INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, mamamagitan siya sa kaso ni Mary Jane Veloso, nasa death row sa Indonesia, ngunit idinagdag na handa siyang tanggapin ano man ang maging desisyon sa magiging kapalaran ng Filipina. Sa press briefing sa Davao City kahapon bago umalis patungong Laos para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sinabi ni Duterte, makikipagpulong siya …
Read More »Masonry Layout
LTO, LTFRB, MMDA, LGUs out sa traffic (Sa emergency powers ni Digong)
TULUYAN nang mabubuwag ang kapangyarihan ng LTO, LTFRB, MMDA at maging ng local government units (LGUs) sa pamamahala ng trapiko oras na umiral ang emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang ilan lamang sa rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) sa komite ng Senado para maibsan ang malalang lagay ng trapiko sa mga lansangan ng Metro Manila at iba …
Read More »35,000 doktor kailangan sa PH
KAILANGAN ng 35,000 dagdag na doktor sa buong Filipinas para magaya ang healthcare system ng Cuba. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial, target ng administrasyong Duterte na magkaroon ng isang doktor sa bawat limang barangay. Kung hindi man aniya makakamit ito kaagad, balak muna ng Department of Health (DoH) na maglagay ng isang nurse …
Read More »Naiwang bag ikinaalarma sa NAIA
BINULABOG ng naiwang bag ang Gate 3 departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 na naging dahilan para maabala ang mga pasaherong nakapila roon kahapon. Sa pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA), natagpuan ni security guard Ralph Basubas ang bag malapit sa Gate 3 na agad nitong ipinaalerto bilang precautionary measure. Ilang pasahero na hindi naintindihan …
Read More »2-anyos hostage nasagip (Sa bus sa Albay)
LEGAZPI CITY – Makaraan ang mahigit walong oras, nailigtas na sa kapahamakan ang 2-anyos paslit na binihag ng isang hostage taker sa Ilaor, Oas, Albay kahapon. Ito ay kasunod ng negosasyon ng Special Weapons And Tactics team, Oas Police Station at Police Regional Office-5 na pinamunuan ni Regional Director Chief Supt. Melvin Buenafe Dakong 8:30 am nang maibalik sa kanyang …
Read More »Narco-cops ‘di patatawarin – Gen Bato
CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga – Muling inulit ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang kanyang babala sa mga pulis na sangkot sa ilegal na droga. “Ilang beses na tayong napapahiya, mga kasamahan ninyo dito, 77 itinapon sa Mindanao para mahinto ‘yung kanilang operation sa illegal drugs,” pahayag ni Dela Rosa sa kanyang speech sa Police Regional Office …
Read More »No terror threats sa Metro Manila – NCRPO
PINAWI ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pangamba sa posibleng pag-atake ng mga terorista sa Metro Manila kasunod nang pagpapasabog sa Davao City nitong Biyernes ng gabi. Sinabi ni NCRPO director, Chief Superintendent Oscar Albayalde, walang validated reports kaugnay sa posibleng pagpapasabog ng mga terorista sa Kalakhang Maynila. Idinagdag niyang walang katotohanan ang kumalat na text message dalawang …
Read More »Bagong Zika case sa PH kinompirma ng DoH
KINOMPIRMA ng Department of Health (DoH) ang panibagong kaso ng Zika virus sa bansa. Ayon kay Health Undersecretary Gerry Bayugo, ang pasyenteng isang babae, nasa 40s ang edad at may-asawa, ay mula sa lalawigan ng Iloilo. Ang nasabing babae ang pang-anim na kaso ng Zika sa bansa mula noong 2012. Aniya, nagpositibo sa Zika virus ang pasyente sa isinagawang pagsusuri …
Read More »3 sangkot sa droga patay sa CDS
PATAY ang tatlo katao na sinasabing sangkot sa ilegal na droga, makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Caloocan Death Squad (CDS) sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Ayon kay Caloocan Chief Police Deputy Chief for Administration, Supt. Ferdie Del Rosario, dakong 5:30 am, natutulog sa loob ng Julaton Compound ang mga biktimang sina Mark Angelo Julaton, 19, at Ae-mos …
Read More »2 patay sa shootout sa checkpoint
PATAY ang dalawang lalaki, kabilang ang isang pulis makaraan humarurot mula sa isang checkpoint sa Malate, Maynila at makipagbarilan sa mga pulis nitong Linggo ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina PO2 Manuel Fuentes at Alexander Escobal. Sa pinaigting na police checkpoint, pinatigil ang mga suspek sa Adriatico St., ngunit imbes huminto ay pinaharurot ang sinasakyang motorsiklo kaya’t sumem-plang …
Read More »3 karnaper utas sa enkwentro sa Kyusi
NAPATAY ng mga pulis ang tatlong lalaking hinihinalang tumangay sa isang taxi sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi. Sinasabing pinatigil ng Quezon City Police District (QCPD) Anti-Carnaping Unit ang mga suspek sa checkpoint sa North Avenue, ngunit imbes sumunod ay humarurot palayo. Nagkahabulan at nagkaputukan hanggang mapatay ang tatlong lalaki habang nakatakas ang dri-ver ng grupo. Napag-alaman, ang taxi …
Read More »2 tiklo sa Pasig drug raid (Target nakatakas)
ARESTADO ang dalawa katao habang nakatakas ang target sa isinawang anti-drug operation ng mga tauhan ng Eastern Police District sa Pasig City kahapon. Sa ulat ni EPD Director, Chief Supt. Romulo Sapitula, sinalakay ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) at SWAT ang bahay ng target na si Rex Fajad dakong 11:25 am sa 32 C-8 Esguerra St., …
Read More »4 iskul nabulabog sa bomb threat
NABULABOG ang apat paaralan malapit sa Malacañang Palace sa San Miguel, Maynila kaugnay sa bantang pagpapasabog. Makaraan ang masusing inspeksiyon, kinompirma ng mga awtoridad na walang bombang nakatanim sa Centro Escolar University (CEU), San Beda College, Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) at College of the Holy Spirit-Manila (CHSM). Ang EARIST nitong Linggo ng gabi ang unang …
Read More »Palasyo sa publiko: ‘Wag matakot pero mag-ingat, magmatyag
NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na huwag pagapi sa takot sa teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) bagkus ay mamuhay nang normal ngunit maging maingat at mapagmatyag. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar kahapon, seryoso ang administrasyong Duterte sa pagsusulong ng giyera kontra illegal drugs at terorismo kaya’t inaasahang gaganti sila sa paghahasik ng karahasan. “It is apparent that terrorism and …
Read More »Tulong ng MILF/MNLF ‘di kailangan – Digong (Sa giyera vs ASG)
WALANG plano si Pangulong Rodrigo Duterte na magpasaklolo sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) para durugin ang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG). Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, may sapat na kakayahan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para labanan ang ASG lalo na’t idineklara ni Pangulong Duterte …
Read More »AFP alertado na
ITINAAS na ni AFP Chief of Staff General Ricardo Visaya ang buong puwersa ng Sandatahang Lakas ng Filipinas sa red alert status. Kasunod nang pagtaas ng alerto, mahigpit ang bilin ni Visaya sa lahat ng area commanders na makipag ugnayan sa kanilang counterpart, ang PNP. Bukod sa PNP, nais ng chief of staff na makipag-coordinate din ang area commanders sa …
Read More »Tatlong tao sa Davao blast tinutukoy na
HINDI pa maituturing na mga suspek sa Davao blast ang tatlong indibidwal na itinuturing ng pambansang pulisya bilang ‘person of interest.’ Ayon kay PRO-11 spokesperson, Chief Insp. Andrea Dela Cerna, nasa proseso pa ang pulisya ngayon sa pangangalap ng ebidensiya lalo sa tatlong indibidwal na posibleng may kinalaman sa madugong pagsabog. Sinabi ni Dela Cerna, sa ngayon hindi pa nila …
Read More »Medialdea PH caretaker habang wala si Duterte
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang caretaker officer ng bansa habang nasa Laos siya para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong linggo. “Matutuloy po ang paglipad namin sa Laos kasama po ang ating Pangulong Duterte bukas. Tapos ang magiging caretaker officer po ng ating Pangulo habang nasa ibang bansa ay …
Read More »Drug pusher na konektado kay Kerwin, arestado
NAARESTO ng mga pulis sa Ormoc City ang isang hinihinalang drug pusher na sinasabing konektado kay Kerwin Espinosa, itinuturing na drug lord sa Visayas. Nadakip si Leonardo Guino sa kanyang bahay sa Brgy. Tambulilid, at nakompiska ang ilang pekete ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at .38 kalibreng revolver. Ang suspek ay kapatid ni Noki Guino, sinasabing matalik na kaibigan …
Read More »Task Force on Davao blast inilarga ng DoJ chief
INIUTOS ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre nitong Sabado ang pagbuo ng task force na magsisiyasat sa naganap na pagsabog sa Davao City nitong Biyernes. Tiniyak ni Aguirre, makikipagtulungan ang Department of Justice sa National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agencies para matukoy at makasuhan ang mga nasa likod ng pagsabog sa Roxas Night Market. “I have …
Read More »Travel advisory inisyu ng 5 bansa
NAG-ISYU ang limang bansa ng travel warnings sa kanilang mga kababayan na nasa bansa, kasunod nang pagsabog sa Davao City na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng maraming biktima. Kabilang dito ang mga bansang Australia, United States, United Kingdom, Canada at Singapore. Muling pinaalalahanan ng naturang mga bansa ang kanilang mga kababayan kaugnay sa idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte …
Read More »Banta ng suicide bombing sa Kamaynilaan
HINDI dapat ipagwalang-bahala ang mga balitang maaaring sumalakay ang mga terorista sa Filipinas gamit ang ‘suicide bomber’ para maghasik ng lagim at takutin ang ating pamahalaan para tumigil sa pagtugis sa mga rebeldeng Muslim na nasa bansa, punto ni retired Gen. Rodolfo Mendoza sa Tapatan sa Aristocrat sa Malate, Maynila. Salungat ito sa pahayag ng security expert na si Dr. …
Read More »BoC, tutulong sa pagbabantay sa seguridad ng bansa
TUTULONG ang Bureau of Customs sa pagbabantay sa seguridad ng bansa matapos maganap ang pagsabog sa Davao City nitong Biyernes ng gabi na ikinamatay ng 14 at 79 ang malubhang nasu-gatan. Ayon kay Customs Enforcement Officer-In-Charge Arnel Alcaraz, kaagad niyang inilagay sa red alert ang 400 Customs police, ilang oras matapos ang pagsabog sa night market sa Davao. Sinabi ni …
Read More »15 patay, 80 sugatan sa Davao City bombing (State of lawless violence idineklara)
DAVAO CITY – Pumalo na sa 15 katao ang namatay sa pagsabog sa Roxas Street sa bahagi ng night market sa Davao City kamakalawa ng gabi. Sinabi ni Davao PNP Regional Director, Chief Supt. Manuel Gaerlan, bukod sa mga namatay, nasa 80 ang naitalang sugatan sa insidente. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, isang improvised explosive devised ang ginamit …
Read More »US-backed ASG itinuro ng KMU
TAHASANG tinukoy ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) na ang Estados Unidos ang nasa likod ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) na nambomba sa Davao City kamakalawa ng gabi na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng 80 iba pa. Sa kalatas, sinabi ni KMU secretary-general Elmer Labog, naniniwala ang mga obrero na ang pag-atake ng ASG sa Davao …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com