This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
DESMAYADO si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa inilabas na desis-yon kamakailan ng Court of Appeals (CA) na nagpapawalang bisa sa anti-smoking campaign ng ahensiya.
Ayon sa ahensiya, pa-ngunahin nilang mandato ang anti-smoking campaign.
Sinabi ng MMDA Chief , malinaw sa R. A. 7924 na nagtatag sa MMDA ang mandato nito ukol sa pangangalaga ng kalusugan ng publiko partikular sa mga hindi naninigarilyo.
“Sayang po kung mawawala ito. Marami na tayong natulungan dito. Tingin namin walang sapat na legal basis,” pagdidiin ni Tolentino.
Giit ng opisyal, posibleng gumawa sila ng hakbang oras na matanggap na nila ang opis-yal na kopya ng desisyon ng CA.
Nakasaad sa naging desis-yon na hindi kasama ang MMDA sa mga ahensiya ng gobyerno na may awtoridad na magpatupad ng Tobacco Re-gulations Act of 2003
Ang tanging may kapangyarihan lamang magpatupad ng kautusan ay Inter-Agency Committee on Tobacco (IAC-Tobacco), base sa ilalim ng naturang batas.