MAIUUWI ng isang lotto bettor ang P23,683,644 jackpot prize ng 6/42 lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon kay PCSO head Ferdinand Rojas II, nakuha ng maswerteng mananaya mula sa Borongan, Eastern Samar ang number combination na 27-13-10-26-02-41. Nabatid na nakuha ang naturang numero sa pamamagitan lamang ng lucky pick. Samantala, ang 6/55 Grand Lotto na may P31 million …
Read More »Masonry Layout
1 week protest vs PNoy nagsimula na
NAGSIMULA na kahapon ang isang linggong pagtitipon ng iba’t ibang grupong nananawagan sa pagbaba sa puwesto ni Pangulong Benigno Aquino III. Bandang 12 p.m. nang mag-umpisa ang programa ng EDSA II Beinte Dos (2.22.15) Coalition ng 60 nagsanib-pwersang civil society groups, sa isang improvised stage gamit ang isang 10-wheeler truck sa ilalim ng Ortigas Flyover northbound. Ito’y makaraan mabigo ang …
Read More »Lola ni Pacquiao pumanaw na
NAGLULUKSA ang pamilya ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao dahil sa pagpanaw ng lola niya sa General Santos City. Miyerkoles, Pebrero 18, nang pumanaw si Cristina Dapidpiran, ang ina ni Mommy Dionesia Pacquiao, sa edad na 92 dahil sa pulmonya. Dagsa na ang mga nakikiramay sa pamilya habang hinihintay pa ang pagdating doon ng Filipino boxing icon. Matatandaan, sumabak pa si …
Read More »Lider na hindi magnanakaw kailangan ng PH
IDINIIN ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) na kailangan ng Filipinas ang isang lider na may kakayahang disiplinahin ang pulisya at militar at hindi kailanman nasangkot sa pagnanakaw. Ayon sa grupong nanawagan din sa sambayanan, sundin ang kahilingan ni Pope Francis na iwaksi ang mga lider na nasangkot sa pangungurakot at pagnanakaw, panahon na upang magkaroon tayo ng lider …
Read More »Brownout 2-oras sa Luzon at Visaya (Kahit magtaas ng singil)
MAKARARANAS ng init sa Luzon at Visayas dahil sa nagbabadyang 2-hour rotating brownout bukod sa napipintong taas-singil sa koryente. Inihayag ni Department of Energy (DoE) Secretary Jericho Petilla, posibleng mangyari ito sa summer dahil ang buwan ng Marso at Abril ang itinuturing na critical months. Bagama’t target nila ang best case scenario na zero brownout sa summer ay hindi maiiwasang …
Read More »Apo ni Abalos, kaibigan pinatay ng dyowa
NATAGPUANG patay ang dalawang babae sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Angeles City, Pampanga. Kapwa ginilitan ang mga biktimang sina Ely Rose Abalos at Princess Ellaine Costales, parehong estudyante. Kinompirma ni Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan na si Ely Rose ay apo ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos. Dating kasintahan ni Ely Rose ang suspek na …
Read More »Armas ng SAF ibinalik ng MILF
BILANG pagtupad sa pangako sa Senado, ibinalik na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kinuhang armas mula sa naka-enkwentrong mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano. Sa joint press conference sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon ng umaga, iprinesenta ng MILF peace panel ang mga narekober na baril sa Government of the …
Read More »Playground niratrat (Vendor patay, 1 pa sugatan)
PATAY ang isang vendor habang nilalapatan ng lunas sa Justice Jose Abad Santos Hospital ang isang tinedyer makaraan paulanan ng bala ng hindi nakilalang lalaki ang isang public playground sa Baseco Compound, Tondo, Maynila kamakalawa Kinilala ni PO2 Dennis Turla ng MPD Homicide Section, ang biktimang namatay na si Louie Adion, 43, ng Block 15, Baseco, Compond, habang isinugod sa pagamutan si Christopher …
Read More »Pangasinan mayor sinibak sa dual citizenship
DAGUPAN CITY – Iniutos ng Second Division ng Commission on Elections (Comelec) ang pagtanggal sa puwesto kay Basista Pangasinan Mayor Manolito de Leon makaraan aprobahan ang kanselasyon ng certificate of candidacy (COC) niya sa pagtakbo sa puwesto noong 2013 dahil sa pagiging American citizen. Sa resolusyong ipinalabas noong Enero 27, inihayag ng Comelec na si De Leon ay diskwalipikado at …
Read More »21 Pinoy nasagip sa sumadsad na barko sa Greece
ATHENS – Nasagip ang 22 tripulante ng Cyprus-flagged bulk carrier na sumadsad sa isang isla ng Greece. Ang mga tripulante ng MV Good Faith ay kinabibilangan ng 21 Filipino seafarers at isang Romanian. Ang 11 sa mga crew ay na-rescue sa pamamagitan ng helicopter habang ang iba pa ay tinulungan ng firefighters na makalapit sa dalampasigan. Nakaranas ng malalaking alon …
Read More »Uploader ng video ng Mamasapano lumantad sa NBI
LUMANTAD na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang nag-upload sa Internet ng video na nagpapakita sa malapitang pagbaril sa isang sugatang PNP Special Action Force (SAF) sa Mamamasapano, Maguindanao. Dumating sa tanggapan ng NBI-Region 11 sa Davao City ang lalaking itinago sa pangalang “Yang-yang” dakong 9 a.m. kahapon. Ayon kay NBI Cybercrime Division executive officer Victor Lorenzo, nabatid sa online …
Read More »Totoy naligis ng tren patay, 1 pa kritikal
PATAY ang isang 12 anyos batang lalaki at krtikal ang isa pa makaraan mahagip nang rumaragasang tren habang naglalaro sa Paco, Maynila kahapon. Lasog ang katawan ng biktimang si Boboy Balan, nakatira sa tabing riles, hindi na umabot nang buhay sa Philipines General Hospital. Habang si Stephano Fernandez, 13-anyos, residente ng Brgy. 800, Zone 87, sa Paco, ay kritikal ang …
Read More »Lanao Del Norte vice mayor nagbaril sa sarili (Pinasasagot ng Ombudsman)
CAGAYAN DE ORO CITY – Bunsod nang sobrang pagkabalisa at kalungkutan, nagbaril sa sarili ang isang bise-mayor mula sa bayan ng Maigo, Lanao del Norte kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Elmer Ramos, nasa pangalawang termino na sana bilang vice mayor sa kanilang bayan. Inihayag ni Lanao del Norte Provincial Police Office director, Senior Supt. Madid Paitao, batay sa inisyal na …
Read More »Palasyo aminado sa US participation sa Oplan Exodus
AMINADO ang Palasyo na may partisipasyon ang Estados Unidos sa Oplan Exodus o operasyon laban kay international terrorist Zulkifli Bin hir alyas Marwan. Sinabi ni Communicastions Secretary Herminio Coloma Jr., ang krimen na kinasasangkutan ni Marwan ay isang transnational crime at ang paglaban dito’y pinagtutulungan ng iba’t ibang bansa, gaya ng US at Filipinas. “Hinanap si Marwan, Marwan is an …
Read More »$5 milyon sa positibo sa drug test (Hamon ni Pacman kay Floyd)
MISMONG si Manny Pacquiao ang nagsulong na dapat magmulta ng $5 million ang sino man sa kanila ni Floyd Mayweather Jr., ang magpositibo sa drug test. “In fact, doon sa mga kasunduan, ako ang nag-suggest na mag-multa ng $5-million kapag nag-positive sa drugs,” ani Pacquiao. Makailang ulit nang sinabi ni Pacquiao na pumayag na siya sa mga kondisyon na hiniling …
Read More »MRT tren biglang huminto, pasahero nagtumbahan
BIGLANG huminto ang tren ng MRT dahilan para magtumbahan ang mga pasahero nito kahapon ng umaga. Ayon sa pasahero ng MRT na si Mildred Anyayahan, “smooth” pa ang biyahe nang sumakay siya mula sa MRT-Quezon Avenue Station southbound. “Kaya lang pagdating sa pagitan ng Cubao saka Santolan (stations), bigla na lang pong nag-sudden stop ‘yung train tapos halos lahat po …
Read More »Serial holdaper/rapist todas sa pag-agaw ng baril
PATAY makaraan mang-agaw ng baril ang suspek sa serye ng panghoholdap at panggagahasa sa walong establisimento sa Quezon City at pagpatay sa isang Koreana. Pasado 11 p.m. nitong Lunes, katatapos lang ng ikatlong inquest proceedings sa mga kaso laban sa suspek na si Mark Soque nang bigla niyang agawin ang baril ng lady cop na si PO3 Juvy Jumuad, isa sa …
Read More »3 pasyenteng under observation negatibo sa MERS-Cov
NEGATIBO sa MERS coronavirus (MERS-Cov) ang tatlong kaso na mino-monitor ng Department of Health (DoH). Ang tatlo ay nakasalamuha ng Filipina nurse galing ng Saudi Arabia na nagpositibo sa virus. Ayon kay DoH spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, ang isa sa mga inobserbahan nilang pasyente ay may pneumonia at hindi MERS-CoV. Ang isa pang pasyente na hindi naka-confine sa Research …
Read More »DQ vs ER Ejercito isinapinal na ng SC
PINAL na ang desisyon ng Korte Suprema na nagdi-disqualify kay Emilio Ramon “ER” Ejercito bilang gobernador ng Laguna. Ito’y makaraan ibasura ng Korte Suprema ang motion for reconsideration na inihain ni Ejercito noong Nob-yembre 25, 2014. Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, walang bagong argumentong iprinesenta ang kampo ni Ejercito para gamiting batayan sa hi-nihingi niyang pagbaligtad sa naunang desisyon. Nobyembre noong …
Read More »Parak tigbak sa Cavite ambush
PATAY ang isang pulis makaraan tambangan ng riding-in-tandem sa Brgy. Palico 4, Imus, Cavite kamakalawa. Kinilala ang biktimang si PO3 Renato Amin, nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng lalawigan. Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Inspector Ricky Neron, galing sa surveillance ang biktima at pabalik na sa estasyon nang tambangan at pagbabarilin. Isang babaeng …
Read More »Lolo tiklo sa anti-drug ops sa Pasay
BUMAGSAK sa kamay ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drug-Station Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Pasay City Police ang isang 65-anyos lolo na nasa top ten drug personality, sa anti-drug operation kamakalawa sa Pasay City. Kinilala ni Pasay City Police Officer-In-Charge (OIC), Sr. Supt. Sidney Sultan Hernia ang suspek na si Francisco Navor alyas Batito, ng 505 Edang St., Zone …
Read More »Buntis, 3 kaanak patay sa Pasay fire
PATAY ang apat na magkakamag-anak, kabilang ang isang buntis, sa sunog sa Merville Access Road sa Pasay City kahapon. Pasado 9 a.m. nang marekober ang magkakapatong na labi nina Nida Lacaimat, 49; anak niyang si Ramil, 25; buntis na manugang na si Danna Mente, 20; at apong si Cindy Pacayun, 10-anyos. Ayon sa ulat, nahulog sa creek ang apat makaraan …
Read More »Ex-DND Chief Gonzales utak sa destab plot (Ayon kay Trillanes)
TINUKOY ni Sen. Antonio Trillanes IV si dating Defense Secretary Norberto Gonzales bilang nasa likod ng planong destabilisasyon laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Ayon kay Trillanes, gumagalaw si Gonzales at kinokombinse ang desmayadong SAF troopers upang mag-aklas laban sa administrasyong Aquino. Ginagamit aniya ni Gonzales ang isyu nang madugong Mamasapano incident upang hikayatin ang mga miyembro ng PNP …
Read More »US role sa Oplan Exodus patunayan (Hamon ng Malacañang)
HINAMON ng Malacañang ang Special Action Force (SAF) officer na nagbulgar sa sinasabing pagpapasimuno ng US sa operasyon laban sa teroristang si Marwan. Magugunitang sa nasabing operasyon, namatay ang 44 PNP-SAF troopers at namataan ang pag-rescue ng US choppers. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, mainam na maimbestigahan sa pagdinig ng Kongreso ang mga alegasyon para malinawan. Dapat din aniyang …
Read More »Binay sa destab plot bineberipika ng Palasyo
BINEBERIPIKA ng Palasyo ang ulat na kasali si Vice President Jejomar Binay sa mga pagkilos para patalsikin si Pangulong Benigno Aquino III, at kabilang ang Bise Presidente sa bubuo sa transitional council na ipapalit sakaling magtagumpay ang oust Aquino movement. ”Kailangang beripikahin kung kinokompirma ng panig ni VP ang nakasaad sa balita,” sabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Ang …
Read More »