Saturday , September 14 2024

Binay-Marcos kasado sa 2016?


NAGULAT ang marami sa kompirmasyon ni Senador Bongbong Marcos na bukas siya sa pakikipag-tandem kay Vice President Jojo Binay para sa nalalapit na eleksyon sa 2016.

“This is politics, never say never…I am flattered that he chose me as running mate, but these matters are not decided by one person but by the party,”’ sabi ni Senador Marcos.

Ito na ang pinakamalapit na mabuong tandem para kay Binay, na bagama’t mataas sa mga survey ay nahaharap ngayon sa patong-patong na alegasyon ng korupsiyon sa mga transaksiyon mula pa noong siya ay alkalde ng Makati City.

Ilang political analysts ang nagsabing mukhang nahihirapan si Binay makapanligaw ng running mate dahil madidikit sa mga usaping korupsiyon.

Lumutang noon ang pangalan ng isang malaking negosyante na sinasabing magiging ka-tandem niya. Ngunit ayon sa ilang source, tumanggi ang negosyante at sinabing “I refuse to be his deodorizer” o ayaw pumayag na gamiting pantakip ang reputasyon sa mga alegasyon laban sa Vice President.

Ayon kay Sen. Koko Pimentel, hindi lamang ang mapipiling running mate ni Binay ang kailangang sumangga ng mga alegasyon kundi ang buong line up ng UNA.

“They should be able to say whether their standard bearer has integrity and honesty because that’s one of the issues that would be raised. They would be asked: ‘Why are you in that ticket?’” tanong ni Pimentel.

Nanggagaling ang mga alegasyong ito sa dating bise alkalde at kapartidong si Ernesto Mercado, na idinetalye sa Senate Blue Ribbon Sub-Committee hearings ang mga umano’y overpricing, patong at kickback ng mga Binay sa mga proyekto ng lungsod.

Umamin naman ang anak ni Binay na si Makati Congresswoman Abby Binay na hindi mahirap ang pamilya nila at may mahigit P638 milyong ari-arian ng mga magulang nila.

Tila isinantabi ni Binay ang mga batikos na wala siyang prinsipyo dahil sa posibleng pakikipagtambalan kay Sen. Bongbong, anak ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos.

Dating aktibista si Binay at human rights lawyer na lumaban sa diktadurya sa panahon ng nakatatandang Marcos. Binatikos ni Binay noon ang pamamalagi ng mahigit dalawang dekada ng pamilya Marcos sa puwesto at napakalaking tagong yaman nito dahil sa korupsiyon.

Ngayon, halos tatlong dekada ang nakararaan, ang alegasyon ng political dynasty at pagpapayaman sa puwesto ang hinaharap naman ng pamilya Binay.

Isa lamang ang naging reaksyon ni Binay dito: “Bakit mo naitanong ‘yan? Sabi ko ho, hopefully, ang Binay administration will be remembered as the unifying administration,” sabi niya. “Let’s move, move on. May bago po tayong mga problemang haharapin.”

About hataw tabloid

Check Also

Ka-Palawan Awards para sa mga OFW

Palawan Group Naglulunsad ng Global Ka-Palawan Awards para sa mga OFW

Ikinararangal Ang Palawan Group of Companies, ang nangungunang pawnshop at money remittance company sa bansa, …

arrest, posas, fingerprints

SLI arestado sa buybust ops

Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang apat na indibiduwal sa ikinasang buybust operation ng …

Ang Awit ng Dalagang Marmol Jocelynang Baliwag

“Ang Awit ng Dalagang Marmol” inilahad ‘di pa nasasabing katotohanan tungkol sa ‘Jocelynang Baliwag’

LUNGSOD NG MALOLOS – Hinamon ang estado ng awiting “Jocelynang Baliwag” bilang Kundiman ng Himagsikan …

DoLE

DOLE kompleto na sa ‘profiling’ ng 27,000 Filipino POGO workers

NATAPOS at nakompleto na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang profiling sa halos …

Arrest Posas Handcuff

800 plus pamilya nawalan ng tahanan
SUSPEK SA SUNOG SA TALABA-ZAPOTE III ARESTADO NA

NAARESTO ng Bacoor police ang isa sa dalawang suspek na responsable sa pagkasunog ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *