This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
IGINAGALANG ng Palasyo ang pasya ni incoming President Rodrigo Duterte na payagan nang mailagak sa Libingan ng mga Bayani ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
“We respect his views and beliefs,” pahayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.
Ngunit hindi pa rin aniya nagbabago ang paninindigan ni Pangulong Benigno Aquino na hindi dapat mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani
Inihayag kamakalawa ni Duterte na payag siyang mailatag na ang mga paghahanda para mailibing si Marcos sa Setyembre 11 o sa mismong kaarawan ng dating pangulo.
Naniniwala si Duterte, bilang naging sundalo ng bansa ay may karapatan si Marcos na mailibing sa Libingan ng mga Bayani at ito na rin ang tutuldok sa isyu nang hinananakit ng mga Ilokano at pamilya Marcos sa gobyerno.
Minaliit ni Duterte ang magiging pagtutol ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong martial law sa desisyon niyang ilibing na si Marcos.
“Wala iyan. Nandiyan na iyong kwan — kubrahin n’yo iyong pera,” aniya hinggil sa kompensasyon na matatanggap ng human rights victims mula sa nabawing ill-gotten wealth ng mga Marcos.