Sunday , December 3 2023

DQ case vs Sen. Poe naisampa na

TULUYAN nang naisampa ang kasong kumukwestiyon sa legalidad ng pagiging mambabatas ni Senador Grace Poe, nitong Huwebes.

Naisampa ng complainant na si Rizalito David ang reklamo sa Senate Electoral Tribunal (SET) makaraan maudlot kamakalawa nang hindi makapagdala ng P50,000 filing fee at P10,000 deposit. 

Layon ng 16-pahinang quo warranto complaint ni David na patalsikin si Poe dahil sa kuwestiyon sa kanyang citizenship.

Iginiit ng reklamo na palsipikado ang mga dokumento ng senador at hindi rin totoo ang mga nakalagay sa Certificate of Candidacy niya nang tumakbo sa 2013 elections. 

Dagdag ni David, may problema sa pagiging foundling ni Poe, na dapat sana ay nalinaw bago tumakbo bilang senador. 

Binanggit ng complainant na nagpakilalang concerned citizen, walang grupo o sino mang nasa likod niya sa pagsasampa ng reklamo. Sariling gastos din niya ang inilaan para sa kaso. 

Samantala, inihayag ni Poe na bukod sa handa niyang sagutin ang kuwestiyon sa kanyang citizenship ay ipinagpapasalamat din niya ito. 

“Sa isang banda, mabuti na rin at ako ay nagpapasalamat na mayroon nang naghain ng kuwestiyon tungkol sa isyung ito para masagot ko ito nang kompleto, maihayag ang katotohanan at matuldukan na ang pagdududa,” sabi ng senador. 

“Ako po ay Filipino at residente ng Republika ng Filipinas.”

Kasabay nito, nagpasalamat din si Poe sa mahigit 20 milyong botanteng pumabor sa kanya noong nakaraang halalan. 

Dagdag niya, “Ako ay tapat sa ating mga kababayan at nagsasabi ng katotohanan. Sila ang dahilan kung bakit ako naririto sa Senado kaya marapat lamang na ipaglaban at ipagtanggol ko ang kanilang naging desisyon.” 

Habang naniniwala ang batikang election lawyer na si Romy Macalintal na mahina ang kaso laban kay Poe at hindi na ito dapat pang tanggapin ng SET. 

About Hataw

Check Also

Bulacan DTI

Digitalization ng mga Creative Products sa Bulacan, isinusulong ng DTI

AAGAPAYAN ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga micro, small and medium …

shabu drug arrest

2 araw police ops  
P.2-M ‘obats’ nasamsam sa Bulacan

NAKUMPISKA sa pinaigting na serye ng mga operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga …

Bayani City FSRR Camp Tecson San Miguel, Bulacan

 ‘Bayani City’ Phases 1 at 2 ng FSRR, naitayo na sa Camp Tecson

NAITAYO na ang Phases 1 at 2 ng tinaguriang ‘Bayani City’ sa loob ng Camp …

Bulacan Padre Mariano Sevilla

Paninindigan at Pamana, inalala sa ika-100 Taon ng Pagkamatay ni Padre Mariano Sevilla

GINUNITA ng mga Bulakenyo ang ika-100 anibersaryo ng pagkamatay ni Padre Mariano Sevilla, ang kilalang …

Bulacan Gawad Galing Kooperatiba

23 pinakamahusay na koop sa Bulacan kinilala ng Gawad Galing Kooperatiba

KINILALA ng taunang Gawad Galing Kooperatiba ang 23 pinakamahuhusay na kooperatiba sa Bulacan sa ginanap …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *