Thursday , December 5 2024

New QCPD boss umiskor ng P1.5-M shabu

0811 FRONTNAKAISKOR agad ang bagong upong direktor ng Quezon City Police District (QCPD) na si Chief Supt. Eduardo G. Tinio ng P1.5 milyong halaga ng shabu makaraan maaresto ang tatlong bigtime pusher sa drug buy-bust operation sa lungsod.

Sa ulat kay Tinio, kinilala ang mga nadakip na sina Jamel Ismael, 29, ng Wawa St., Brgy. Sala-sala, Tanay Rizal; Romnick Riga, 22, at Mujib Abdulhamid, 21, kapwa ng Salaam, Quiapo, Maynila.

Ayon kay Chief Insp. Enrico Figuero, bagong hepe ng Disrict Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (DAIDSOTG), nadakip ang tatlo dakong 4:30 a.m, kahapon sa kanto ng Kanlaon St., at Quezon Ave., Brgy. Sta. Teresita, Quezon City.

Ayon kay Figueroa, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa aktibidad ng tatlo kaya agad nilang sinubaybayan.

Nang magpositibo, nagsagawa ng buy-bust operation ang tropa ni Figueroa kaya nadakip ang tatlo makaraan bentahan ng shabu na nagkakahalaga ng P75,000 ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nang madakip ang tatlo, nakompiskahan pa sila ng isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Most wanted tiklo sa 5 sachet ng shabu

ARESTADO sa limang sachet ng shabu ang no. 5 most wanted person sa inilatag na buy-bust-operation sa Marikina City kahapon.

Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang suspek na si Daniel Santos, ng Brgy. Calumpang sa nasabing lungsod.

Dakong 11:15 a.m. nang madakip si Santos sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs – Special Operations Task Group (SAID-SOTG) sa Kamunu St., Brgy. Calumpang, sa lungsod.

Nakuha sa suspek ang limang plastic sachet ng shabu at P500 marked money na ginamit ng mga awtoridad sa operasyon.

Nakatakdang kasuhan ang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (R.A. 9165).

Ed Moreno

Ginang timbog sa shabu na nasa bra

KALABOSO ang 42-anyos ginang na dadalaw sana sa kanyang mister sa New  Bilibid Prison (NBP) Maximum  Security  Compound makaraan makompiskahan ng shabu sa loob ng kanyang bra kamakalawa ng umaga.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drug Law) ang suspek na si Elaine Maulat  ”alyas Lyn” ng Vicar Village, Brgy. Poblacion ng natu-rang lungsod.

Sa ulat na natanggap ni Muntinlupa City Police chief, Sr. Supt. Allan Nobleza, nangyari ang insidente dakong 11:45 a.m. sa Visitation Services Unit (IVSU) ng Maximum Security Compound, NBP Reservation.

Dadalaw sana ang ginang sa kanyang mister na si Adrian Lacsa na nakakulong sa Dorm 4D-2 ng bilangguan.

Bago nakapasok sa kulungan, kinapkapan ni Prison Guard 1 Elvira Samonte ang ginang ngunit nakita sa loob ng kanyang bra ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Agad inaresto si Maulat at makaraan imbestigahan ay dinala sa Muntinlupa City Police Station.

Jaja Garcia

About Almar Danguilan

Check Also

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

In line with the nationwide observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women …

A Priceless Gift from DOST-1 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

A Priceless Gift from DOST-1: 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

SILAKI ISLAND, a heart-shaped 10-hectare islet located at Brgy. Binabalian, Bolinao, Pangasinan is renowned as …

Araw ng Pasay PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

Sa Araw ng Pasay 2024  
PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

MAS PINASAYA at mas pinabongga ang Parade of Lights at Street Dancing Competition nang magtagisan …

Sara Duterte impeach

‘Impeach VP Sara’ inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO  HABANG patuloy ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa sinabing ilegal na …

Neri Naig

Neri sobrang na-stress nagpadala sa ospital

PANSAMANTALANG inilabas ng Pasay City Jail si Neri Naig at dinala siya sa ospital dahil sa kahilingan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *