Friday , June 13 2025

Misis na titser inutas sa boga mister nagsaksak tigbak din

0809 FRONTUNISAN, Quezon – Kapwa duguan at wala nang buhay ang mag-asawa nang matagpuan ng mga awtoridad sa loob ng faculty room ng isang paaralan sa Brgy. Poblacion, Unisan, Quezon kamakalawa.

Kinilala ni Senior Insp. Jun Villarosa, hepe ng Unisan PNP, ang biktimang itinago sa pangalang Alice, 40, titser, habang ang suspek ay si alyas Glen, 41, tricycle driver, residente ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 11:30 a.m. pagkatapos makapananghalian ng biktima at kanyang co-teachers sa loob ng faculty room ay dumating ang kanyang asawa na galit na galit at sinabing mag-usap sila.

Pagkaraan ay dali-daling lumabas ang suspek at nagpunta sa kanyang pinsan.

Ngunit nang bumalik ay may bitbit nang baril at itinutok sa kanyang misis saka sumigaw ng katagang “Huwag kang mag-alala, magpapakamatay ako sa harapan mo,” sabay kalabit ng gatilyo ng baril at duguang bumagsak sa sahig ang walang buhay na biktima.

Pagkaraan ay kinuha ng suspek sa nakaparada niyang tricycle ang patalim at sinaksak ang sarili sa harap ng bangkay ng kanyang misis.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na selos ang nag-udyok sa suspek para gawin ang insidente makaraan mabalitaan na may ibang karelasyon ang kanyang misis.

Raffy Sarnate

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raffy Sarnate

Check Also

Arrest Shabu

Tulak arestado sa P6.8-M shabu

DINAKIP ang isang lalaking itinuturing na big time tulak matapos kumagat sa buybust ng mga …

061325 Hataw Frontpage

Impeachment trial vs VP Sara ongoing, alive & kicking — Risa

HATAW News Team HINDI ‘dead on arrival’ kundi nanatiling buhay, ongoing, alive and kicking ang …

Senate CHED

4 na higher education bills ni Cayetano, pasado na sa Final Reading sa Senado

INAPROBAHAN ng Senado sa 3rd and Final Reading nitong Lunes, 9 Hunyo ang apat na …

Gen Nicolas Torre III

Torre, tiniyak na ligtas Balik-Eskwela sa 16 HunyoTorreTorre, tiniyak na ligtas Balik-Eskwela sa 16 Hunyo

TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na ligtas ang pagbabalik …

arrest, posas, fingerprints

NAIA employee timbog sa human trafficking

INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng empleyado ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *