan, sa tatlong araw na operasyon sa Malabon City, Caloocan City, Quezon City at lalawigan ng Quezon. Bukod sa pagkaaresto kay Mac Lester Reyes, 37, ng Unit 2B, #121 Kabigting corner Mauban St., …
Read More »Factory worker utas sa tandem holdaper
AGAD binawian ng buhay ang isang 34-anyos babaeng factory worker makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo nang hindi ibigay ang kanyang bag sa Brgy. Sto. Nino, bayan ng Calumpit, sa lalawigan ng Bulacan. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Liza Montano, residente sa nasabing bayan. Dakong 8 p.m. sapilitang kinukuha ng mga suspek ang bag ng biktima ngunit …
Read More »Demoralized AFP, itinanggi (Sa pagkakadakip kay Palparan)
NANINIWALA ang Palasyo na hindi demoralisado ang mga sundalo dahil sa pagdakip ng mga awtoridad kay ret. Maj. Gen. Jovito Palparan. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., binibigyan nang sapat na atensyon ng pamahalaan ang morale at kapakanan ng ‘foot soldiers’ at inaasahang susunod sila sa chain of command ng Armed Forces of the Philippines (AFP). “Yung aspeto ng …
Read More »Expanded truck ban sa Parañaque sisimulan na
IPATUTUPAD ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang expanded truck ban sa Lunes, Agosto 25, upang maibsan ang traffic congestion sa major roads habang inihahanda ang pagsasara sa Sucat Interchange na inaasahang magiging sanhi nang mas matinding pagbagal ng mga sasakyan sa lungsod. Ayon kay Olivarez, sumang-ayon ang mga miyembro ng trucker’s association makaraan ang konsultasyon sa kanilang hanay sa …
Read More »2 gov’t employee sa Bulacan niratrat 1 patay, 1 grabe
HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang government employee sa Bulakan, Bulacan, habang sugatan ang kanyang kasama makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa Brgy. Bambang, bayan ng Bulakan, sa lalawigan ng Bulacan kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napatay na biktimang si Eduardo Martinez, 54, residente ng nabanggit na lugar. Habang inoobserbahan ang kalagayan …
Read More »Ebidensiya pa vs tongpats sa Makati (Overpricing hindi bababa sa P1.9-B)
IPINAKIKITA sa media nina Nicolas Enciso ng United Makati Against Corruption (UMAC), at Mr. Renato Bondal ang ihahain nilang bagong ebidensiya kaugnay sa reklamong overpricing na P1.9- billion parking building laban kay Vice President Jejomar Binay at 23 opisyal ng Makati City, sa tanggapan ng Ombudsman sa Agham Road, Quezon City. (RAMON ESTABAYA) NAGHAIN ngayon ng ‘pinalakas’ na reklamo ang …
Read More »Nurse tepok sa ex-BF na nagbaril din
PATAY ang isang nurse nang barilin ng dating nobyong pulis na nagpakamatay rin sa Brgy. Taslan, Tapaz, Capiz kamakalawa. Sa imbestigasyon, tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Jovelyn Pio, 26, nurse na kauuwi lamang sa bansa noong Agosto 15. Namatay rin ang suspek na si PO1 Jesus Farillon, 26, pulis, makaraan magbaril sa ulo gamit …
Read More »Dagdag na allowance ng sundalo, pulis aprub sa Senado
LUSOT sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Joint Resolution No. 2 o ang resolusyong magtataas ng subsistence allowance ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel sa bansa. Ayon kay Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, pangunahing may-akda at isponsor ng nasabing resolusyon, “sa pamamagitan ng pagtataas ng subsistence allowance ng ating mga sundalo at pulis sa pamamagitan …
Read More »Not guilty plea ipinasok ng korte para kay Palparan (Hirit na NBI custody isinantabi)
TUMANGGING magpasok ng plea si retired Maj. Gen. Jovito Palparan nang basahan ng sakdal sa Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 14 kahapon. Bunsod nito, ang korte na ang nagpasok ng not guilty plea para sa kanya. Ang dating Bantay party-list congressman ay kumakaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno. …
Read More »Media kinuwestiyon ni Trillanes (Sa bansag na berdugo)
KINUWESTIYON ni Senador Antonio Trillanes IV ang ilang kagawad ng media kaugnay sa bansag kay retired Maj. Gen. Jovito Palparan bilang ‘Berdugo’ ng mga militante. Desmayado si Trillanes dahil hindi aniya naging patas ang mga mamamahayag kay Palparan. Ipinaalala ni Trillanes, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, dapat maging makatotohanan, patas at bigyan ng media ng due …
Read More »P5.2-M reward sa 2 tipster vs Delfin Lee, NPA leader
IBINIGAY na ng pambansang pulisya ang reward money sa dalawang civilian informants na naging susi sa pagkakaaresto sa negosyanteng si Delfin Lee at sa NPA leader na si Grayson Naogsan. Mismong si PNP chief, Director General Alan Purisima ang nag-abot ng pera sa dalawang tipster. Ayon sa PNP, P2 milyon ang pabuya para sa pag-aresto kay Lee, habang P3.2 milyon …
Read More »P5-M shabu nasabat sa Iloilo — PDEA (Transaksiyon binuo sa Bilibid)
ILOILO CITY – Kinompirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Reg. 6, sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City nabuo ang transaksyon sa ¾ kilo ng shabu, nagkakahalaga ng P4.5 milyon, na nasabat sa kanilang operasyon sa Buray, Oton, Iloilo. Ayon kay PDEA Reg. 6 Dir. Paul Ledesma, ang naarestong drug courier na si Jesusito Padilla Pedrajas ng San Pedro, …
Read More »2 holdaper sa Kyusi todas sa Caloocan cop (Sa halagang P530)
PATAY ang dalawang holdaper makaraan makipagbarilan sa isang pulis-Caloocan nang holdapin ang isang gasolinahan sa Brgy. Baesa, Quezon City kamakalawa ng gabi. Hindi pa nakikilala ang napatay na mga suspek, tinatayang nasa 30 hanggang 35-anyos, at 40 hanggang 45-anyos ang edad. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 7 p.m. nang maganap ang insidente sa Orange Fuel gasoline station sa Quirino …
Read More »Urot na driver kritikal sa kuyog ng 3 kelot
INOOBSERBAHAN ang 42-anyos driver makaraan pagtulungan bugbugin at saksakin ng tatlong lalaki kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Nakaratay sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Pedro Pingoy, ng 69 Malumanay St.,Teachers Village, Quezon City. Sa follow-up operation ng mga awtoridad, naaresto ang mga suspek na sina Ronald Gallego, 33; Rex Menes, 33; at Jose Noah Ombion, 23-anyos. …
Read More »Power blast posible sa Mayon — Phivolcs (‘Pag lumaki ang lava dome)
LEGAZPI CITY – Posibleng maganap ang “power blast” sa Mayon Volcano bunsod ng umusbong na lava dome sa bunganga ng bulkan. Sinisikap ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na makunan ng larawan ang nasabing kumakapal na lava dome. Ito’y para madetermina kung patuloy ito sa paglaki at kung nagkakaroon nang pagbabago sa posisyon sa ibabaw. Ayon kay Phivolcs …
Read More »Taal Volcano binabantayan din
BINABANTAYAN din ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Taal Volcano sa Batangas makaraan makapagtala ng anim na paggalaw ng bulkan sa loob lamang ng 24 oras. Sa inilabas na bulletin ng Phivolcs, walang napipintong pagsabog ang bulkan Taal at nananatiling nasa alert level 1 ito. Patuloy pa rin ang babala ng Phivolcs sa mga residente roon na …
Read More »85 Caloocan residents binigyan ng oportunidad na magnegosyo
PINANGUNAHAN ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, kasama ang ilang opisyal ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO) ng lungsod, at ng Department of Labor and Employment (DOLE)-National Capital Region, ang pamamahagi ng 50 business starter kits sa mga graduate ng Vocational Technology (VocTech) sa Caloocan City Manpower Training Center, kamakailan. Ang simpleng serermonya ay nilahukan 85 residente na nabigyan …
Read More »